“Dumdumdumdum….Wonder Woman!… Wonder Woman!…

 

Sa ilang bekiloo minds kaya nagplayback ang original themesong na ito ng WonderWoman habang pinanonood ang bagong #wonderwomanmovie?

 

At nakakaloka pala yung lyrics no?

 

Wonder Woman! Wonder Woman! 

All the world’s waiting for you…

And the power you possess.

In your satin tights,

fighting for your rights,

And the old Red White and Blue..

 

SATIN TIGHTS?!! Kailangan talaga i-mention? So kung nakamaong na bellbottom jeans si Wonder Woman, she would not be as wondrous? Mas deserving kaya ng special mention sa theme song ang jogalicious na bustier ni WW kesa satin tights niya. At hindi yun tights ha, mommy panties yun na So-en ang tatak. Char.

 

 

As much as i would have loved hearing an updated version of the iconic, if super-dated, na theme song na ito, waley talaga.Matatanggap ko naman ito. Ganun talaga eh. Tastes change.

 

Pero —- spoiler alert —  yung walang ikot si Wonder Woman?!!!! Huwatt?!! WALANG IKOT?!!!!!

 

Sacrilege!!! Sinong halang ang kaluluwa ang nakaisip tanggalin ang magic twirl ni Diana Prince para mag-transform siya into Wonder Woman?!! SINOH?!!

 

Excuse me sa mga nationalist pero though Darna is also a beki icon, bigger beki icon si WW. Si Darna sumubo lang ng bato to transform. Ano ang sexy at bekiful dun? Si WW may twirl-pirouette. Boom-Flash! Taray!

 

Hindi ba alam ng mga bagong produ na naging mahalagang bahagi sa buhay ng isang buong generasyon ng sangkavelaan ang magic twirl? Na sa isang graceful pirouette kayang secretly magtransform ni Junjun into WonderJenjen habang nakikipaginuman sa kabilang kanto ang tatay niya?  Kebs na marami ring vekla ang nalaglag sa kanal habang nagtutwirl kaya imbes na maging WonderWoman, eh they transformed to Pedrong Pusali at Betong Burak instead. The magic twirl changed lives.

 

Ayyy, naalala niyo pa yung joke kung sino mas tangang superhero? Tanga raw si Superman kasi  yung undies sinuot sa labas. Pero mas tanga si Batman kasi alam niyang tanga si Superman eh ginaya pa. Pero mas tanga pa rin raw si Wonder Woman kasi tama nga ang suot ng undies pero nagbelt naman sa noo. Badumdum!!

 

Anyways, let’s start the review.

 

Anak raw ng reyna ng mga Amazonang warriors si Diana, played by ex-solder and former beauty queen, Gal Gadot.   Bilang reyna you’d think na syempre bet ni mudra na dapat maging best and the brightest rin ang anakis niya. Pero witchells! On the contrary, for some reason, ayaw paturuan ni reyna-mudra si Diana ng art of combat sa mga warriors niya. Or at least the art of throwing shade man lang from Cherie Gil.

 

Mabuting bata si Diana so sumunod siya kay reyna-mudra at nagpaka-prinsesa sa tasa na lang all her life. In short, nagpagirl siya. And they lived happily ever after. The End.

 

Chaaaaar!!! Syempre pasaway si Diana so maski pinagbabawalan, gora pa rin siya sa secret combat training niya under her intrimitidang tita. At ayun na nga, naging best warrior princess ever si Diana.

 

Enter sa eksena si Chris Pines, crash-landing sa dagat para masagip ni Diana. Zoom in sa simmering chemistry ng dalawa. Reveal buong Amazon contingent sa cliffside, making buraot sa moment nila. Surprise entrance stage left ng mga kalabang  Nazi Germans to make further buraot.

 

Alam mo na ang susunod… isang bonggang-bonggang Cirq de Soleil fight sequence production number!!!  Tumbling-tumbling galore, aerial twists and twirls, harnessed flying with bow-and-arrow exhibition, more bow-and-arrow paandar on horseback. Fabulous! Ending, Amazons – 1, Nazi – 0.

 

 

 

Kaso, in the midst of the fighting, marami ring Amazons ang nadeads, including Diana’s mahaderang tita. So ininterrogate nila si Chris ng “whachadoinhirbitch?!” using the mahiwang lasso para paaminin kung bakit sila sinalakay ng Nazi at kung totoo bang above average ang nakabakat na junjun ni Chris. Char.

 

 

Segue to Chris’s mandatory hubo scene.

 

Here’s the thing. I have nothing against gratuitious male nudity. In fact, i support it nang buong puso at puson.  Dapat lahat ng movies may male nudity. Pero anlakas lang makabobo when you could see the upcoming exposure of male skin coming, several scenes away. Worse, one time lang yung male nudity. Anubayun?!  Obvious na pampatakam lang. Ilang beses na bang nagamit sa romcoms at k-dramas yung “accidentally” aabutang palabas ng shower ang bidang lalaki tapos malalaglag yung tuwalya?

 

One more thing. Baket anlayo ng shot?!! Hinubuan na eh, ipakita na!

 

Anyways. So after makita ni Diana ang junjun ni Chris, she decided na she MUST leave the paradise na puro jenjen and go the the world full of junjuns. Saka sige na nga, to stop the war that will end all wars na rin.

