Aalis na lang si Enrique. Hinabol ni Liza. Naipit sila sa traffic. Nagpangabot sila sa traffic. Sila na ulit. The End.

 

Ayan i saved you P250 para wag niyo nang panoorin. dahil ako tinatanong ko pa sarili ko Why ko pa ba ito pinanood?

 

Achulee, alam ko why.

 

Yung Vince & Kath & James kasi noong MMFF2016 ayaw ko ring panoorin. Pinasok ko lang kasi bet kong ipagyabang na napanood ko ang lahat ng entries. Eh maganda pala. I was pleasantly surprise.

 

Walang ganitong ganap sa My Ex and Why. Kung ano yung inaasahan ko, yun ang nakuha ko. The ugly wigs should have tipped me off.

 

Given, hungganda ni Liza Soberano. As in. Sobrang ganda akala ko nananalamin ako. Charot. It is the one reason i stayed put sa silya ko, kasi hungganda ng fohtah. Lakas makakyombird.  Maski na may suot ng ugly wig na nagmamamakaawa for conditioner. Ganung level.

 

Gwapo rin naman si Enrique Gil hindi ako nagpapalpitate sa kanya. Para siyang malaking junjun. I dont mean mukhang siyang naglalakad na jujnjun ha. I mean anlaking tao pero junjun pa rin ang air. Yung tipong junjun na boboyletin mo, papupuntahin mo sa bahay, kekemberin mo, tapos bibigyan mo ng pang-dota and babu! Hindi yung tipong jojowain at talaga ipagiipunan mo ng pambili ng rubber shoes niya, yun yung true love. Charot.

 

I didnt get into the movie at all. It’s not for the lack of trying ng mga bida. They seem to be doing their best to follow instructions. At yung yung problema, following instruction. None of their words nor action felt organic. Basta importante sa dulo kinikilig ang audience.

 

The movie experience itself  is like watching a low-brow sitcom made of lego parts. Personalities are drawn in broad strokes, characters appear out of nowhere to push a storyline at nawawala ulit, real life concerns are glossed over.

 

Umpisa na lang. Enrique is supposed to be a hot lady killer. Sa eksenang ineestablish ang fact na ito, humehello sa screen ang chanena ni junjun na hindi matakpan ng nakaalampay na shirt. Add to that yung bad emo wig na hindi niya nadala at all.

 

Si Liza naman, is a twitter-blogger na kapos na kapos ang family dahil iniwan sila ng babaerong pudang so need na makitira sa balur ng tiyahin….pero may sariling bagong kotse. How?!!! Ma, pero tanggapin na lang natin.

 

May nag-iisang eksena showing na agent si Liza sa call center pero never na natin itong naramdaman afterwards. One would assume na evening shift siya kasi nakakaattend siya ng blogging kembers sa araw, and yet never natin siyang nakitang puyat, pagod at haggard sa trabaho. Eh di ikaw na maganda nyeta ka.

 

Wala rin siyang ni trabaho friends. Ang bff’s niya mga overly perky barista sa cafe na of course are graduates from the overly perky best friends school of acting.

 

Tapos basta na lang umapir si Ryan Bang . Nalaman nating  long time best friend rin nina Liza at Enrique noong sila pa dahil sinabi sa dialogue at never pa natin nasilayan sa movie si Ryan. Tanggapin na rin natin.

 

Umuwi raw ng Pinas si to invite Liza and Enrique sa kasal niya Korea at ibinili niya ng ticket ang dalawa niyang bff as presents. Pero silang dalawa lang, dedma sa ibang barkada.

 

Of course. Natatanggap niyo pa ba? Kailangang tanggapin kung bet niyong kiligin later sa kilig-travelogue scene.

 

Maski kapos sa datung, nag-offer si Liza to shoulder Ryan’s stag party sa hotel dahil may motibo siya. Pero bukod sa kwarto for the party, nirent niya rin ang adjacent na kwarto, 5 pokpok as entertainment ng boys, at security cam set up . All from her sweldo as call center agent at yung baryang binabayad sa kanya as online endorser. Namention ko bang kapos sila?

 

Eh kaya pala kayo kinakapos eh. Gaga ka humawak ng pera. Gusto ko na itong tampalin, maganda lang talaga eh.

 

Hindi ko masabing basura ang My Ex And Whys dahil visually maganda ito. Pero it leaves you empty. Parang nag-google sila ng “best pakilig scene” , binalasa, cut and paste at ayun na ang script. You’d think na sa glut ng romcoms ngayon, mag-aaspire sila to push the genre further para maiba ang pelikula nila.

 

Apparently not. Ok na silang kumita ng P100M keme.

 

I guess ok rin sa iba na mag-bayad ng p250 para kiligin. Ang mahal lang ng kilig niyo. Pwede naman kayong gumora sa CR lang at magweewee. May kilig rin yun pagkatapos.

 

Advertisements