May mga movies na anghirap gawan ng review kasi sobrang ganda positive lang ang maisusulat mo or flawed pero nagustuhan mo so ayaw mong chakahin dahil gusto mong suportahan.

 

Hindi ganito ang movie na ito. Hung chakey teh!

 

Sorry Papa P, pero kepanget talaga. Gora, sige, maganda ang visuals. Nagshoot pa New Zealand for the cold climate ambience. Pero neng, maski umabot sa Alaska yung kwento, yung movie mismo walang kinapuntahan.

 

A learning. When a movie’s own title needs a subheading just to explain what the movie is, isang malaking red flag na ituh. Beware.

 

The movie opens with with child star Raikko Mateo watching clips ng aurora borealis while mudrakel Maricar Reyes looks on. Base sa acting, ramdam mo na nang matetegi ang babaitang itu. Mayamaya nasa airport na sila habang walang habas nang umiiyak ang merlat sa harap ng bogets. Confeeermed, may RIP nga sa noo si ate, pero ‘teh merong tinatawag na Restraint, i-try mo next time.

 

Achulee direk,merong tinatawag na Restraint, i-try mo sa mga artista mo next time. Andaming emotional highlight. Bumuntong-hininga, emote. Tamaan ng close-up, emote. When it doubt, emote. Hindi kailangan, basta lang, emote. Anuvey?!!

 

Mabalik tayo sa kwento.

 

So flyola na nga to Alaska  ang bogets para mag-“bakasyon” with his fudrakel, Piolo P. Bakit Alaska of all places?  Ma! Basta lang bakit ba?

 

May feeling lang ako na merong isang tao sa production na nagtour sa Alaska, nakita ang northern lights at nagsabi’ng “Hungganda ng northern lights sa Alaska! Gawa tayo ng pelikula!” *cough*motherlily*cough*

 

The movie is supposed to be about  the rebuilding of relationship between a young dad and his estranged son. Keribels. Promising.

 

Eh bakit meron biglang Yen Santos character  na gustong kemberin ni Piolo na may bitbit na sariling bagahe na wala namang wawa sa primary na kwento? Ma ulit!

 

Maski yung mismong movie hindi alam kung  family-drama siya o romcom. Ang labas: Over-cooked na chopsuey na lumamig. One scene nagmu-moment ang mag-ama, next scene nagkakaraoke hugot singing na si Yen nang wala lang dahil apparently mandatory na sa romcom ang ganitong eksena. Antonette Jadaone, sumingil ka na ng copywrite dali!

 

Sa mga susunod na gagamit ng karaoke-hugot scene, magworkshop muna kay Antonette kung paano gagawin pwede?

 

Eto pa. Yung padelight scene ni Papa P and Yen early in the movie na supposedly eh para kiligin ang viewers. Na-aapreciate ko naman ang pa-abs ni Papa P with pa-pelvic bone on the side pero yung seduction was sooooooo over-played hindi lang siya papuntang sexual harassment, nandun na siya talaga

.

Sidenote: Malamig siguro talaga kungsaanman shinoot ang eksenang ito kasi angperky-perky ng utong ni Papa P, sinusutsutan ako. Parang eraser ng Mongol pencil No. 2.

 

Akala ko pinakachakaru nang movie ni Piolo Pascual  yung Love Me Tomorrow, but wait, may mas chachaka pa pala. At least yung Love Me Tomorrow bukod kay Papa P, may Dawn Zulueta na mamangha ka sa ganda saka may Carmi Martin na may baltik. Ito waley.

 

Totally iniasasa na lang yata na maitatawid ng abs ni Piolo ang pelikula. Sorry, may limitasyon ang abs ni Papa P.  Maski na siguro every 15 minutes may pa-abs si Piolo hindi pa rin aangat yung kwento. At least may makukuha ang enjoyment every 15 minutes, kaso waley. Booo! Soli bayad!

 

Kung estudyante ang loveteam nina Piolo at Yen, hindi ito makakagraduate ng highschool. Wala kasing Chemistry, charot. Not charot.

 

Thankfully, hindi nakakairita ang boget na lumabas na anak ni Papa P dito. Mumi-Miguel Tanfelix nang very light. Very very light. Very very super light.

 

Sige na nga, hindi na lang.

 

Sayang ang presence nina Joel Torre, Sandy Andolong at Tirso Cruz III dahil flower vase na may dialogue lang sila sa movie. Si Glydel Mercado lumitaw lang para umiyak at bigyan rason ang presence ng character ni Yen sa movie.

 

Si Jerald Napoles naman, ramdam mo yung effort na mag-marka bilang the regulation perky friend para ma-entertain naman nang konti ang audience.

 

Hindi siya nagwagi.

 

Si K Brosas ang hindi ko maexplain kung bakit nandun. Yung eksena niya walang pinanggalingan, wala ring pinuntahan.  Parang lang itong movie na ito.

 

I would think mahirap sa isang movie yung umubos ka ng 98 minutes na walang naachieve pero this movie proved me wrong. Pointless yung kwento, walang merit ang mga rationales, bland ang performances. The only reason na hindi kami nag-walkout ni G is so that i cant document how panget it is hanggang ending.

 

Hindi niya ako, dinisappoint. Chaka nga siya hanggang ending.

Advertisements