Simula pa lang nung unang lumbas sa fb yung trailer ng #seklusyon, ito na talaga ang inabangan ko sa #mmff2016.

 

Well, bukod sa Saving Sally.

 

Saka sa Sunday Beauty Queen.

 

Saka sa Die Beautiful. Saka sa Babae Sa Septic Tank 2.

 

Andami ko palang inabangan. Syet.

 

Anyways, basta itong Seklusyon yung na-tag kong barkada movie namin dahil inaasahan ko yung suspense-suspense, tili-tilian, ganern. Ansaya!

 

I should have known better. Kay Erik Matti nga pala ito, at hindi niya basta ibibigay yung inaasahan. Unyeta siya. But I mean it in a nice way.

 

Maganda naman yung movie. At yung texture ng shots, yum. Ang production design. Ang scoring. Wala lang talaga yung borkot at gulat na inaasahan ko . Para lang siyang bonggang pilot episode ng isang  supernatural thriller sa Netflix o HBO. Bongga pero parang nagpigil.

 

Hinintay ko pa naman kung paaano tatakbo yung eksena ng naglalakad ng santo kasi isa yun sa primal fears ko. Lagi akong nagpupunta sa gilid ng kumbento sa amin dati, tapos tatayo ako medyo malapit dun sa santo intiero tapos hinihintay kong dumilat at lumingon tapos pag di ko na keri tatakbo ako palayo. Oo, parang tanga lang.

 

Simple lang kwento ng Seklusyon kung tutuusin. May apat dekano na cutie na malapit nang maging pari ang pinapunta sa isang secluded na house sa gitna ng kakahuyan to protect them from evil elements that could taint their purity.  Simultaneously, sa ibang lugar, may daddy-daddy na pari na iniimbestigahan ang isang madre and her alagang jogets na nakasuot nuestra senora na naghihealing session habang lumulura ng likidong itim. Yak, holy mother pusit!

 

Mysteriously nadeds ang parientes ng jogets and for reasons to be revealed later on, ipinatago ni bishop si madre at jogets sa same said secluded house in the middle of the forest.

 

And that’s when all hell broke lose.

 

See what i did there? Hint-hint! Bwahahah

 

 

Hunggwafu ni Neil Ryan Sese dito. Sa outfit niyang rugged jacket over his sotana and the scruff  para siyang  mix ni Indiana Jones saka yung pari sa The Exorcist. Pambida kaso hindi siya yung bida. Pero for a spin-off  episodic TV series pwede siyang bida. Ang down side, hindi siya naghubad. Hmpf.

 

Yung apat na semenarista candy cuties rin pero, hmpf, hindi rin naghubad, eh hindi naman ganung kagalingan so wititit tumatak sa akin. That includes the nominal bida Ronnie Alonte in his second (!) MMFF2016 movie. Magaling…

 

… ang manager/agent niya!!! Imagine, two major roles parehong pamfestival pa. Considering na kulang pa siya sa talent and, though bagets-yummy, I dont see anything extremely special la looks to merit such favorable exposure.

 

Like sa Vince&Kath&James keri lang naman siya. Isang problem here is he looked so “now” so hindi ko naramdaman sa kanya na nasa 1947 siya and similarly walang indication na semenarista siya except for the act of reading the bible. Hindi naman bad acting si Ronnie, at watchable naman siya onscreen.  Sa level ng “no-acting  acting” andun siya sa no-acting, period. Could be much much much better pero hindi naman na masama, and much better than hamonado acting in my book. In my book daw o, say ni Eugene Domingo.

 

Markado ang acting ni Phoebe Walker who eventually won best supporting actress, though mas prefer ko si Mercedes Cabral for her final breakdown sa Oro. Problema siguro ng stylist or something, like Ronnie hindi ko rin naramdaman na of the 1947 period yung madre character Phoebe, nor na pious na madre pa. Maski in costume, her face looked too current at kung makatingin siya parang alam mong naka-sparkly na pulang minidress siya sa ilalim ng abito niya and hindi ka sure kung nagbother pa siyang magsuot ng thongs. Siya yung naghubad. Hmpf!

 

Ang breakout star dito is definitely Rhed Bustamante, the devil child. Hunggaling ng pohtah bata. Bata ba ito o 35 years old na, bansot lang? Hunggaling ng shift niya from innocent child to craft devil and back. Seamless ang shifts, si Cate Blanchett ba ito nagpapanggap lang na bata?

 

Saka hoooooy mga stage-nanay ng mga childstars sa tv dramas, ganitong acting na po ang ituro niyo sa mga anak niyo please  para kumita sila ng mas malaki para buhayin kayo. Tama na po yung bata na pa-bebe acting pa, o yung kairitang superpabibo/perky acting. Nagawa na po yan lahat ni Ate Vi noon, at 3 times na siyang governor ng Batangas ngayon.

 

All in all, laudible effort naman ang Seklusyon,  may pretensions lang sa padeep ang kwento pero at least pinag-isipan at maayos ang dineliver na produkto at hindi puki-puki lang.  The latter part of the movie  could also use tighter editing para magkaroon mas malakas na sense of urgency and tension for the climax.  Yung eksena ng gumagalaw na santo, hindi rin siya nakakatakot. Nareveal kasi early on na kung ano mang-horror na makita onscreen, the protagonists know na everything is happening only in their minds and  their conscience. They were never in any real physical danger and lessened the fright factor and the engagement of the audience.

 

And about the “real” horror that the movie warns about? Hindi naman na siya bagong insight. And we have been living with it for decades na so hindi na siya frightening, horrifying na lang. And like any horrifying, nasasanayan na rin lang at nagiging mundane, lalo na pag nakakasalamuha mo siya everyday.

 

Advertisements