Aba tingnan mo nga naman!  Napangatawanan ko na ngang mapanood ang walong  entries ng #mmff2016 sa eight different locations, i managed to do reviews for all of them pa.

 

Halfway thru, Ronie Padau challenged, why not do a  kneejerk cinemahouse review  na rin?Pinasasama niya na nga rin ang review ng popcorn while i was at it . Adik na yun. Charot. Hahaha. Though pinag-isipan ko yung unang challenge, the popcorn thing is a no-go kasi i’m such a cheapskate, nagbabaon ako ng gluten free na biskwit at kape sa sine para hindi ako bumili ng popcorn at overpriced drinks. Take note gluten free ang biskwit. Pashala pero kuripot. bwahaha.

 

Sidenote:  May friend akong nagra-rant sa ticket pricing ng mga iba’t-ibang sinehan. Sorry hindi ko masuportahan yung rant kasi compli pass ako so hindi ko tinignan yung actual prices.

 

  1. Babae sa Septic Tank 2: Trinoma Mall – Walang tax na binayaran kasi block screening na libre.  Wala namang bago, suki na ako dito yamang ito ang mall na pinakamalapit sa akin. Nabawasan na yung maraming taong nakatambay para manghuli ng pokemon. Well maintained naman ang sine, ayaw lang palitan yung pre-prerecorded public address message tungkol sa film piracy maski parang may sipon yung VO talent noong nagrecord. Isa ito sa pet peeves ko sa sine bukod dun sa bagets na lumingon habang may mga nagra-runway-firedrill na mga mowdels.
  2. Sunday Beauty Queen: Uptown Mall – Hindi lang uptown,upscale rin, ankalas makadukha ng place lalo na at compli pass lang ang gamit ko.  Tight ang sked so hindi ko naikot pero mukhang mamahaling mall. Bagong-bago pa ang mall at sine. Fresh pa ang carpet at ang leg room, hindi pang-economy class. Eto rin ang may pinakabonggang upuan, parang double layer yung foam ng back support. Yun nga lang, siningil ako ng plus P15 tax keme maski na P5 lang ang nakalagay sa pass na dapat bayaran. Dapat dito rin kami manonood ng Saving Sally kaso VIP cinema raw  di  pwede ang pass at P500 ang ticket. Anu shonga?  Fly away nga ako.
  3. Saving Sally: Market!Market! –  yung mall na pangharang yata ng Ayala para wag nang tumawid ng Serendra ang mga dukha. Cheret. Malaki yung sine pero yung lumang style, lahat ng silya orchestra level. Swak ang kalidad ng seats sa target market. Not complaining though. Ayaw kong magbayad ng P500 eh. Suffer. P5 lang ang tax.
  4. Oro: Gateway Mall.- First time kong naka-encounter ng major pila sa MMFF2016 dito sa Gateway Mall. Mix ang crowd though maraming cutie na nakikipag-eye to eye sa paligid ng CR. Very intimate ang feel ng cinema sa Gateway, parang close kaming lahat na nanonood.(read:cramped but still tolerable) Di ko sure pero parang P5 pesos rin lang yung tax.
  5. Vince&Kath&James: UP Town Center – UP ang nasa name pero parang Ateneo at Miriam ang target market. Ankalas maka-tanders ng crowd. Angkikinis ng kutis, walang gatla, walang pores. Nakakinis. Second sa pagkashala ng feel to Uptown Mall. Hunglawak ng area, hindi ko rin naikot. Babalikan ko pasi parang maraming kainan. Ang wierd kasi P5.25 yung tax, may butal talagang 25 cents, pero hindi ako sinuklian nung takilyera sa P6 na inabot ko.
  6. Kabisera: Fisher Mall – May buffet place!!! Teka ma-take note nga. Anyways first screening ang hinabol ko so walang pang pila sa takilya. Superliit ng theater, parang pamprivate screening. Tatlo lang kami sa loob. Yung isa naggi-games pa.  Hindi ko inaaway kasi marunong magtago. P5 pesos yung tax.
  7. Seklusyon: Robinson’s Magnolia – Simula na yung movie, yung katabi ko nanghuhuli pa ng pokemon, unyeta. Tinalakan ko nga.  Nothing to recall sa cinima except hinigal ako paakyat sa seat ko. Saka P5 yung tax.
  8. Die Beautiful : SM Megamall – Isang malaking pagsisisi na sa SM ko ito pinanood. Anchaka ng audio. AS IN. Anchaka ng audio! DIto nararant yung friend ko na super mahal raw ang ticket tapos P10 yung siningil na tax. Luma ang sine, yung panahon pa na hiwalay ang presyo ng orchestra at balcony. Naalala niyo nyung panahon ma may Loge pa na mas mahal ang bayad? Hindi? Millennial ba kayo?

