#KitaKita : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Dahil #kitakita ang title, napagdesisyunan naming friendships na magkita-kita na rin nga  and watch the movie together, reunion baga.

Pohtah hindi pala tungkol sa reunion yung movie, tungkol pala sa bulag. Nyeta.

Charot lang. Alam naman namin noh.

in fair sa movie, LFS sa Gateway kami nanood, at puno ang sinehan. Dahil big group nga kami, sa 2nd row seats kami napapwesto. Keri lang ang extreme close-up ni Alex de Rossi, pero can you imagine panoorin ang  two storey high projection ng close-up ng  fezlak ng Empoy Marquez nang malapitan? Hindi ko pinangarap maging upclose and personal sa tuchang at skin pores ni Empoy noh!

Tip: Choose your seats wisely.

*****

Simple lang yung movie. Simple na non-linear ang paglatag ng kwento dahil may ganap na paflashback at kumu-Kurosawa nang slight sa presentation nang may ipinakita pang magkaibang  POV of the same events.  Simple de ba? And in fact kinda been-there been-that na nga yung plot eh. Malungkot si Girl, tapos, pakak!, najulag pa. Shutanginerz de ba? Enter frame si chaka Guy. Ice queen mode si Girl na julag. Syempre naman, nasemplang na lovelife najulag pa eh. But Guy charms Girl through humor. Guy melts down Girl’s defences. Girl falls for Guy. Eh paano kung bigla magka-sight ulit si Girl at makita na chakaru na frog pala ang prince charming niya?

Romcom siya pero, awts!, masakit ‘teh masakit. Hindi naman lupasay-level sakit. Jacklyn Jose na emote ng sakit lang, pwedeng habang kumakain lang ng squidballs sa kanto.

Pero salamat sa charm  nina Alex at Empoy,  at handling ni writer/director Sigrid, the movie worked for me.  Maybe it’s because the storytelling is completely pared down to the very essential. Kay Boy at Girl lang ang kwento? Pwes si Boy at Girl lang ang makikita niyo. Ginoodbye ang local romcom staples na overly perky best friends, quirky kaso problematic family kailangang suportahan at quotable quotes na mga linya’ng pwedeng ulitin sa gatherings. Wala rin extraneous explanation ng ibang ganap kung hindi naman kailangan. Minimalist.

Yun nga lang, hindi siya naka-escape sa overwrought na cover version theme song. Sorry KC Tandigan but the universe says “no”.

What we got instead was Empoy, an atypical leading man na waley man sa looks, has charm galore. Habang ang regular romcom girls are perky and vibrant and visibly emotional, Alex presents the antithesis: sullen, curt, silent and contained. Walang kikay kitikiti acting dito. Sarah G, you can keep your araw dance.

So bakit sa Japan? Chrue pwede na naman isituate ang kwento dito sa Pinas, but then baka matali ang storytelling sa convensions ng Pinoy life as expected to be seen by the local audience onscreen tulad nga ng aforementioned perky bffs at pasaning pamilya, partyparty scene para sa barkada at tarayan moment ng bida versus some maharot na merlat.

By situating it in Sapporo Japan, the filmakers were able to do away with the expected convensions and tell the story their way at their own pace. Yung umpisang section for example where ine-establish na hindi na masaya sa buhay niya si Alex. Masyadong extended raw. Boring. Bagot. Habang oras, walang ganap.

Uy, nagtext si Lav Diaz. Ano’ng masyadong mahaba raw yung lungkot sequence ni Alex. Sobrang igsi nga raw, akala niya trailer pa lang. Char.

May mga plot points rin na kung sa Pinas sinituate, hindi magwuwork. Pero dahil Sapporo Japan ito, wala tayong masyadong alam sa lugar so hindi tayo pwedeng magmarunong. So it was easier to suspend disbelief at tanggapin na lang ang mga kaganapan. Tulad ng biglang pagkabulag ni Alex. Walang major why and how. Basta keme-keme then whoops there it is, julagsina ng si gurl yet  somehow madali itong lunukin.

May tatlong tanong lang ako na hindi ko nagets. You might want to stop dahil may spoiler…

SPOILER ALERT!

(1) Saan galing ang datung ni Empoy panggastos eh dayo rin lang siya sa Sapporo?  (2) Bakit may saging mascot sa kwarto ni Empoy? (3) Kailangan talaga may medical condition pang paetchos eh papasagasaan lang naman pala siya?  Kung device siya para maging mas shocking yung ending, sorry dearie hindi siya nagwork.

Nice touch rin na may mirroring flashback countdown yung dalawang bida. Kaso sampu talaga? May items na cute, pero meron ring items na pilita ang dating kasi nga hungdaming slots na kailangang punuan.

