#TheChanters: #QCinema2017 #TheKneeJerkCritic Movie Review

Nakakahaggard pala magbinge-watch pag international filmfest. Ang hirap magplano what to see and where,dahil hungdaming options. And then, try to write a full review pa.

Ang ending watch na lang ako nang watch and then kneejerk express na lang. But that’s some sorta bitin de ba?  Lalo na kung i feel strongly about a film.

I really wanted to do a full review on The Chanters kasi ansimple pero hungganda niya. But still, heto, late pa rin sa pansitan. Sorry naman.

Anyways, ang kwento ng The Chanters revolves around Sarah Mae and her Lolo Ramon. Si lolo ay isang respetadong chanter sa kanilang town. A tribal elder. Ang tagapangalaga ng mga epiko na malaking bahagi ng kultura nilang mga Sugidanon.

Very important person si lolo sa community dapat. