Hoy mamang movie trailer-maker, why you like that ha? Your di kagandahang trailer did not do justice to #iloveyoutothestarsandback . Nagduda tuloy  akong magugustuhan ko ang gawa na ito si aling Antoinette Jadaone.

Mea culpa, mea culpa. I dont deserve to be called your fan aling Antoinette.

In fairness to me huh, maski na may misgiving ako at medyo ilang weeks delayed ang panonood ko, hinanap ko at gumora pa rin ako sa isa sa remaining sinehan where ILYTTSAB was still showing. At sabi nga ng mga lalaki kong barkada, di baleng delayed basta ‘wag lang pregnant. Charot.

Basta all in the name of my Antoinette fandom nanood ako maski nachakahan ako sa trailer.

Honestly, for a teenage romcom, medyo dark ang initial premise niya. May isang girlina, Si Julia Barretto, ang bet sundan ang nategibams niyang mudra to the great beyond with requires na mag-roadtrip. In the process, she meets a cutie guy na may taning naman ang buhay so matetegibams na rin, played by Joshua Garcia. Ansaya di ba? Makes for a real light-hearted romcom na pambagets talaga. Charot.

Ganitelds kasi yun. So super-close si Julia sa mudrakels niya, played by Carmina Villaroel. Sa flashback scene, knowline na ni Mother Mina na any monument matetegibams siya but na some inexplicable reason imbes na ipaunawa niya ito sa junakis niya nang maayos, gumawa ito ng kung anong kwento about magic mountains and aliens coming to take her away. Next flashback dumedeath scene na ang lola niyo. Kung make-up niya ang pagbabasehan nategi siya due to cancer of the blush-on. Ba’t ganun ang kulay niya?

But hayaan na natin ito ok?

Flashforward sa present. Nakamove-on na ang pudang ni Julia played by Ariel Rivera, at may new wife na, played by the flawlessly beautiful  Maricar Reyes.  Kahit sino sigurong merlat naman, mapipikon kung ang magiging stepmom mo ay kasing ganda ni Maricar de ba? Tapos mabait pa ang ang character.

What’s more, dyontild na si stepmudra! Aba sa ganda ng DNA nina fudra at stepmundra together, mas malamang na Cinderella-level ang ganda ng magiging anak nila at ikaw ang maka-cast na ugly step-sister. Imbey talaga yun!

Anyways, upon hearing the news during dinner,  ang ginawa ni Julia, sinubo niya nang sinubo ang lahat ng food na nasa plato niya at inipon niya sa pisngi niya. Hindi niya ito iniluwa sa buong movie kaya ganun ang pisngi niya.

Charot.

Then true to form of a millennial bratinella, after niyang magbaon ng lafang sa pisngi, umemote siya sa well-appoitned na kwarto niya. Tapos she decides na mag-stokwa in her dead mom’s car, using gas and buying chips and beers for her trip paid for by her dad’s money dahil obviously wala naman siyang trabaho noh?!

Sobrang kawawa siya. I feel for her. NOT!

Anyways, ang eventual destination ni Julia ay ang naikento ng nanay niyang magical mountain visited by alien na apparently ay located somewhere in Batangas. On her way there, nagmeet-cute sina Julia at Joshua sa talahiban.

Habang jumejerbax.

No joke, habang jumejerbax.

I still dont know how i feel about this. On one hand, i have never seen this kind of meet-cute before so it’s new. On the other hand, there IS a good reason why other filmakers have not used this kind of  meet-cute. Jebs-Cute. Yurk.

Beyond the jerbax-sa-talahiban meet-cute, nasagasaan pa ng kotse ni Julia ang paa ni Joshua. This gives the movie the reason why two beautiful young strangers are in the same car together, heading to somewhere-somewhere.

Dito rin naobvious sa akin na may taning na ang buhay ni Joshua…. dahil pareho ng blush-on shade ng nagulungang paa niya at ang pisngi ng nategibams na Carmina Villaroel.

At this point, dahil andami ko nang nasabi, i just want to reiterate, naenjoy ko ang movie eventually ha. Hindi pa lang at this point. Moving on.

Habang bumibyahe sila syempre nag-babangayan-cute silaa rom-com couples are wont to do. Infer, may chemistry ang dalawa at may charisma individually. Julia seems more confident in her capacity to deliver dahil hindi siya nagpupu-merky girl na usually aytrademark ng mga abs-cbn romcom heroines.  Joshua, seems less confident sa charm niya na he works sa mga pacute na eksena. Dudong, hindi kailangan. Charming ka maski walang abs, promise. Saka sana hindi labas-pasok ang Batangueño accent mo.

Habang nagbabangyanfest ang dalawa, may nadaanan silang Tatang na naglalakad, may bitbit na several live chickens na isinali pa nila sa away-cute nila dahil wala lang.

In one line, naipakita ni tatang ang difference ng acting as in umaacting and Acting as a craft. As much as Julia and Joshua are charismatic on-screen, nilamon sila ng tatang sa isang linya lang. This, considering na sa bigger picture eh episodic lang ang subplot ni tatang at wala namang naitulong sa pag-push ng istorya save for introducing a chicken into the storyline. In short pampahaba. At oo, may manok sa cast.

After leaving tatang to his own storyline that I will not go into na, they also made a stop-over sa balur ng mga hindi nila kilala, para makijerbs at makikain. Buhkit? Para ma-introduce naman a young girl and her prom-problem subplot. Obvious bang nangangamoy na may prom scene sa near future ng pelikulang ito? Syempre naman.

And finally dumating tayo sa actual storyline ni Joshua. Bukod pala sa may leukemia siya at may taning na ang buhay, anak rin siya sa labas ng isang rich guy na hindi siya kinikilala. Ang biyahe niya was all about being accepted by his estranged dad even if has to us his sickness to achieve it.

Syempre best foot forward si kulokoy kumpleto long-sleeve shirt at kurbata. Syempre Joshua can’t do the tie on his own so Julia had to help him.

Kinilig ako, nyeta.

Against my better judgement, kinilig ako mga neng. Sa dami ng hanash ko, di ko napansin nagkik-care na pala ako sa mga bida. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit ni Antoinette basta nag work pala siya sa akin.

At nung nagbreakdown si Joshua dahil witchikels man lang siya hinarap ng hidupurot niyang tatay-sa-labas, ayyy crayola rin ako ‘Ni. In fairness kay Joshua, medyo TH man siya magpacute, pero sa heavier scenes, he delivers. Kebs niya mag-ugly cry.

At dahil may dramatic moment si Joshua, kailangan meron rin si Julia, and that comes sa near-death leukemic-keme attack ni Joshua. Infer rin kay girlina, marunong umarte, for a Barretto.

Mas malapit siguro ang dugo niya kay Claudine kesa kay Gretchen. Charot, bwahahaha.

Sa dinami-dami ng hahash ko, nagustuhan ko ba ang movie? Uhm, oo. Kinilig ako, i felt pagkatapos ng movie. Parang sulit naman ang ibinayad ko.

Sa dinami-dami ng hanash ko masasabi ko bang it’s a very good movie? Uhm… next question fles.

 

 

 

 

 

 

Advertisements