May nagsasabing kinda creepy raw yung character ni Empoy kasi may pagka-stalker. Hindi ko naman siya masyadong naramdaman. Feeling ko naman na pull off kasi nga nasa Japan sila at parehong dayo sila. Siguro nasa itsu lang. Kung may itsurang Empoy na gagalagala sa paligid ko baka macreepyhan rin ako. Pero kung itsurang Piolo, baka iwan ko pang bukas ang pinto, may nakaready’ng lube and stuff.  Char! Ayyy TMI! Too much information!!!

But mainly it’s the chemistry ng dalawang leads that pulled of the win. Alex gives off this air na pwede nga siyang mainlove with someone like Empoy. Andaming eksena na ramdam mo nagaadlib ng pacute si Empoy at ang candid ng reactions ni Alex. In turn Empoy pokes fun with his looks na hindi Rene Requistas-caricaturish pero hindi rin naman Gerald Napoles-hamonado. Sakto lang.

Mamimiss mo ba ang kalahati ng buhay mo pag hindi mo napanood ang Kita Kita? Hindi naman. Ang hirap ngang ikwento sa friends kung ano ang nagustuhan ko eh. Pero it’s a movie na deserving na supurtahan niyo.

If not for Alex, Empoy, or the quality of the movie, do it na lang for Papa Piolo.

Oo dahil siya ang produ. Pa-abs naman diya Papa P!

 

 

 

 

 

14 Comments

  1. Benta, as always. 😛

    Dagdag-tanong ko narin kung bakit susi sa bahay ‘yung binigay ni Tonyo doon sa lovers’ locks-something place?

    Saka, kaya siguro sa Japan ang setting, kasi nga minimalist. Less is more. Zen!

    Liked by 1 person

    1. oh! i forgot about the susi ng ng bahay. hahaha. feeling ko nga kasi alam niyang machuchugi na siya soon dahil sa sakit niya, para makuha ni alex yung nakareadyng confession/goodbye letter when he’s gone. Matetegi talaga siya which makes me wonder, aksidente ba yung pagkabangga o nung nakita ni empoy na nakita na ni alex ang fez niya, nagpasagasa siya? Ayyy tragic!

      Liked by 1 person

  2. Regarding sa question #1, I think nag work din siya sa Sapporo. Kasi remember yung scene na nag-paabot siya ng letter sa park? And he was telling na late na daw siya ng 8mins.

    Like

    1. i guess 🙂 yun nga, walang extreneous explanation sa mga bagay-bagay, basta nandun siya or nangyari siya o hanapin mo ang sagot. sabi ng filmaker bahala na raw tayo. char! hahaha… remember yung scene na hinabol ni bf si alex? napansin ko basa ang shirt. akala ko dahil mainit noong shooting or something. sa dulo ko na lang napagtanto kung bakit at walang explanation, either nahuli mo kung bakit siya basa or hindi. 🙂 galing!

      Like

  3. Credits to Boy Yniguez, the DOP. Ang ganda ng ilaw! Agree as usual ako with your review. There was a collective “ah kaya pala basa” from the audience at UP Town when Empoy threw the beer at BF. Ang di ko lang matanggap ay ung spelling mo ng extraneous hahahahaha twice mo na typo hehe lav ya Ricky!

    Like

  4. Sya yung saging sa bar
    Nung naglalasing si gurl. Di ba sya yung nag lead kay gurl na ma diskubre ang ganap ng bf nya with her bff? Saka matagal nang OFW sa Japan si guy. Marami na syang monies na ipon nang malaman nya na malapit na syang matsugi anytime.

    Like

  5. Totally agree with your review of the movie. Honestly naghahanap ako ng ganitong review kasi most of the people I know e puro praise dun sa film and I thought it lacked something which left me unsure as to why sobrang trending sya. May question din ako actually dun sa scene na pulubi pa si Empoy then he saw the ‘for rent’ na bahay then next scene nasa labas pa rin sya ng bahay. Tapos nung sinabi ni Lea na mabaho sya nagcut sa scene na nakatira na pala sya dun sa bahay? HAHA tapos yung flash back na unang tingin pa lang ni Empoy dun sa bintana nya nung parang 1st scene na bulag si Lea tapos ang dami na agad na paper cranes na nakasabit. Actually marami pa pero ayun, maganda naman sya I agree pero… HAHA But it is a first talaga for a Filipino Rom-Com film. Sobrang galing nina Empoy and Alessandra sa movie na to and of course sa direction an ni-take nung director 🙂

    Like

  6. Great review as usual, Arlo. You never disappoint. But I am disappointed Empoy had to die. So porke ba hindi sya si Papa P or JLC or Echo, ganun dapat ang ending? Wala lang. Maybe it’s just me.

    But yes, another feather to Papa P’s cap after the Kimidora franchise! 🙂

    Like

  7. Ngapala, Arlo, surely, too I had to see it because si Papa P ang produ. Kaya wait ko ngayon ang pa-Abs with his now-legendary pelvic bone nya! Ahahahahaha!

    Like

Leave a comment