Dear Other Self, ano kaya ang nangyari kung hindi mo na lang pinanood ang #dearotherself at natulog ka na lang sa bahay? Malamang hindi ka naburyong. For sure nakatipid ka ng P250. At hopefully nakabawas sa eyebags.

 

Sana rin naniniwala ka pa sa romcom powers ni Jodi Sta Maria.

 

Hindi ako malalim na tao, at hindi rin ako engot para mag-expect ng lalim sa isang Star Cinema romcom. Pero at the very least naman siguro pwede akong mag-expect na kiligin de ba?

 

Huwell, the only time na kinilig ako was pagkatapos kong magweewee after the movie. Pinitik-pitik ko pa ng konti. Yaaak TMI!

 

Halfway through the movie manganingani na akong magwalkout sa sine. Napigilan lang kasi parang ansarap na ng tulog ni bowa sa tabi ko. Ayoko namang abalahin. Nagdala sana ako ng kumot at dantayan. And no, hindi nakatulong ang limos na pa-abs nina Xian Lim at Joseph Marco para maging interesting. Tig-isang gratuitious semi-nudity lang talaga?!!!

 

Dear director, pag naramdaman niyo nang laylay ang movie, hubaran niyo na nang hubaran ang leading man niyo every other scene. Huwag umasa na isang abs exposure lang can last throughout the movie. Lalo na kung hindi si Piolo Pascual ang bida niyo. Nasa ibang level ang classification ng abs ni Papa P, may bonus na pelvic bone. Saka Papa P yun, Xian Lim lang ito. Mas nakakaarte ang anim na pandesal ni Papa P kesa sa mukha at buong katawan ni Xian.

 

 

Ganito ang set-up ng kwento. Successful travel blogger kuning si Jodi who knows maraming naiinggit sa lifestyle niya online. Pero ang keme niya, siya naman  raw naiinggit sa life milestones na pinupost ng friends niya while she she was galivanting around.  She now wonders kung ano kaya ang nangyari if one thing was revised sa life-changing junction in her life.

 

May promise ang premise maski obviously hiram sa Sliding Doors ni Gwyneth Paltrow de ba? Two kwentos for the price of one…. which turned into one movie, twice the buryong.

 

Hay lerd! Sobrang babaw ng treatment na kung baha ito, pwedeng mag-bota ang langgam para hindi mabasa ang paa niya. Ganung level. At kung hindi niyo nakuha ang premise sa unang pasada, uulitin niya ito via VO for the nest 30-45 minutes.

 

Sa “real life” version, napuyat si Jodi at nachaka sa work. She took this as an opportunity to resign, unshackle herself sa responsibilidad niya sa pamilya, and take a one year sabbatical to travel and see the world. Being-employed-is-a-choice mindset. How very millennial. Kaso, as much as i love Jodi, hindi na siya papasang lost millennial. Itsung pang-young mudrakels na talaga or yung dalagang pahuling byahe na… which is not a bad thing per se. Hindi lang fit sa actuations ng character niya.

 

Off she goes to stay in Thailand for a year, start a blog and call herself rebeccabyahera.  Ewan ko ha, pero to earn the label byahera i believe you actually need to make many byahes first? Or at least bumili siya nung sako byahera bag na lalagyan ng paninda na ibebenta sa Pinas.

 

Jodi’s character went to a total of 1 foreign country and she already called herself a byahera. So pag nagstay ako sa semenaryo, pari na ako? Pag chumorva ako ng merlat, straight na ako? Nooooooooooooooooo!  After the establishing shot nga ng pagbi-video blog niya , never na ulit siya nakitang gumawa ng entry eh. So one-entry vlogger rin kaya siya?

 

Anyways, nameet ni Jodi si Xian sa pinatipid na Songkran Festival celebration ever documented. A total of 8 people in attendance. Hindi pa yata sila nakaubos ng limang timbang tubig. Nagkapalagayan sila ng loob, they rode out sa pinakatipid na floating market ever with, at most, apat na bangka. Sobra silang ang-enjoy, naiwan sila ng van pabalik ng Bangkok para i-set up ang forced-to-share-the-same-bed cliche and an excuse for Xian’s single pecs exposure. Nothing happening for me. For all of Xian’s cheekbones at nakakahiwang jawline, he has the charisma of a blackboard na binura ng maruming eraser.

 

Dear Xian, hindi masama ang acting workshop. I-explore mo. O a career change. Pwede rin.

 

Intercut with the original story ay yung alternative timeline kunsaan hindi napuyat si Jodi, bongga ang presentation sa client,  so no reason to leave the job. Tuloy lang ang pagpapaalipin sa pangangailangan pamilya done perkily  and in true Star Magic heroine fashion.

 

Sa galing ng presentation, nabigyan si Jodi ng pakotse ng kumpanya. Kaso nabangga niya ang kotse ng officemate niyang si Joseph Marco so she was forced na maghatid-sundo kay Joseph sa bahay para may excuse siyang makita ang cliche ring fresh-from-the-shower “accidental” abs exposure ni Joseph.

 

Cute si Joseph. Fresh. Kaso ang characterization niya ay parang  bad poster-child ng personality disorder. Present si Joseph sa “real life” sequences where he presents a shy nerdy type. Pero sa  alternative sequences kunsaan siya ang leading man, aba alternately sweet then suddenly sungit siya without rhyme nor reason. Bipolar kuya? Chemical imbalance? Takbo Jodi, psycho-killer yan!!! Papatayin ka niyan!!!

 

Halata bang i was wishing na ibang movie ang pinanood ko?

 

Dear Joseph. Wala lang.

 

So basical, ang options sa buhay ni Jodi was either (a) leave home to travel, meet a hunky papi, go home at si papi ang susunod sa kanya, or (b) stay at home, meet a hunky papi, leave home to travel with papi. so either way may hunky papi talaga sa buhay niya. Eh pohtahng ina eh di ikaw na. Iyo na, nyeta. Ikaw na ang anak ng Diyos.

 

Bitter.

 

I must admit, Jodi was the primary reason kung bakit ko pinanood ang movie. Naniniwala ako sa kanya. But this movie showed na tao lang si Jodi, hindi siya rom-com machine na kahit kanino mo ipareha, kahit anong kwento, mapapakilig ka niya.  Dalawa ang leading man niya dito, neither with which she managed to create kilig chemistry. As in Zero.

 

Dear Jodi, may limitation pala ang romcom powers mo. Nauunawaan ko ito. To salvage this movie, kailangan yata yung leveling ng powers ng kayang maghiwalay ng dagat, or magpaulan for 40 days at 40 night.

 

Biblical proportions, ganun.

 

Pwede rin namang hindi mo na lang ginawa ang movie. Ok rin yun.

 

 

 

 

 

Advertisements