Kung ang intention ni direk Alvin Yapan sa #oro ay to elicit outrage sa mga kaganapan, day, achieve na achieve niya. for two thirds of the movie nagpigil lang akong lumabas ng sinehan, kumuha ng sulo at pangunahan ang buong barrio para sunugin kungsaan man kuta ng hindupurot na Patrol Kalikasan na yan. SUNUGIN! IBITIN NG PATIWARIK! BALATAN NG BUHAY! PAPANOORIN NG KRIS AQUINO MOVIES!

 

Ajit na ajit ako hanggang matapos yung pelikula, napakain ako pork sinigang sa bayabas at ox tail kemberwhatever sa cafe adriatico, with extra rice. Buti na lang libre ni friend. Hi friend!!!

 

Anyways… that Irma Adlawan woman in the movie ha. She has more betlog than anyone in the village. Bigyan na yan ng action film! Gusto ko na siyang maging village chairperson namin, pero siya pumunta dito, akong tumira sa kanila, malayo sa mall, hindi bagay sa akin ang maputik unlike Joem Bascon who carry dungis so well. Medyo putok na putok lang ang biceps niya to be truly a dukhang goldpanner. Si Mercedes Cabral rin pak na pak as dugyutik teacher from a far flung village, or from any dukhang village for that matter.

 

Straight forward lang ang paglalahad ng kwento sa Oro. Sobrang straight forward, papunta na siyang docu, kulang na lang yung interview inserts. Maganda ang mga shots pero hindi pang DOT Wow Philippines promo. Huling-huli yung bucolic charm ng lugar malinis, maayos pero mahirap. Hindi siya umabot sa poverty porn level. Sa paghati porn, mala-mala.

 

Diyoskolerd! Wala bang saya sa lugar na ito?  After ng slice of life opening sequence, puro suffering and challenges na lang. Wala bang bakla? Masaya ang bakla. Dapat may mabakla.

 

Ayyy ibang movie. Sorry naman. Naghahanap lang kasi ako ng makakapitang saya. Kalahati pa lang yung movie, lugmok na lugmok na ako. Maganda siya pero walang pahinga yung ngitngit ko, na hindi kayang ibsan ng coke at caramel popcorn. Tapos yung heavies, heavies acting talaga, yung from the 90’s action films level, inaabangan ko na ngang lumitaw sina Paquito Diaz at Ronald Bregendahl. Masyadong luma? Sige John Regala na lang. Saka yung Sue Prado ha, nakakainis, bet kong ipagahasa kay Romy Diaz after niyang ipagkanulo yugn town niya. Grrr.

 

Kalma lang…. Deep breathing….

 

Anyways, mabutin na lang bukod kay Joem na sing-sarap-Piolo pero di-sing-mahal, nasa cast rin si dugyot delicious Sandino Martin, yung eye candy na owner ng aso pero walang ginawa sa movie Acey Aguilar, saka yung naka-pony-tail na at papuntang Jeric Raval nang kontrabidang Cedric Luna.

 

Inalam ko talaga yung name at nag-enumerate pa di ba? Kung docu lang ang Oro at ganun ang itsu ng mga minero, baka bigla na lang akong mag-outreach-program sa mga goldminers ng Camarines Sur.

 

 

Regarding performances walang hahanapin pa. Si Sandino, siya talaga yung gwapo sa barkada na hindi masyadong bright at duda mong namamakla pero barkada pa rin kayo. Si Joem parang nandun na sa no-acting acting level, nasa  “being” na siya yung pagbato na lang ng performance to the camera ang kulang. Mercedes, plakado na yang no acting-acting na yan pero alam niya kung kailan ilelevel up ang histrionics. Yung break down scene niya sa dulo ng movie broke me as well. Kimkim ko yung emotions ko althroughout the movie pero nung bumigay si Mercedes, wala na, luha galore na.

 

And of course ang spine ng movie, si Irma Adlawan. Totally immersed siya, halos maamoy ko yung alat ng dagat sa kanya saka yung lagkit ng pawis.  Maiintindhan mo kung bakit inilagay ng isang buong barrio ang pag-asa nila sa balikat ni Kapitana.

 

At Pag-usapan natin yung final talk-to-cam moment ni Irma.

 

Ukininanamsyetmeyn! Dafeels!!!!!

 

Parang nabalitaan ng production na may mahaba rin palang pang-award scene si Ate Guy sa Kabisera so gumora rin si direk at binigyan rin ng panlabang moment si aling Irma. Magsabong kayo sa awards night.

 

Humarap si Irma sa camera na puno ng emosyon pero walang luha, parang gumamit ng  Johnson’s Baby Shampoo, no more tears! Lumitanya siya nang mahaba,  ramdam mo sa bawat kataga yung kontroladong galit niya na biblical in proportion. Righteaous anger meyn, righteous anger! Parang Jesus na nangwarla at the temple lang.

 

Oro may have lost La Aunor due some differences pero it gained something else with Adlawan. If Ate Guy have stayed sa movie and did what the script asked, it would have been another Aunor moment, nothing more. But with Irma, Oro became an ensemble piece, walang bida, tulong-tulong lahat to present a believable slice of life…however bitter it may be.

 

 

 

 

Advertisements