Kalokang pelikula itong live-action version ng Beauty and the Beast. Dapat nagbaon ako ng biberon sa sine dahil tulo-laway ako sa mga eksena. Lush!

 

Alam ko sobrang gasgas na yung expression’g uwian na mga besh, may nanalo na, sobrang ginalingan, pero day, uwian na nga, may nanalo na, sobrang ginalingan. Hoy mga feepol sa Oscars, ipagawa niyo na ang trophy ng Beauty and the Beast for best costume, best visual effects at best production design para sa awards night niyo next year. Ipadala niyo na rin sa kanila yung trophy now pa lang dahil sila na yun. Sige inyo na. Kayo na magaling.

 

Which brings us to the hindi masyadong ginalingan. Hoy Emma Watson, ikaw yun.  Pa-stoic teh? Live-action version lang ito ng cartoon ‘teh, hindi European arthouse film. Pasalamat ka at super tabo sa takilya itong movie otherwise sa iyo ang bunton ng lahat ng sisi. Pasalamat ka sa director mong si Bill Condon dahil ginalingan niya nang bongga. Ibinuhos na niyang lahat. Kung straight si Bill dapat ialay mo sa kanya ang virginity mo kung nandyan pa or magpakarat ka sa kanya  nang todo for a week at least. Kaso vinekla si direk so i-promise mo na lang ang first-born son mo sa kanya on the kid’s 17th birthday.

 

O sige na nga 18th birthday na lang at baka mabantay-bata pa hmpf.

 

Ba’t naman nga kasi Emma? Walang magic. Walang sense of wonder. Walang joie d’ vivre. Asan yung spirited Disney Princess?

 

O sige dun sa Bonjour number,  go lang na parang wala kang gana bilang Belle. Bet mo kasing layasan yung French village na tinitirhan mo. You want more than this prow-veen-syel life kasi. Feeling mo you’re to good for your village, ambisyosang frog ka kaya imbey ang mga ka-vilalge mo sa iyo. Pero acceptable.

 

Pero nung nasa castle ka na ni Beast, aba teka, deadmacomatose ka pa rin? Wala akong nakitang gulat o karampot na horror nung nasilayan mo for the first time ang fezlak ni Beast. Nagpabotox ka ba? Teh nakita mong balbong baka may sungay yung kausap mo, hindi ka mahintakutan? Secretly werewolf ba si pudang kaya sanay ka nang may fezlak ng animal ang kausap mo? Iniismiran ka ni Kris Aquino teh.

 

At the height eh dun sa Be Our Guest number. Neng pumipirouette na yung mga plato, nagkikick-ball-change na ang mga kubyertos,  napaparade in review na yung mga ulam, NR ka pa rin. No reaction. Aba ako once ko lang ginawa yan. Habang nanonood ako ng isang live performance, biglang krumukkruk ang tiyan ko nang severe. Yung tipong kumakanta ng I’m Coming Out at I Want To Break Free ang lamanloob ko. Bet ko nang magtatakbo sa CR kaso dyahi sa performers, baka akalain eh winalk-outan ko sila de ba? So cross legs lang , smile and tiis kuwari nag-eenjoy ako pero achulee kebs na ako sa kung anung paandar pa ang ginagawa nila onstage, ang hinihintay ko lang eh matapos sila.

 

Parang ganun ang itsu ni Emma nang slight.

 

In contrast naman si Luke Evans na give na give – teatro level from his mugging  to his singing. At nakakakanta si kuya huh!  Parang ipinanganak siya to play Gaston in a live action movie at ngayon pwede na siyang mategi. Char. Balanse yung bigay niya ng pagkachauvinist villain  na at the same time eh charming rogue. Hindi mo masisi na magwet-wet sa kanya ang tatlong chuwariwap na merlats and ang veklang LeFou voiced by Josh Gad na siya ring nagvoice na Olaf the Snowman sa Frozen.

 

Which brings us to the gay controversy that led BATB to be rated R in Russia, pinahold sa Malaysia at Kuwait kung hindi ieedit, at totally hindi pinalabas sa isang sinehan sa Alabama.

 

ASAANG GAY CONTROVERSY?!!!

 

Unyeta sa buong pelikula, dalawang instances lang meron gay overtones. Una during the fight scene kunsaan minakeover ni ateng Dressing ang isang male villager na magmukhang drag queen na nagustuhan ni villager, at ikalawa was during the finale prod kunsaan said nag-cut-in si male villager para isayaw si LeFou. Yung lang. Both lasting no more than 3 seconds. At hindi na bago ang punchlines na ito huh, nagamit na ito sa ibang comedies pero dahil kinonfeeerm ni direk na bekilou nga si LeFou aba up in arms ang mga conservatives maski hindi pa napapanood. Prejudice much! Homophobia much! Idiocy much! Unyeta talaga.

 

Nagagalit talaga ako de ba?

 

Anways, buti na lang dito sa Pinas, walang ganung ganap. In fact rate G pa nga while PG ito sa States. Bibilib na sana ako sa MTRCB kasi naalala ko binigyan nila ng R rating ang 2 Cool 2 B 4gotten dahil wala raw moral values. Eh punyeta kayo, panoorin niyo kaya ulit?

 

Asan na ba ako?

 

Anyways ulit. Bilang Beast, keri rin naman ang performance ni Dan Steven. Nakakaacting pa rin under all that prothetic makeup and CG effects, at binigyan pa ng solo singing moment huh.

 

Effect rin si Kevin Kline bilang Maurice,pudang ni Emma. Like Luke Evans, nabalanse ni Kevin yung giving the kooky crazy village outsider pero totoong tao pa rin at hindi caricature.

 

Sa voice acting naman, keri na sina Emma Thompson, Ewan McGregor at Ian McKellen, pero parang hindi distinctive. Parang hindi naman kailangang sila pa ang gumatap pero kailangan ng more stellar names na ililista sa credits. In short pang name-drop lang sila. Same goes for Stanley Tucci na imbento lang ang role at wala sa original, as well as kay Audra MacDonald na super minor ang role pero may dalawang featured moment dahil malamang  binayaran ng mahal so sinulit ang exposure.

 

As a tribute remake wagi ang BATB.  Mentally nagche-checklist ako ng mga favorite scenes ko sa original at inaabangan ko kung paano nila iistage. Honestly hindi ako nadisappoint. Yung inaabangan ko, nandun, at yung ilang binago, nakatulong naman sa storytell. Pati yung iconic na ballroom scene na parang anghirap tapatan, narecreate nila yung magic. Yung pinsan ko naiyak sa kilig. Di ko lang alam kung naweewee rin siya kasabay nung kilig..

 

Whatever na pagkukulang ng main player — *ahem*Emma*ahem* —  eh napunuan ng performance ng co-stars niya at ng di matawarang production design at effects. Of course meron pa rin itong flaws. As a movie hindi man ito ang the best, it is the beast naman. Charot.

Advertisements