Mga kano talaga kung maka-love your own ano?

 

Matagal na akong nakakarinig ng buzz tungkol sa #lalaland  since it premiere sa Venice Film Festival. Bongga raw! Maganda! At lumaki nang lumaki ang hype until it opened last December sa States.

 

By this time OA na ang hype. Parang La La Land is IT olreydi.  Siya  na yung pinacle of movie-making, so hoy mga director, huminto na kayo sa paggawa ng keme movies niyo dahil naachieve na yung da best. What’s the point? Magshift na kayo sa ibang career like 3D crossstitiching o IMAX carpentry or musical furniture-making. Sa mga dyaryo, ang full page headline na showing na ang La La Land tapos sa inner pages ang report na nacure na ang cancer, naachieve na ang worldpeace at naka-back-to-back Miss Universe ang Philippines.

 

Oo ganun ang leveling ng newsworthyness.

 

Hindi ko naman chinachaka ang La La Land  huh. Ok siya. Pero Ok lang siya. Napahum-along ako. Hindi ako nakatulog. Naamaze ako sa color blocking. Natuwa naman ako sa prod numbers. Kinilig ako kina Emma Stone at Ryan Gosling. Napa-kick-ball-change-chasse-chasse-pirouette ako papalabas ng sine.

 

Pero hindi rin ako naluha. At sa dalawang protagonists, ang masasabi ko lang, ginusto niyo yan eh, wag nga kayo.

 

Ang kwento, si boylet Ryan ay aspiring jazz musician habang si girlet Emma ay aspiring artista  na parehong 48 years nang aspiring sa LA pero waley pa ring nangyayari sa career. Typical ng mga romcom, they hate each other sa unang meet-cute nila na nangyari sa gitna traffic jam habang may ganap na bigdeal opening production number. Ang pabonggang one-shot opening prod ring ito ang nagsisilbing early warning device para sa kungsino mang umaasa na based sa reality ang movie’ng ito. Pansagot rin siya sa kung anumang plotholes later on like…

Q: Paano sila nakapasok sa planetarium ng gabi?

A:Tinanggap mo nang pwedeng magchoreographed dance sa gitna ng kalye ang dosedosenang strangers sa gitna ng traffic, pagpasok lang sa planetarium kinukwestyon mo? Manuood ka diyan.

Q: Lumipad sila sa dance sequence.

A: See answers above. Wag ka ngang ano..

Sa gitna nito, rumuroadrage si Ryan dahil naharangan siya ng caru ni Emma’ng bagal-bagalan dahil nagbabasa ng script habang nagdadrive imbes na tutukan yung pagmamaneho niya. Traffic na nga eh, lecheng ‘to.

 

Obvious ba kung nasaan ang sentiments ko? #driverproblems

 

Ang second na pagkikita nila, pauwi si girlina from a partyparty kaso na-tow ang caru. Kungsaan-saan ka siguro nagpapark, ayan karma. Tiba-tiba na naman ang MMDA. So napilitan si girlina na magwalkathon out of the neighborhood. I guess walang Grab or Uber sa universe na ito.

 

Habang naglalakad, naakit si girl ng piano music emanating from inside a jazz bar where boylet is playing. Pumasok siya, nabighani siya, nalaglag ang panty niya dahil sa tindi ng wetness ng pantyshield niya. Lalapitan na niya si kuya para iparamdam ang wetness pero winalk-on-by lang siya ni kuya na bagong sisante lang pala dahil sa pajazzjazz kemelatique niya. Wrong timing ka naman ate, asshole kang malaki kuya.

 

Third time’s the charm. The next time na magkita sila ay sa isang pool party where bisita si girl habang si boylet ay, dahil nga nasisante, kapit sa patalim, laguishing in his lowest of lows.  Playing  siya in a tacky 80’s tribute band. Wait, what?  Yun ang scraping the bottom of the barrel- lowest of lows niya? Teka…

 

Bakit parang ginawang punchline ang 80’s music? Tanginerns huh. Hungganda kaya ng I Ran, saka yung Take On Me at yung Tainted Love. Hungganda kaya ng 80’s music. #defensive . Pag nakasalubong ko sa may kanto namin yang si Damien Chazelle kukutusan ko yan nang very major. The nerves! Oo nerves, marami kasi.

 

Sa third meet-cute nagka-chance na magverbal sparring at landian kembot ang dalawa.  Pero dahil lighthearted musical ito, imbes na nagmamadali silang magkangkangan sa CR para ibsan ang init, naglakad na lang sila sa labas at nagpakilig in a song number with dance break sa tabi ng bangin. Falling in love! Go for it!

