Dahil nga kinakareer ko na ang movie blogging kember na ito, there would probably be times na i’ll be seeing films twice. I’ve done it before. Meron mga second viewings ng movies na only reenforces my initial reactions.

 

Meron rin second viewings ako na nagpapabago ng stand ko ko or gives me another POV. Yung mga movies napa-second thought sa akin. That’s what Onsikandtot is gonna be.

 

*****

 

Onsikadtot, #sakalinghindimakarating turned out to be a nice ride.

 

The first time i saw Sakaling Hindi Makarating kasi was at the #cinema76 sa Manda. Late kami nakarating so sa gilid-gilid lang kami naupo, on gasp! Monobloc chair! And i was definitely on critic mode and may i say, anlakas maka-harsh ng monobloc chairs.

 

If you want to see my original review of the movie, click here.

 

Hindi naman ako maarte pero importante pala ang level of comfort sa pag-critique ng movie. Who knew? I didn’t.

 

I actually felt bad that i didn’t feel  “Sakali…”  as much as the people at Cinema76 did kasi i really wanted to love the movie.

 

Hungganda kaya kasi ng title.

 

Oo,  title. I never claimed na malalim ako mag-isip tungkol sa pelikulang gusto kong panoorin. Ok,  major reason rin si Alex de Rossi dahil  hello, Alex de Rossi meyn. I didn’t even know na nanalo na pala siya ng award. Goes to show, how much cridibility I have as a critic wahahaha.

 

“Sakali…” was my first dilemna since starting the KneeJerk reviews kasi i really wanted to help the filmmakers while staying true sa reaction ko for my audience. My audience daw o!. I know. Feelingera ako.

 

After some consultations, i ended up writing what i did, and was pleasantly surprised that the director Ice Idanan took it quite gracefully. A couple of months later, i was equally surprised to receive an invite from them to join a press preview in preparation  for “Sakaling..”‘s theatrical release.

 

Imbitihan talaga ako?! Hindi ba nila nabasa ung review ko? Masukista much o was is actually a trap at pagdating ko sa venue meron na lang biglang sasaksak sa akin?

 

Yeah, I’ve been watching too many movies.

 

Anyways, posible rin naman palang naniniwala lang sila sa produkto nila and wanted me to get a chance to see it as intended — in proper cinema. It would also be my first time to attend  a preview/presscon as working blogger. Kinilig ako.

 

The preview was held at the Fisher Mall VIP Cinema sa may Roosevelt. I know, hindi masyadong shala ang neighborhood pero may effort yung mall to uplift the market value. The cinema has Lazyboy recliners instead of regular cinema chairs and we were offered unli popcorn and drinks. May pa-unan pa at kumot. As i said, may effort.

 

Nagworry lang ako na  #sakalingmagingtoocomfortable #sakalingmakatulog #sakalingmaghilik

 

Charot.

 

Since i saw the movie na and I already did a review, i wasn’t too concerned about taking critical notes. If you’ve read my original review, alam niyo na kung ano yung detail nabumasag sa enjoyment ko sa first viewing. This time around, I just sat myself on the recliner, snuggled unded the blanket with my tub of popcorn and said to myself na dedmahin ko na lang yung pambasag na detalye and gave myself to the movie.

 

And I enjoyed it.

 

Most of my notes about movie remains true, but my reaction to it is no longer harsh na parang germicidal soap. Duma-Dove na nang slight, as in smooth na. Though hindi parang Papaya soap  hindi pa rin nakakaputi ang “Sakali…”

 

Hindi ko sure if they did some more editing and trimming for the mainstream release but in this viewing, the movie seemed to fly by faster.  Parang naigsian rin yung chuk moment ni JC Santos as Alex de Rossi sa loob ng moriones mask theme ng sogo. Charot.

 

Cute pa rin si JC  pero #teampaul ni Pepe Herrera pa rin ako. Maganda rin pala yung mga hugot lines sa kanila ni Alex. Ba’t ba ansungit ko sa movie noong araw na iyon?

 

Emotera pa rin ang character ni Alex pero parang nabawasan ang na ang dismenorrhea niya sa second viewing, she seemed softer. Karen delos Reyes also seemed friendlier. Sa first viewing feeling ko tinatarayan niya si Alex, hindi pala. How did i get this impression?

 

Hindi rin naman pala naka-harsh make-up si Teri Malvar sa movie. Wala pala siyang eye-shadow. Trick lang ng color balancing ng screen kasi during the presscon, the trailer was on loop at nandun na naman ang eye shadow effect sa mukha ni Teri. Ang hindi nabura ng proper color saturation ay yung on fleek na kilay ng bakla at ang ayaw paawat na sheen ng nguso. Parang Lydia’s yata ang tatak ng lipgloss niya o super-lafush talaga siya ng lechon before mag-take.

 

Sabi ng friend kong millennial bet na bet niya ang movie’ng ito dahil it has so much “feels”.

 

 

Uhm, I wouldnt go that far. Na-feels ko much yung comfort ng Lazyboy. Sige feels ko na rin yung ganda ng shots, yung simplicity ng acting, yung accessibility ng plot. At malaki talaga ang naitulong nung Lazyboy sa enjoyment ko ng movie this time.

 

I guess “Sakali…”  just needs the right frame of mind to be enjoyed.  So when you go out on Feb 1 to catch “Sakali…” choose a comfy cinema and check in the  inner bitch critic at the door.

 

Magpaanod sa languid flow ng movie. Don’t worry, the bitch critic  will still be there by the door when you go out.

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements