I was so ready to hate on #vincekathjames ever since napanood ko yung trailer niya when mmff2016 released the list of the official entries. Wala kasing pinagkaiba ang trailer na ito dun sa ibang trailers ng teenybopper romcoms ng Star Cinema starring virtual unknowns hoping na makatisod sila ng next disposable stars na itago natin sa pangalang Kathniel or Jadine. Blind item lang yan ha, walang aapela.

 

Anyways pinanood ko lang siya as a completist. Yung kagagahan kong papanoorin ko lahat ng entries this year. Inattempt ko siya sa Cinemalaya noong midyear pero may nakatakas na isa. This time around sumumpa talaga ako na kumplet na, at pang level up, each entry sa magkakaibang mall ko papanoorin.

 

Oo, kagagahan nga eh.

 

Sa UP Town Center ko natyempuhan ang “Vincekemekeme…” and what do you know? Kasabay ko at pumuno ng sinehan ay ang target market ng pelikulang kabataan na ayaw bigyan ng Star Cinema ng 30% discount sa ticket. Narinig niyo yon?!!! The youth!

 

Kebs sila. Basta barkabarkada silang nanood, isang halera per barkada. Sabay-sabay pang  kinikilig ang mga pohtah sa bawat pachenes na eksena.

 

Anlakas maka-tanders.

 

Feeling ko times 3 ang idad ko sa average age ng mga kasabay ko nanood. Kinapa ko nga ang bulsa ko kung naisyuhan ba ako bigla ng senior citizen card eh.

 

Obviously hindi ako ang target audience ng pelikula, pero naapreciate ko naman ng very light yung pakilig. At huwell cutie naman sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte at may kislot akong naramdaman sa early scenes ng dalawa na naka-boxers shorts lang na obviously was shot to induced unexplained wetness sa mga 12-14 year olds. Yak!

 

In my case pinigilan ko ang kislot dahil baka mabantay-bata ako at hindi bagay sa akin ang orange na may “P” sa likod, at ayokong makisayaw to the tune of Thriller sa Cebu.

 

In fairness sa casting pasok si Julia Barreto sa role. Hindi siya fragile flower. Sa pata at braso niya, believable naman nagtatrabaho siya sa talyer. At self-aware rin yung movie na inunahan niya ang audience na pansinin ang pisngi ni Julia na parang hamster na nag-iipon ng food for the winter. And i mean that in  a nice way.

 

Walang bago sa basic premise ng kwento, where nerdy guy likes girl who is into hunky boy who is into girl but asked nerdy boy to make ligaw for him. Napanood na natin ito nood, at kung geeky  ka, nabasa mo na yung literary basis. Pero cute yung paggamit ni direk  Theodore Boborol ng graphics at konsepto ng social media  para cool, timely at young.

 

Kinapa ko yung ilalaim ng chair ko kung may lumitaw na tungkod.

 

 

What i really liked sa movie isyung pagka-seamless ng pasok ng kwentong pamilya sa kwento pagsinta ng tatlong bida. Yung mudang ni Julia na basag na basag kasi inawan ni pudang, yung rich sosyalerang mudak ni James at yung pudak  niyang si Ferdinand Marcos  na nagpapanggap na si Jeric Raval, at yung distant na mudra ni Vince na halos ipagtabuyan siya para wag sya huwag makita ng jowa dahil apparently anak sa pagkakasala si Vince. Awts.

 

Sa pakilig, the movie seemed to have taken pages from the Antonette Jadaone book of romcoms. Meron nag work, merong hindi, mostly riding sa charisma nina Joshua at Julia. Si Ronnie? Ayun nagtanggal na naman ng t-shirt. Go team Ronnie!

 

Of the three, pinaka-bet ko yung storyline ni Vince. Heartbreaking kasi nanay eh, tapos hindi ko makuhang magalit kay Ina Raymundo kasi nandun yung fragility. Add to that bukas na bukas kasi yung mukha ni Joshua Garcia as Vince. Basang-basa mo yung hurt at vulnerability. Mali ako dun sa unang tingin ko sa kanya na nakakirita siya. Taken out of context pala yung eksenang nasa trailer at talagang nangiinis siya dun eh. May something yung bata. Baka maging next  John Lloyd Cruz, so ngayon pa lang ilayo na sa alcohol ok? Cheret.

 

Si Julia naman, well mas magaling na siya sa tiyahin niyang si Gretchen for sure, though hindi naman yun mahirap maachieve. Wala rin siyang kebs magmukhang less than glamorous in her natural state. Pwede siyang maging Judy Ann Santos, yung bidang pretty pero hindi threatening sa ibang girls, saka nandun na yung Juday na pisngi eh. Cheret ulit.

 

At si Ronnie Alonte naman, una kape. Parang laging half asleep sa mga eksena. Puyat ka ba dudung? Bedroom eyes maski wala sa bedroom. Saka tama nga, workshop pa more. Hindi naman siya awful pero compared sa mga kasama niya, nahuhuli siya. Buti na lang after a scenena parang anuvers si Ronnie, yung susunod na scene maghuhubad siya ng shirt pambawi, and everything is good ulit in the world.

 

Saka pala yung gumanap na Maxine. Bawas sa Red Bull neng. Tumatak ka naman pero nandun ka na sa linya ng kairita. Ano address nung nagworkshop sa iyo ng perky bestfriend acting? Tatampalin ko. Buti na lang nararamdaman ni direk yung tamang moment na tatanggalin ka sa frame. Good job direk.

 

Nasa labas na kaya yung caregiver ko dala yung wheelchair?

 

Advertisements