Last week lang ba yung humingi ako ng reco sa fb kung ano ang bet ng mga besh na mbigyan ng TKJC treatment. TKJC, The KneeJerk Critic. Oooooo di ba, have na ng acronym.

 

Anyways I was expecting to get requests from the group of movies playing that week. Kamukat-mukat ko, una ko yatang request ay Blue is the Warmwest Color. Tunggrilan talaga agad?! Tapos dumating yung request na Himala, Tagos ng Dugo, Bayaning 3rd World. Good luck naman di ba?

 

Well dumating yung good luck @archiedelmundo at @jpbelaro !

 

Either that or malamang alam niyo na ipapalabas ang @himala sa UP Town Center via @abscbnfilmrestoration.

 

Good luck rin naman yun sa akin dahil for a nagmamagandang pa-filmcritic kembot, now ko lang achulee napanood nang buo at sa wide screen ang Himala. Of course nakapanood na ako ng mga iconic clips from the movie pero i never had the full theatrical Himala experience. At ang masasabi ko lang ay, iba ka Ishma! Iba ka Ricky Lee! Ate Guy! Para siyang perfect storm when a great material is performed by a great actor under the guidance of a great director. Greatness galore! Kaya naman pala classic at iconic.

 

Mag-SPOILER ALERT pa ba ako? Anyways…

 

Ang kwento ay imikot sa barrio Cupang, isang puritang rural village na sinasabi ng mismong villagers eh isinumpang matuyot dahil meron raw silang pinagtabuyang leper noon na later on pinaniniwalaan nilang si Mama Mary in disguise. Lagot,inimbey niyo ang Mother of God!

 

Later, during a majormajor solar eclipse, aba mukhang nag-return engage si Mama Mary sa Cupang pero limited edition lang dahil kay Elsa lang siya nagpapakita. Tapos nagkaroon siya ng stigmata keme. Tapos, after that, nakakapaghealing na ang bakla, este ang visionary!

 

Parang mumurahin kolboy, nagpasalinsaling-bibig ang chismis ng faith healing and before you know it dinagsa na ng iba’t-ibant uri ng maysakit ang balur ni Elsa kasunod ang mga paparazzi.

 

Para protektahan si Elsa sa dagsa ng tao nag-volt in yung mga tao sa immediate circle niya tulad ni Aling Saling the foster mudrakels syempre; si Chayong the bff ni Elsa na bet yatang siya na lang sana ang nakakita kay mama Mary; si Baldo ang chakang tambay na naging early follower ni Elsa, walang jowa either dahil type si Elsa or type maging si Elsa, closetang LGBTQ(?) ; Si Sepa na may dalawang anak pero buhya ng ibang tao ang inaatupag, Si Mrs Gonzales na rich matron na hindi busy so why not siyang maki-join in sa festivities, at si Mrs. Alba ang capitalista na nasaling ng himala ay buhay niya  at all she could think about ay Himala Resort and Cottages.

 

Himala ay isang contra-Lav Diaz movie. Pakpakpak, sunod-sunod ang ganap sa movie. At nakakarating ang mga characters dito sa pupuntuhan nila in 5 steps, 10 steps max. Maski naman kahirapan ang millieu ng movie, hindi ito poverty porn dahil Himala is more about faith than it is about poverty. Lalong hindi ito Rom-Com dahil totally wala itong Rom at waley ring Com.

 

Parang mahirap i-classify ang Himala with today’s standards. It is a masterpiece created by its time, yet whose questions and message remains current. Yung motif ng unblinking eye of the media sa Himala, aba that’s reality TV at its best and worse. Yung sumisinghap na ng last breath si Elsa, kinukunan pa ng video, aba palitan lang ng iphone yung mga camera eh it’s so 2017.