 

Hindi ko alam kung dahil ba ininvolve ko ang sarili ko dito or this is truly the most festive MMFF  we’ve had  in a long time. Andaming putahe, di mo malaman kung ano ang uunahin sa handa. Also nakakatuwa na andaming film-lovers and movie enthusiast na na-engaged. Dami kong nabasang short personal reviews ng mga pelikulang napanood nila and this is so thrilling.

 

On a personal note, bongga ang naitulong nito sa readership numbers ng blog ko. For sure hindi ito kalakihan compared sa readership ng ibang blogs pero ang  ikinatutuwa ko ay there are already a couple of people who have been engaging me in online conversations and exchanges. Super appreciated ko yun. It made me feel na hindi ako nag-iisa talking to a blank screen, na may actual na mga taong nga akong kausap out there. Salamat po.

 

The origin of this post is my newly-minted at recently-claimed ninong,  Joel David idea. Gawa raw ako ng omnibus MMFF2016 post where you guys can find all the reviews, so here it is. 🙂 Click niyo lang ang thumbnails  to access each review, kakaaral ko lang gawin. I’m so proud of myself hahaha.

 

img_5201img_5208img_5209img_5220

 

 

img_5226img_5246 img_5227img_5245

 

Keri niyo ba kung magbigay pa ako ng citations? Try natin ha?

 

Best Leads. Irma Adlawan of Oro at Paolo Ballesteros of Die Beautiful talaga hands-down. Or is it hands up kasi suko ako sa galing nila? Unforgettable yung talk-to-cam closing solo ni Irma at yung birth of Trisha Echeverria moment ni Pao.

 

Best Support: Agree rin ako na Christian Bables ng Die Beautiful sa actor though i prefer Mercedes Cabral of Oro over Phoebe Walker Sekusyon sa actress. Yung breakdown ni Mercedes sa basketball court meyn. Anubey.

 

Best Ensemble: Oro cast talaga maski na medyo too-heavyhanded yung pagka-villain ng mga, well, villains. Nakatulong ang mga papey in the cast like Joem Bascon, Sandino Martin, Acey Aguilar at Cedric Juan. Sana lang  may shower scene sila.

 

Best Director: Nakakapangimi pumili pero in awe ako sa apat. Yung handling ni Jun Lana ng kwento ng Die Beautiful was funny yet heartbreaking, yung pagka-technician ni Erik Matti made Seklusyon a delicious experience, yung pulso ni Baby Ruth Valderama sa subjects ng docu niyang Sunday Beauty Queen, at yung pagkasolid ng vision ni Avid Liongoren na even after 10 years in the making eh fresh na fresh pa rin ang look ng Saving Sally.

 

Best in Pa-delight: Runner up ang pa-chest hair ni Kean Cipriano sa Babae Sa Septic Tank  2 pero ang winner is ang pa-boxershorts nina Joshua Garcia at Ronnie Alonte sa Vince&Kath&James. Boooo sa mga semenerista ng seklusyon as well as Neil Ryan Sese-, negative padelight points kasi balot na balot sila. May nagpakita nga ng skin, girlilet naman so kebs ko.

 

Prettiest: Rhian Ramos. Ganda ng pohtah sa Saving Sally. Perfect casting.

 

Best Imaginary Location: Sandara Park at Tuk Mall sa Saving Sally

 

Bakit Ka Narito Award: Runner Up si Acey Aguilar in Oro  bilang may-ari ng dog ni kinatay for real. Kailangan talaga gwapo ang may ari ng dog? Runner up rin si Kahlil Ramos na namana ang dialogue-less PA role ni Cai Cortes pero practically walang idinagdag sa Babae Sa Septic Tank 2. But the winner is Ronwaldo Martin na di ko pa rin ma-explain ang necessity ng presence sa Kabisera.

 

Best In Kairita: Runner up is yung girl who played Maxine as a superhyper mega-perky best friend siya mismo ang kairita. Pero ang winner is yung portrayal ni Sue Prado sa Oro dahil kairita yung ginawa nung character. Grrr.

 

Best in Pawis: Runner up si Irma Adlawan dito for Oro pero ang co-winners sina Kean Cipriano sa sauna scene sa Babae SA septic Tank 2 and Joem Bascon habang nagkakabod sa Oro dahil, oh the pawis!

 

Most controversial: Walang duda, ang pag-deds ng doggie sa Oro.  Todo sapaw ang pagmumura nung bagets sa Seklusyon.

 

Also Noted:

  • Gwapo pa rin pala si Joel Torre sa extreme close up sa Babae sa Septic Tank
  • Akala ko asawa ni Joel Torre si Gladys Reyes sa Die Beautiful, kapatid pala siya ni Pao dun.
  • Kakaenjoy ang soundtrack ng VKJ. Anlakas makabagets.
  • Bakit walang homoerotic theme sa Seklusyon eh  wala nang mas ho-homoerotic pang situation kesa  being in a semenaryo except posibly being in an all-male prison.

 

Advertisements