Since medyo kinakareer ko na rin lang naman ang rebyu-rebyu kemelatique na ito, i decided to grant one review request.  And so i went out to watch #yourname, alone.

 

Malay ko bang mamimilipit ako sa kilig? Sa idad ko kasing ito, usually ang kilig nararamdaman ko na lang sa dulo ng satisfying na pagwee-wee sabay pagpag. Yaaak! #TMI

 

Dahil sa movie na ito na reenforce ang balak namin ni G na mag-Japanese language lessons sa 2017. siya para manood ng anime at j-drama, ako for jap porn ingk, ingk, ingk.

 

The anime was written and directed by Makoto Shinkai, heir apparent raw ni Hayao Mayazaki. Ma. Hindi ko sila kilala pero big deal raw sila. May K naman, top-grosser sa japan for 2016. Go! Kainis lang na ang top grosser sa Japan eh kalidad, sa atin ang year-end topgrosser, ano… kwan… yun nga. Hmpf.

 

Typical love story lang naman ang Your Name. Girl  does not really meets Boy. Boy meets Girl’s breast. Boy falls in love pero hindi pwedeng maging sila dahil Girl is kinda-sorta dead nang slight. Ganun. Typical.

 

Parang pinagmerge siyang “17 Again”, yung exchanging bodies comedy, saka “The Lake House” nina Keanu at Sandra Bullock na love story na may time travel sa saliw ng saya-sayahang j-pop sountrack. Actually yung soundtrack pa lang sa OBB ng movie na-engage na ako nang very light tapos na loka ako na sa opening scene nilalamas ni girlet ang dudu niya habang bagong gising. Hindi Disney ang may gawa ng animation na ituh.

 

Sa kwento si girl ay part ng isang tradition-bound family sa probinsiya kunsaan pinapractice pa rin nila ang heritage nila maski hindi na nila ito naiiintindihan. Nakaramndam ako ng inggit dito kasi preserved at present pa rin yung kultura nila compared sa kultura natin na gutay-gutay na. At nacapture ng animation yung elegance ganda ng tradition’g pirnipreserve nila.

 

Actually sobrang nakakabilib ang achievement sa animation dito na sobrang sharp, sa yungmga “panning shots” saka “cut-aways” na sobrang plano, at certain points nawawala na sa conciousness ko na animation ang pinanonood ko, napinagalaw na mga drawings lang ito at hindi live-action feature.

 

But what amazed me the most is narecreate ng writers, director and animators yung kilig process. Nagawa nilang imanufacture yung charm. Ang live action film kasi can rely sa natural charm or chemistry ng actors nila, dito kailangan na i-create nila yung charm via pencil or computer rendering. Nagawa niya na mag-care ako sa characters na drinowing lang naman.

 

The movie is divided sa several sections and iba-iba ang reactions ko sa kanila. Yun umpisa, tawatawa meet-cute nakilig ako, yung mid-part naman na parang naging action/adventute, napa-edge of my seat ako, at nung climactic romantic ending na , eeeeeee! namimilipit na ako sa kilig. Remember mga drawing lang ang mga itu ha.

 

If there was any regret, it woudl be that i watched “Your Name” alone. Dapat kajoin kang jowa, or at less BFF na makakaintindi kung bakit kinukurot mo sila sa inner arm. Warning: wag gawin kung hindi kakilala ang katabi, baka akalain nangmamanyak ka.

Advertisements