 

Pwedeng masabing  indie film ang Himala bago pa naisip yang term na indie film. Yung nga lang, indie film na ang pondo galing gobyerno via Experimental Cinema of the Philippines. And guess what, ginawa ang Himala precisely para isali sa MMFF, pero ang primary goal ng team was to create great cinema at ang hindi kumita ng milyon-milyon. And yet, ang  estimated kita raw ng Himala ay P30 milyon peysoses against a P3 Milyon budget. Not bad ‘no? Prestige at commercial success, pwedeng palang magkita without keeping the viewing public stupid. *cough*titosotto*cough*

 

Bukod sa pagkuha kay Nora Aunor, parang wala nang ibang konsesyon sa pagka-commercial ang pelikula. Walang romantic love angle ang bida, walang gwapong leading man, walang perky bestfriend, walang quotable beki friend, walang theme song, malungkot ang ending, at malabong magkasequel dahil patay yung bida sa end.

 

Anggaling ng casting, walang big names pero pak sa no-acting-acting. Hungbata pa ng crush kong si Pen Medina. Kita mo kung saan galing yung hotness ngayon ng anakis niyang si ALex. Yung isa ko pang crush, Si Rey Ventura, buhay pa, at naka-short shorts. Namiss ko ang panahon ng short shorts. Metlog shorts na sobrang hapit, bumabakat ang religion.

 

Lecheng Alvin Patrimonio yan na nagpauso ng mahaba at maluwag na paruntong shorts noong 1980’s eh. Syet.

 

Anyways back sa cast. Si Laura Centeno bilang Chayong, ramdam mo yung nakikibask sa glory ni Elsa, na kung pwede lang, willing siya humalili to be the hand of the Mother. In short may inggit sa puso ang pohtah.

 

Gigi Dueñas won an MMFF trophy for her role as Nimia, ang pokpokitang ex-friend nina Elsa at Chayong na sa gitna ng aparisyon ni Mama Mery eh nagtayo ng kabaret. Bukod sa no-acting acting na ipinakita, may no-dede dede exposure rin si Gigi dito. Day parang plywood na may nakadapong dalawang bangaw.Mas gifted pa yata si Pen Medina kay Gigi sa dibdib department. Pero magaling siya.

 

Bet ko rin si Ama Quiambao na parang maski noon eh mukhang middle-aged na. Ama is such a handsome woman, pero naging bata kaya ever si Ama o ipinanganak siya na guwapang matrona na? Bet ko yung dalawang eksena niya na pinipigilan siya ni ReyVen sundan si Elsa. Wa spluk, pero yung mukha niya spoke volume : yung paghesitate dahil binawalan siya ng asawa niya, pero nagsuusmamo siyang payagan siya tapos yung glorious glee nang mag-give way si jowa. Andaming sinabi ng fez!

 

But Himala is Nora Aunor’s through and through. Mula umpisa raw, si Ate Guy na raw talaga ang nakalinyang Elsa. At hungganda lang ng lola Guy niyo rito. Extreme close-up kung extreme close-up si direk Ishma na feeling ko alam na he was catching Nora at the peak of her beauty.

 

Since aware naman na ako sa movie, at marami na akong clip na napanood, I thought magiging technical na lang ang appreciation ko.Hindi, Day! Cryola pa rin ako. Especially dun sa pila-balde ng libing. Naglalakad si Elsa supported ng mudraks niya. Parang pasan niya buong mundo pero nagpapakatibay siya. Tapos nakahulagpos yung isang luha sa mata niya and the dam broke loose! Waaaah! Ayyy lord!

 

And of course there’s the iconic “Walang himala… ” monologue. Ang powerful ng delivery niya. Pero seeing it in the context of the whole movie, the power of the monologue lay not just on the spoken words, but dun sa pauses between the words  at yung nangyayari sa likod ng mata ni Ate Guy during these pauses. Yung parang hinuhugot niya sa kaluluwa  niya ang mga words na sinulat ni Ricky Lee. Tanginernz meyn, powerful stuff.

 

 

 

Advertisements