 

Kaso ang hitad na Emma may bf pala. Pero kebs lang dahil wala naman pala siyang value sa kwento. Ginamit lang siya para magkastruggle si girl nang very light. Actually walang ibang character of consequence sa movie bukod kay Emma and Ryan except maybe for John Legend who functioned as the catalyst ng pagbabago sa buhay ng dalawa. Plus meron rin siyang song number dahil singer naman siya talaga at dahil executive produ siya. Saka he is making mustard turtleneck happen. At hungwapo ng ijo de.

 

Anyways, so gora sila sa date, nood ng Rebel Without A Cause just because malamang may planetarium scene  kasi ito and it would segue nicely sa sarili nilang aforementioned planetarium dance sequence. Pak! In love na sila.

 

Which means, pak!pak! magkakaroon pa sila ng struggles dahil nangangalahati pa lang ang running time ng movie, kailangan ng more ganap.

 

So Ryan decided na tama na ang pa-art-art kembot at time na to earn money. Dapat lang di ba. Buti pa siya may option na ganun no?

 

In the process nawalan na siya ng time for Emma especially nung naging commercial flop ang one-woman show niya and she needed Ryan by here side. Must dreams die? How can love survive? They found love in a hopeless place. Pasok Rihanna! Charot.

 

Reiterate ko lang  na hindi ako nachakahan sa La La Land huh. In fact nagandahan ako. Twice ko siya pinanood, magkaiba pa date ko. Yung isa masaya lang, sabay kaming  lumabas ng sine na nakapoint ang toes. yung isa sobrang wasak, nasa labas na kami mugto pa ang mata. Para makarecover pumunta pa kami sa resto at umorder, “isang round nga ng crispy pata diyan, yung boneless!”

 

Naenjoy ko yung throwback feel ng outfit nina Emma at Ryan.Bet ko rin ang retrojazz music at ang styling at colors ng outfits, ijoin mo na syempre ang choreography. Pati na yung studio sets ng prod number. Ang linis niya, bongga, clapey nang slight sa  pagkakagawa.

 

Hindi groundbraking ang La La Land, wala na lang gumagawa ng similar type of musicals kaya fresh ulit sa mata, lalo na sa mga bagets na hindi na inabutan ang reruns ng mga lumang pelikulang ito sa TV. Pero we’ve seen it done before, and much better. So i maybe well-entertained, but not overwhelmed. Whelmed lang. Charot.

 

Naenamored rin ako sa dedication nina Ryan Gosling and Emma Stone.  Plakado nila ang steps that must took months of rehearsals, and they know their lines and the emotions that went with them. Pati bangs ni Ryan umaacting. Pansinin pag seryoso siya sa piano, may patendrils ang bangs. Pag waley need ang concentration, nakapahinga rin ang bangs. But even with the intense piano-playing,  I felt that mas hard working si Emma to stay true sa standards set ng old hollywood musicals.

 

Yun lang, great singers and dancers, Ryan and Emma are not. Namiss ko yung clarity ng delivery of a Lea Salonga na lahat ng letters ng lyrics naiintidihan mo. And again with the dancing, the effort to make it look effortless was there as was the sense of wonder na “Uy look si Emma Stone at Ryan Gosling  o, nakakasayaw pala sila! Paabot ng popcorn.”

 

Ryan and Emma are so likeable na instead of requiring a great performance, happy na tayo na hindi sila nagfail. Keri na yun. Keri naman na nga kaso wala yung sense of  amazement na  “shutanginernz hunggaling” when you see a dancing great like Gene Kelly move.

 

Even the nominated original songs nila, though hummable, are meh. Yung “City of Stars” ni Ryan, sobrang morose at hinga-hinga school of singing hindi ako makamove beyond the first line kasi hindi ko naintindihan yung rest of the lyrics. So pag hina-hum ko, parang nakaloop lang yung linyang “city of stars…. lalalalalala… city of stars…”.

 

Yung Audition song ni Emma naman, ok, it is a good piece of musical acting pero in my head sumesegue siya lagi into Rainbow Connection, also an Oscar nominated song  na ang unang kumanta ay si Kermit the Frog.

 

Here’s to the ones who dream,

Foolish as they may seem…

Someday we’ll find it, the rainbow conenction,

the lovers the dreams and me….

 

O di ba?

 

And over-all, merong overwhelming sense of melancholy sa buong pelikula. Maski na super-high kick with side order of parkour  yung opening number, maski na may pakilig sa gitna, maski na funny yung ibang dialogues, mula sa simula may nararamdaman akong lungkot na almost intentional yata. Parang nirereready ka na, “o, malungkot ending nito ha, baka madisappoint ka, kaya now pa lang pinararamdam ko sa a iyo, malungkot ang ending nito.”

 

May chismis nga na idinagdag lang yung alternative happy ending, kasi sa test screening nung original sad ending, nag-spike ang suicide rate ng participants. Ganung kalungkot. Pero chismis lang naman ito. Pwedeng gawa-gawa ko lang.

 

 

 

 

Advertisements