#LaLaLand : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Hindi ko naman chinachaka ang La La Land huh. Ok siya. Pero Ok lang siya. Napahum-along ako. Hindi ako nakatulog. Naamaze ako sa color blocking. Natuwa naman ako sa prod numbers. Kinilig ako kina Emma Stone at Ryan Gosling. Napa-kick-ball-change-chasse-chasse-pirouette ako papalabas ng sine.

Pero hindi rin ako naluha.

At sa dalawang protagonists, ang masasabi ko lang, ginusto niyo yan eh, wag nga kayo.

Advertisements

#SakalingDiMakarating : #Onsikandtot #TheKneeJerkCritic Movie Review

Onsikadtot, #sakalinghindimakarating turned out to be a nice ride.

The first time i saw Sakaling Hindi Makarating kasi was at the #cinema76 sa Manda. Late kami nakarating so sa gilid-gilid lang kami naupo, on gasp! Monobloc chair! And i was definitely on critic mode and may i say, anlakas maka-harsh ng monobloc chairs.

I guess “Sakali…” just needs the right frame of mind to be enjoyed. So when you go out on Feb 1 to catch “Sakali…” choose a comfy cinema and check in the inner bitch critic at the door.

If you want to see my original review of the movie, click https://thekneejerkcritic.wordpress.com/2016/12/12/the-kneejerk-critic-movie-review-sakaling-hindi-makarating/

#Ilawod : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Nabother ako sa portrayal ng sexuality ng ng mga bagets dito… but bothered in a positive way. Typically kasi, pag ang artista mo eh nasa mid teens, puro kasweetan o pagka-angstsy ang portrayal. O kaya pagka-brat. Hanggang doon lang, tapos bigla, buntis. Dito overt ang sexuality na pina-ooze kay Teri Malvar at kita mo na intention yun ng director, to may you squirm and feel uncomfortable. Hindi ito basta kirititay-katuray. Hindi ito variation ng landitay-lanturay-harot. This is lust that goes beyond sexual. Eto yung Dan Villegas na hinahanap ko.

#Himala , 1982 (Restored): #TheKneeJerkCritic Movie Review

Parang mahirap i-classify ang Himala with today’s standards. It is a masterpiece created by its time, yet whose questions and message remains current. Yung motif ng unblinking eye of the media sa Himala, aba that’s reality TV at its best and worse. Yung sumisinghap na ng last breath si Elsa, kinukunan pa ng video, aba palitan lang ng iphone yung mga camera eh it’s so 2017.

Iba ka Ishma! Iba ka Ricky Lee! Ate Guy! Para siyang perfect storm when a great material is performed by a great actor under the guidance of a great director. Greatness galore! Kaya naman pala classic at iconic.