Sa current political at #MMFF2016 climate, may laban sa pagka-best picture ang #oro. Sa pagka-number 1 box office hit, uhm not so much….  though it deserves to be at least at the top 4, sana.

 

Compared sa mga nakaraang MMFF, Oro would be considered the “message” film ng festival. Yung pelikulang may sowsyal relevance, yung pelikulang may ipinaglalaban na humo-hopia na mabigyan ng pansin, but almost always only after sobrang mapuno na yung mga lighter, mass-pleasing movies.

 

Ang problema noon, these movies tended to get lost in the message, nalilimutan na quality and entertainment value still matters even with the best-intentioned film kaya ayun, lost na sa awards kulelat pa sa box office. Also most of these films suffer from budgetary constraints so they end up with star(lets) that people really has no desire to pay good money to see.

 

Thankfully mukhang nasolve ng Oro ang ilang problema.

 

 

Watching the trailer, gripping siya. Medyo heybi in the pighati ng api and pakikipaglaban ng karapatan department, pero gripping. Also, indie is the new mainstream, at sa level na ito, Irma Adlawan is a superstar. Name draw si Mercedes (Mother is an idiot, charot) Cabral at Sandino Martin dahil uhm cute siya, bakit ba,  and of course the singsarap-ni-Piolo-pero-di-singmahal Joem Bascon.

 

From what i saw, tungkol ito sa isang community na na gold-panning ang ikinabubuhay na biglang pinasok ng isang better funded syndicate (of course malamang run by a dirty politician). Though the good but poor people versus rich but corrupt organization have been  (over)done before sa local movies pero Oro seems focused sa task at hand, hindi broadstokes ang storytelling.

 

Kung yung ibang entries papanoorin niyo for sheer entertainment, or thrills, or discovery, panoorin ang Oro to enrich your humanity and soul.

 

Ooooooooh! Parang may meaning at value yung sinabi ko, sumakit ang ulo ko eh.

 

Advertisements