Ganito ang takbo ng movie’ng #geostorm.

Kemekeme. Kemekeme. Space sattelite na kering magcontrol ng weather so waley nang superelectromagnetic storm disasters forever. Kemekeme.

Cut to Senate hearing chorva. Pataasan ng ihi kemekeme. Brotherhood kemekeme.

Dateline: Afganistan, Madame Tussaud’s Tribal Wax Exhibit for Frozen. Uy promising!

Political kemekeme.

More brotherhood kemekeme.

Dateline Hongkong. Kuyang chinoiserie buysung ng water. Pusang gustong magtago sa loob ngref. Nabagsak na itlog, nasunny sideup sa kalye at… AYUN FINALLY!!! BOOM BOOM POW!

Chase scene ng mini-electric car versus ang Nagbagang Lupa! Boom! Fire! Chakang effects ng nagbabagsakang buildings na iisa ang itsura.  Parang  nagpatumba lang ng mga domino’ng may christmas lights.

Closing shot, wide view of destroyed Hongkong na hindi mukhang Hongkong.

More kemekeme.  More kemekekeme.

Hail storm kuning sa Tokyo. Ayy , yun na yon? Ten-bits parekoy.

Haiz mga kuya,  hindi mataas ang expectation ko sa pelikula niyo. Wititit ako naghahanap ng character development o new perspective sa grander scheme of things. Busugin niyo lang ako sa disaster effects ok na ako pwede?

More verbal kemekeme.

Hayyy pohtah… zzz

Kuya chinoiserie is working late sa opisina niya calling one of the bida. Knowline niya raw kung bakit nangyayari ang mga nangyayari. Which means parang naglagay  na siya ng sticker saying “Ako ang susunod na mamamatay” sa noo niya. Bye kuya chinoiserie. We barely knew yah.

More hilaw na effects. Paheatwave sa Kremlin na natunaw lang yung yelo sa bubong.  Paipo-ipo sa India na malayo ang shot so kagulong utaw lang sa palengke ang ganap with side attempt na papuso with the aso na sa sobrang takot kumawala sa batang amo. Cliche-check number whatever, kaching!!!

Ang masaya lang yung freeze ray sa Rio de Janeiro eh. Takbo from the beach nang nakabikini, to the streets, tapos babagsakan ng eroplano. Ganito dapat ang pa-effects ni mayor ok?

At ang mga kaganapang worldwide na ito play’s second fiddle sa familial na awayan ng mag-brother na bida kasi kailangan nilang magkabati to save the world.  Ewan ko. Wala ako paki. Basta gandahan at damihan niyo yung effects next time ok?

Ok

 

 

 

 

Advertisements