Dahil #kitakita ang title, napagdesisyunan naming friendships na magkita-kita na rin nga  and watch the movie together, reunion baga.

 

Pohtah hindi pala tungkol sa reunion yung movie, tungkol pala sa bulag. Nyeta.

 

Charot lang. Alam naman namin noh.

 

in fair sa movie, LFS sa Gateway kami nanood, at puno ang sinehan. Dahil big group nga kami, sa 2nd row seats kami napapwesto. Keri lang ang extreme close-up ni Alex de Rossi, pero can you imagine panoorin ang  two storey high projection ng close-up ng  fezlak ng Empoy Marquez nang malapitan? Hindi ko pinangarap maging upclose and personal sa tuchang at skin pores ni Empoy noh!

 

Tip: Choose your seats wisely.

 

*****

 

Simple lang yung movie. Simple na non-linear ang paglatag ng kwento dahil may ganap na paflashback at kumu-Kurosawa nang slight sa presentation ng may ipinakita pang magkaibang  POV of the same events.  Simple de ba? And in fact kinda been-there been-that na nga yung plot eh. Malungkot si Girl, tapos, pakak!, najulag pa. Shutanginerz de ba? Enter frame si chaka Guy. Ice queen mode si Girl na julag. Syempre naman, nasemplang na lovelife najulag pa eh. But Guy charms Girl through humor. Guy melts down Girl's defences. Girl falls for Guy. Eh paano kung bigla magka-sight ulit si Girl at makita na chakaru na frog pala ang prince charming niya?

 

Romcom siya pero, awts!, masakit 'teh masakit. Hindi naman lupasay-level sakit. Jacklyn Jose na emote ng sakit lang, pwedeng habang kumakain lang ng squidballs sa kanto.

 

Pero salamat sa charm  nina Alex at Empoy,  at handling ni writer/director Sigrid, the movie worked for me.  Maybe it's because the storytelling is completely pared down to the very essential. Kay Boy at Girl lang ang kwento? Pwes si Boy at Girl lang ang makikita niyo.. Ginoodbye ang local romcom staples na overly perky best friends, quirky kaso problematic family kailangang suportahan at quotable quotes na mga linya'ng pwedeng ulitin sa gatherings. Wala rin extraneous explanation ng ibang ganap kung hindi naman kailangan. Minimalist.

 

Yun nga lang, hindi siya naka-escape sa overwrought na cover version theme song. Sorry KC Tandigan but the universe says "no".

 

What we got instead was Empoy, an atypical leading man na waley man sa looks has charm galore. Habang ang regular romcom girls are perky and vibrant and visibly emotional, Alex presents the antithesis: sullen, curt, silent and contained. Walang kikay kitikiti acting dito. Sarah G, you can have your araw dance.

 

So bakit sa Japan? Chrue pwede na naman isituate ang kwento dito sa Pinas, but then baka matali ang storytelling sa convensions ng Pinoy life as expected to be seen by the local audience onscreen tulad nga ng aforementioned perky bffs at pasaning pamilya, partyparty scene para sa barkada at tarayan moment ng bida versus some maharot na merlat.

 

By situating it in Sapporo Japan, the filmakers were able to do away with the expected convensions and tell the story their way at their own pace..  Yung umpisang section for example where ineestablish na hindi na masaya sa buhay niya si Alex. Masyadong extended raw. Boring. Bagot. Habang oras, walang ganap.

 

Uy, nagtext si Lav Diaz. Ano'ng masyadong mahaba raw yung lungkot sequence ni Alex. Sobrang igsi nga raw, akala niya trailer pa lang. Char.

 

May mga plot points rin na kung sa Pinas sinituate, hindi magwuwork. Pero dahil Sapporo Japan ito, wala tayong masyadong alam sa lugar so hindi tayo pwedeng magmarunong. So it was easier to suspend disbelief at tanggapin na lang ang mga kaganapan. Tulad ng biglang pagkabulag ni Alex. Walang major why and how. Basta keme-keme then whoops there it is, julagsina ng si gurl yet  somehow madali itong lunukin.

 

May tatlong tanong lang ako na hindi ko nagets. You might want to stop dahil may spoiler…

 

SPOILER ALERT!

 

(1) Saan galing ang datung ni Empoy panggastos eh dayo rin lang siya sa Sapporo?  (2) Bakit may saging mascot sa kwarto ni Empoy? (3) Kailangan talaga may medical condition pang paetchos eh papsagasaan lang naman pala siya?  Kung device siya para maging mas shocking yung ending, sorry dearie hindi siya nagwork.

 

Nice touch rin na may mirroring flashback countdown yung dalawang bida. Kaso sampu talaga? May items na cute, pero meron ring items na pilita ang dating kasi nga hungdaming slots na kailangang punuan.

 

May nagsasabing kinda creepy raw yung character ni Empoy kasi may pagka-stalker. Hindi ko naman siya masyadong naramdaman. Feeling ko naman na pull off kasi nga nasa Japan sila at parehong dayo sila. Siguro nasa itsu lang. Kung may itsurang Empoy na gagalagala sa paligid ko baka macreepyhan rin ako. Pero kung itsurang Piolo, baka iwan ko pang bukas ang pinto, may nakaready'ng lube and stuff.  Char! Ayyy TMI! Too much information!!!

 

But mainly it's the chemistry ng dalawang leads that pulled of the win. Alex gives off this air na pwede nga siyang mainlove with someone like Empoy. Andaming eksena na ramdam mo nagaadlib ng pacute si Empoy at ang candid ng reactions ni Alex. In turn Empoy pokes fun with his looks na hindi Rene Requistas-caricaturish pero hindi rin naman Gerald Napoles-hamonado. Sakto lang.

 

Mamimiss mo ba ang kalahati ng buhay mo pag hindi mo napanood ang Kita Kita? Hindi naman. Ang hirap ngang ikwento sa friends kung ano ang nagustuhan ko eh. Pero it's a movie na deserving na supurtahan niyo.

 

If not for Alex, Empoy, or the quality of the movie, do it na lang for Papa Piolo.

 

Oo dahil siya ang produ. Pa-abs naman diya Papa P!

 

 

 

 

 

Advertisements