Arrival. In tagalog, Sakaling Nakarating, yung nga lang, imbes na mga sulat ni Alex de Rossi eh aliens ang umarrive.
Aliens!
Major issue nung lumabas ang Oscar nominations kung bakit raw nanominate si Meryl Streep for Florence Foster Kember over Amy Adams for Arrival! Aba-aba-aba! Ganun?! Better than Streep in a sci-fi movie? Dapat panoorin yan.

 

So pinanood ko. Ok naman.  Kumain kami ng inasal sa JT manukan sa Valencia Drive pagkatapos. Ganun lang.

 

Namimili siguro ng audience ang Arrival kasi while i was unmoved, wasak yung kasama ko. Akala ko dolby sound surround effect yung naririnig ko sa tabi, witchikels! Ngumunguynguy na pala yung ang atih ko ng more than slight.

 

Kebs na sa spoilers ha, eto kasi yung kwento…at least sa pagkakaintindi ko.

 

Language prof si Amy na lungkot-lungkutan ang drama sa buhay dahil binabagabag siya ng memory ng bonakis niyang maagang nadeds. Mabuti na lang may maganda siyang lakeside house para makapag-emote siya in comfort and with a view. Lesson: Masarap magmalungkot sa tabi ng lake.

 

Then out from nowhere, umarrive ang aliens! As in literal na out from nowehere huh. Hindi sila nagfly  in via Mars at nagturn left sa moon. Cloud formation chuva lang at boom nanditey na sila.

 

Punyeta davah? Spend tayo ng millions of dollars para sa high powered telescopes and sattelites to monitor lahat ng objects lalapit sa earth from outer space tapos keri naman pala ng mga aliens na umappear nang basta lang. Sino ba presidente nila, si David Copperfield, David Blaine o Criss Angel?

 

Anyways.

 

Apparently 12 silang alien spacecrafts na umappear in ramdom places around the world na hindi kasali ang Pilipinas.  Ang sakay kasi ng mga spacecrafts ay mga space traveling pugita at natatakot sila na pag sa Pinas sila maglanding eh magparikit agad ng uling ang mga Pinoy at magready na ng dahon ng saging at ginayat ng kamatis at sibuyas. #pinaputoknaspacepugita with extra rice.

 

Anyways, dahil pugita nga, may tinta rin sila pangsulat. Kaso di maintindihan ang tentacle-writing nila kasi parang nagtataeng Bic ballpen. Bukod pa dun, waz sila spluk ng human languange so baka malost sila Q and A portion that might cost them the Miss Universe crown. As in Universe!

 

Kailangan nila ng interpreter. Enter frame ang cunning linguist Amy Adams. At unlike Maxine Medina, use ng mga aliens ang provided interpreter kaya win!

 

Ang problema lang,  si interpreter Amy  witchikels pa pala knows how to spluk Pugitanese. Need niya munang magself-study cum crash course in time to avert an intergalactic incident.

 

Rush-rush hurry hurry. Pero yun naman pala, ang gusto lang ng mga aliens ay ipasolve ang isang 12 part puzzle na maachieve lang if the countries would share info, and unite for a common cause and world peace while being confidently beautiful with a heart. Very Miss Universe talaga dabah?

 

Eto na, shhh, pero ang tunay na primary reason ng mga spacepugita sa pag arrive ay para magkatuluyan si Amy saka si Jeremy Renner. Kilig-kilig.

 

Nakakita na ba kayo ng pugitang kinikilig?

 

Hindi ko ba namention na nasa cast nga pala si Jeremy? Appear siya bilang isang matipunong flower vase.

 

At eto na nga yung spoiler.

 

Yung iniemote ni Amy earlier in the movie na pagkadeds ng bonakis niya? Witchikels pa pala nangyayari yun. Kailangan munang magkakemberan sila ni Jeremy dahil napparently naging  magjowa pala sila sa future, pero kailangang umapir muna ang aliens para magkakilala sila.  Tapos yung memories ng events na hindi pa anngyayari na ang tutulong sa kanya to resolve the situation.

 

Wait. Ano raw?

 

Ewan koh, masakit sa bangs. Basta ang intindi ko, sa loob ng pabalat na scifi, ang crux ng struggle ni Amy ay willing ba siyang makipagkemberan kay Jeremy and experience momentary joy with him and their bonakis while knowing na hindi ito maglalast and would result to heartache na dadalhin niya forever and ever?

 

Syempre alam niyo na ang sagot. Kinikilig ang mga spacepugita.

Advertisements