In fairness kay Direk M. Night Shyamalan, whether successful or not, push niya ang envelop  ng subject matter niya towards the strange, odd, freakish and bizarre. This must be his most  out-there yet,  Split: The Rise, Fall and Ultimately Becoming A Superstitious Belief of Mystica.

 

Charot.

 

Kung hindi pa nagrequest ang bloggerfriend kong si Sire to review Split, hindi pa ito magbi-bleep sa radar ko. Hoy Sire eto na.

 

Parang comeback of sorts raw ni MNight ang Split, his best after a spell. I wouldn’t know. Hindi ko naman sinusundan ang career niya though alam ko yung ilang works niya like The Sixth Sense saka… uhm… The Seventh Sense,  The Eighth Sense, and ang pinakawalang kwenta, yung The Nonsense.

 

Kurne.

 

Split is tagged as a horror/thriller. Gaano ka-thrilling? Bilangin natin ang marka ng kuko sa braso ni jowakels. Sorry naman.

 

Wag manood ng Split nang mag-isa. Hung-sad naman na sa tense moments eh sa sariling mong braso ka nagbabaon ng kuko  di ba? Or kung may katabi kang iba, either may jowa kang bago pag-uwi o maga ang fez mo dahil nasampal ka o nasapak. Wag magbabaon ng kuko sa braso ng di kakilala.

 

Ano ang takbo ng kwento ng Split? May pagka-psychological possibly supernatural kembot ito so medyo masalimuot at mahaba.

 

May isang lalaki raw na may 23 personalities sa isang katawan ang nangidnap ng tatlong fresh merlats bilang alay sa parating na 24th personality niya na kuntawagin ay Beast. May napadaang tanders, patay. Fresh Merlat 1, patay. Fresh Merlat 2, patay. Fresh Merlat 3, witchikels pala as fresh and as flawless as expected, buhay. The End.

 

Ay! Maigsi lang pala.

 

Althroughout the movie tensyon na tensyon ako, not really about kung nakakatakas ba yung mga bida o hindi. Natensyon ako kaka-abang sa revelation ng mindfuck twist na trademark ni MNight. At ang mindfuck twist ay…. SPOILER AHEAD…

 

… walang mindfuck twist. Napagod ako punyeta. Bawat eksena sine-second guess ko kung paano babaliin ni MNight ang kwento paganun at paganire, pero waley. Straight forward ang kwento. Kung ano yung sinabi at nahint sa earlier scenes, yun nga ang dumating.

 

Satisfying naman for yung dumating in a sense pero parang kulang sa fuck-you-all baltik ng director.

 

Gusto ko na binali yung schoolgirl stereotypes. Hindi precious bratinela princess yungdalawang popular girls and hindi nila binubully yung outsider girl. Wala ring pahelpless chenes yung tatlo, at wala silang patanga decisions para lang magka-excitement ang movie.

 

Nakakabother yung flashbacks ni outsider girl implying the sexual abuse na sinuffer niya from her redneck uncle. Pero mas nakakabother yung titig nung little girl actress. Ayoko siyang makasalubong sa empty hallway.

 

Tour-de-force-be-with-you ang performance ni James McAvoy as the kidnapper with dissociative identity disorder, siya na ang jedi ng quick personality change.Pero somehow nararamdaman kong umaacting si McAvoy in trying to present indentifying tick to differentiate the various character. Mindtrip yung isang personality OC iniimpersonate ang isa pang personality na beki both from the same person. Saka yung moment na nagkagulo na yung various split personalities at nag-aagawan sila for control. Sabi ni McAvoy, eto na ang pam-FAMAS moment ko! Oo pam-FAMAS lang, hindi pang OSCARS.

 

Supposedly may 23 distinct personalities yung character pero 9 lang yung may screentime. Yung tatlo walang interaction sa ibang cast at sa comupter monitor lang nakita. Asan si Mystica? Pang-ilan kaya siya dun at bakit hindi siyanagparamdam sa movie? Not once nagsplit si McAvoy.

Advertisements