 

May sapantaha rin si Diana na ang imortal na kaaway ng mga Amazons ang nasa likod ng giyerang ito, ang god of war na si Ares…. Ares Totle. Onassis. Char. At kung mapapatay niya si Ares, then the war would end.

 

Ilusyunada.

 

So naglayag sila away from the invisible island to the makulimlim na London where imimeet ni Chris ang mga boss niya to hand-over ang nanakaw niyang files tungkol sa  sikretong weapon ng mga Nazi.

 

Habang ready’ng ready na si Diana sumugod to the frontlines para makipagbakbakan kay Ares as in now na, si Chris bet pa munang dumaan sa official channels.

 

Sadly, sa meeting dedmacomatose ang mga bossing sa byuti ni Chris. Hindi kasi siya naghubad.

 

So sa kakapilit-kakapilit ni Diana, gomora sila nalang sila frontlines ng giyera covertly to stop the secret weapon on their own. Dito nawitness ni Diana, not the glory of war but the collateral damage and pain war inflicts on the innocent. Dito niya rin na-encounter ang putik na nakakadirty ng  laylayan ng hooded cape niya. Yaak! Ayaw niya ng injustice, ayaw niya ng masikip, ayaw niya ng putik!!!

 

Kaya filled of justified rage, tumalikod si Diana at yumuko at DYARAAAN! Wonder Woman!!!

 

Oo yun na yun, Wala nga yung twirl kasi.  Naglugay lang siya ng hair, yumuko nang matagal, duda ko dinilaan yung headband para mag-stick sa noo niya, tapos tanggal ang hooded cape and whoop, there she is, in all her metallic bustier-ed glory racing towards enemy fire.

 

If there was any doubt remaining na Gal was perfectly cast as WW, this sequence totally removed it.  Sa eksenang ito, bakas na bakas ko sa mukha ni Gal yung grim determination but with a  sense of fulfillment, yung finally she is going to do what she was born to do and has trained her whole for. Basta, hunggandganda niya.

 

In the dark and surly Batman Vs Superman noon, si WW lang ang spark of joy. Siya lang yung having fun, parang enjoy na enjoy siya sa bakbakan for the sake of bakbakan. Amazonian warrior nga kasi de ba? Walang bagahe about destiny or calling to save the world. Fight lang kung fight.

 

That running charge through the enemy lines led to the retreat ng mga kalaban.  Napansin ko lang, sa sequence na ito, one enemy sniper took refuge sa tore ng simbahan. He did a bit of damage until giniba ni WW yung tore. Teka, statement ba ito na the enemy is hiding behind religion at kailangang basagin ito to have peace? Hmmm.

 

Gumagawa ako ng away di ba? Dedma na…

 

Following the trail of destruction, nag-infiltrate nag Nazi Party party-party sina WW at nakaface-to-face niya si villainous kuya na hinihinalaan niyang incarnation ni Ares. Shushutayin na sana niya right then and there sa gitna ng nazi-yahan kaso pinigilan siya ni Chris. Ayun, napalipad tuloy ng mga Nazi ang death gas missile at tinarget yung mismong village na akala ni WW eh nasave niya.

 

Pohtahng ina di ba? Tatampalin ko itong si Chris Pines na pakialamero eh. Maghubo ka na lang ulit kaya?

 

Hindi natin masisi kung maimbey to the max si WW de ba? Giyera patani na itey!!!

 

Super-sugod si WW  nang walang keber. Inabutan niya si villanous kuya sa hangar ng mga Nazi kunsaan naka-ready na palang lumipad ang isang mega-plane filled with the death gas bombs para pasabugin ang London. Ayyyy hindi pwede yan. Paano ipapanganak ang mga Beatles kung pinasabog ang London noong WW1 de ba?

 

So walang habas niyang shinutay to death si villainous kuya. Kaso bakit ganun, patay na villainous tuloy pa rin yung war? Ayyy pohtah mali! Witchikels pala si villainous kuya ang truliling enemy. Iba pa pala! At mas powerful. God of war nga kasi. Jumbagang umaatikabo. Kinakabog  ni Ares si aling WW na kahit anong balibag eh bouncy ang hair. Bibili ako ng shampoo at conditioner niya.

 

Meanwhile, to save the London-based sperms na magiging Beatles habang busy makipagbugbugan si WW, ni-hijack ni Chris ang bomb-laden na eroplano para pasabugin sa upper atmosphere. Kasama siya. Bye junjun.

 

“Noooo!!!!”  sabi ni WW syempre. Nakita niyang sumabog sa ere ang unang junjun ng buhay niya. Nakakaisang chukchakan pa lang sila tapos madideads agad? Bwakanabitch naman talaga oo.

 

At dahil dun, na-reach niya breaking point to effect her final transformation. Hindi lang  pala kasi siya superhero, isa siyang super-hero goddess. Bugbog ka ngayon Ares! Take this!!! And this!!! Ukininamansyet ka! Sayang yung junjun nyeta ka!

 

Boom! Sabog si Ares.

 

At yan ang origins story ni Wonder Woman. The End.

 

BTW, bakit kaya tinanggal ang magic twirl ni WW pero yung invisible jet minintain?

 

Oo nandun sa movie yung invisible jet.

 

Hindi mo lang nakita.

 

Invisible nga kasi di ba?

 

Char.

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements