Cue Aretha Franklin…

R-E-S-P-E-C-T 

Find out what it means to me,

R-E-S-P-E-C-T 

Respect meyn!!! Props and respect kay direk Treb Monteras ll. Vision, Heart, Craft, Artistry. Yun na eh. Yun na.

Honestly, pinanood ko lang ang #respeto in solidarity with Direk na nakatrabaho ko minsan. Also, interested na rin ako dahil sa buzz after winning best film sa Cinemalaya 2017. Pero pumasok ako ng sine expecting not to like it. Una, hindi ako mahilig da Fliptop. Hindi rin ako mahilig sa Rap. At ayokong-ayoko ng angasan… yung duruan at pataasan nang ihi ba. Ick! Non-confrontational ako eh. Kung may away, tahimik lang ako hampasin ko na lang ng dos-por-dos habang dumadada siya/, Wala nang rhyme-rhyme at beatbox. Boom-Crack na lang.

Ang First Scene: Fliptop Battle agad anyvey. Shet mabu-bore yata ako agad, sabi ko.

Mali ako meyn!!! I was enthralled. Ang ganda ng cinematography!!! Malayo sa poverty-porn gritty. May texture pero meron ring gloss na maihahambing mo dun sa mga eksena ng LA underground bars sa mga US films. At yung mga fliptoppers na bumangka as well as the emcee, legit meyn. Sila yun eh. Dito ko napagtanto, ahhhh mahal ng director ang subject niya. He elevated the grimy fliptop face-offs to something worthy of admiration. And deservingly so.

Sa kontektong ito nakapaloob yung kwentong may puso between an old poet and an aspiring fliptopper. Abra is perfectly cast as 17-year old Hedrix, the main protagonist. In fair, at 27 year old  napull-off niya ng lost boy feel huh. Yung guwapong bata na alam na guwapo siya pero supot pa ang dating ng angas.  Loser. Inuutus-utusan. Ginugulpi-gulpi. Pinagtatawan sa battle dahil naihi sa salawal. Walang rumerespeto.

Meanwhile, Dido dela Paz plays the inadvertent mentor ni Hendric called Doc, a recluse who turned out to be a retired poet and a Martial Law. Dido carries himself with quiet dignity and enunciated beautifully. Tanginerns yung eksena fliniptop niya si Abra sa mismong battlegorund. Meyn, the fire and intensity ng delivery lumabas yung ganda ng sarili nating lingwahe sa tunog at the ibig sabihin.

Hot siguro si Dido nung bagets. I’d do him. Char.

Nasa movie rin si Chai Fonacier, yung kuya-tungs sa “Patay Na Si Hesus”. Girlina siya dito, madungis pero girlina na barkada ni Hendrix. Magaling pa rin. Di ko alam, i find her beautiful under that dungis. Exotique. Couture.

Mali ba na also find Brian Arda (Kuya Mando) and Nor Domingo ( the crooked policeman) hot? Basta. Wala lang.

Anyways, ang kwento, runner ni Mando si Hendrix ng droga. Kaya lang, lagi siyang najujombag kasi ampota laging nangungupit para makanood ng fliptop battles kasama ang tropa niya. Humohopia kasi si bagets na nakasali at manalo at baka saka maka-earn siya ng respeto. Tangina de ba? Tulak na, magnanakaw pa. Respeto? Umasa ka pa.

So one time, nahuli na naman siyang nangupit ng datung at kailangan niyang ibalik or mabu-boogie-wonderland na naman siya nang bongga. Ang solusyon niya? Nakawan ang second-hand shop ni Doc.

Pohtangina ang mundo nila no? Parang hindi option yung maghanap ng trabaho. Ang top of mind, magtulak, manloob, magnakaw, rumaket. Where a tokhang killing is only worth a sentence of two in a conversation. Facts of life lang. Kaya a lot of these people fall into a downward spiral na hindi maahunan.

Moving on, so pinasok nanga ng mga poknat ang balur ng Doc. Eh wit sila kagalingan mag-akyat-bahay. Julie-ever sila ng ma-onda! Fail!!!

Sa presinto, lolo decided not to press charges. And parusa lang, ayusin ng tropa ang mga nasira sa balur ng lolo niyo para turuan ng leksyon. What started as a punished, little by little evolved into mentorship.

Eh ito’ng asshole na Hendrix, nakapulot ng notebook ng mga tula ni Doc. Bonggadera ang poems, may lalim, nakakaantig, may feels. Feeling ng hitod,  kapag itong mga linyang ito mula sa notebook ni Doc ang ibinagsak niya sa fliptop battle, sure win na siya. Winnie Santos. Winnie Cordero. Winnie Monsod. Winerva Chavez. Respect.

Eh na bukayo na naman siya. Bukod kasi sa paggetlak nung notebook, kinupitan rin niya ang kaban ni Doc. Pohtanginang asshole talaga diba? Charming ka nga dung pero namumuro ka na huh. Nyeta ka.

Sugod si Lolo sa fliptop battle, hinarap si bugets and laid it all out. Nilampaso ni Lolo si Hendrix gamit ang kanyang mga berso sa harap ng maraming tao. Boom! Burn!!! Tapos later on binoogie wondeland pa siya nung sigang fliptopper na hinamon niya. Luray.

Ang ganda nung sumunod na eksena. Nagising siya of magulpi, na bahay ulit siya ni Doc. Nagbangayan sila. Hunganda ng exchange! So lyrical ng linya. Shumi-shakespearean sonnet baga.

Achulee buong movie paran hindi diaalogie ang naririnig ko. Mas parang Spoken Word, ganun. Pati normal conversations, parang may rhythm na halos patula.

Nareach ni Hendrix ang rock-bottom ng pagka-asshole when, sa harap niya eh pinilahan ng mga gangster yung merlat na bet niya…. at wala siyang ginawa. Watch lang siya at stand parang tuod. Impotent and Unimportant.

At nakita ni Hendrix na nakita ni merlat na wala nga siyang ginawa at hinayaan lang pilahan si merlat.

Their meeting after was another beautiful scene. Sa isang pelikulang puno ng ritmo at salita, sa muli pagtatagpo ni merlat at Hendrix, there were no word. As Hendrix failed his beloved merlat, words now failed Hendrix. Kahihiyan.

As the movie draws to a close, the story devolves further into the murky, gritty, distubing underbelly of the mean streets of Pandacan leading to more violence more death.  Until finally, in the movie’s beautifully shot closing tableau, Hendrix refused to be disrespected anymore.

 

 

 

 

 

Advertisements