Anlakas maka-shala ng UP Town Center ‘no? First time namin gumora dito ni G together. Unang tuntong ko pa lang sa loob ng mall, parang kuminis na yung kutis ko, walang pores. Tapos gusto ko biglang mag-ingles! Bongga!

 

Photo-finish kaming dumating sa LFS screening ng #Passengers so naiwasan ko yung nakakairitang public service announcement nung VO talent na may sipon. “henjoy da moovbhi” ka dyan. Hmpf.

 

Anyways, back to Passengers. Nung nabalitaan ko pa lang ang casting ng movie na ito napa-Ayyy na ako!  Jennifer Lawrence at Chris Pratt! Hungganda siguro nilang panoorin sa big screen together. Kebs na sa kwento.

 

Nakuha ko naman yun. Hungganda naman nilang panoorin on the big screen together. At parang kinebs na rin nila yung kwento. Plus dito na-prove ni Chris Pratt na kaya niyang magdala ng solo film. As in literal na solo dahil sa long stretches ng movie, mag-isa lang siya sa frame.

 

At naprove rin ni Chris na believer siya sa equal opportunity objectification. Si J Law side boobs lang eh si kuyey ay pa-buttshot dito, not once but twice! Eto na ang P250 ko, kunin mo na.

 

Hungwapo talaga ni Chrsi.. Pati yung balbas niya cute. Kulot na kulot.  Feeling ko, pag lumingon yung balbas niya, may mukha ng kerubin sa kabilang side na lilitaw.

 

Si Jennifer Lawrence naman na prove niyang sa outer space kailangan pa ring mga blower at curling iron. Angganda ng buhok ng pohtah buong movie.

 

Eh ano ang kwento ng movie ika nyo?

 

Ayyy kailangan pa ba?

 

Sige na nga.

 

So in the far away future, sobrang over populated na raw ang earth, may private company nang nagbebenta commercially ng chance to start anew on a different planet. To reach the said planet, the clients faces  a 120-years long interstellar trip in suspended animation on a bonggang spacecraft na may first class at may economy pa rin. Apparently maski sa outer space, ang mayaman ay mayaman pa rin at ang dukha at dukha pa rin.

 

Enter stage right ang isang asteroid belt na nagshower ng space debris sa ship at dahil sa multiple collisions nagising si Chris Pratt 90 years too early.  Mababaw siguro matulog si kuya. dahil siya lang sa buong ship ang nagising habang himbing pa rin ang lahat ng kasama niya sa byahe including the flight crew.  Wit siya maka-iklifanny ulit in suspend animation pero wala naman siyang mahingan to tulong. So ano ang gagawin niya mag-isa de ba?

 

Well, pwede siyang magbayis, pero not for 90 years.

 

He does the next best thing, pumili siya ng tipelya niyang merlat among all the sleeping beauties at napili niyang ginising si J Law. Dun umikot ang kwento and

 

Hindi naman ako nachakahan sa movie. Pero hindi rin ako lumabas ng sinehan na nagsisisigaw ng “pohtahng ina panoorin niyo ito dahil mababago ang pananaw niyo sa buhay!!!!”. Sakto lang. hindi kailangan ng ice cream pampagaan ng feelings o dibdibang diskusyon for debriefing.

 

Ok ang special effects, pero nothing na hindi ko nakita sa ibang scifi movies. Wala ring insight na sinulong tungkol sa humanity, environment, o space travel or relationships. Simpleng love story lang siya na set sa outerspace. Maski yung nilarong moral dilemna ni Chris regarding sa paggising kay J Law was played down to nothing but platitudes ng paghahanap ng true love at letting people into your life.

 

Nakajackpot ang director in casting Chris and J Law dahil the movie totally relied sa charm ng dalawa to carry it though hanggang sa ending credits. Tulad ng millieu, walang gravity ang pelikulang ito.  Present pero lukewarm rin ang chemistry ng mga bida. Hindi ako nagliyab sa init nila pero they look good together.

 

As J Law always does, she injects honesty sa performance niya na maski hindi ka na naniniwala sa premise ng movie, naniniwala  kang naniniwala siya dito. Si Chris Pratt naman, for all his physical attributes, and there’s many, ang sexiest is ability to project child-like innocence. Sa mga eksena where he looked guilty,  you would forgive him anything.

 

Sorry nagising kita 89 years too early… Ayy, Wala yun.

 

Sorry ikaw yung pinili ko out of all the others na makakasama ko forever….. Maliit na bagay, wala yun.

 

Sorry mamamatay ka na hindi nakikita yung planetang gusto mong puntahan…. Keribels lang. Wala talaga yun.

 

Saka sorry, nasira ko yung pang-kilay mo….. EEEHHHH POHTAHNG INA NAMAN EH!!!

 

Charot lang.

 

Bottom line, hindi ka naman na magrereklamo kina J Law at Chris Pratt dito sa Passengers, yun lang, J Law at Chris Pratt lang ang nakuha mo dito.

Advertisements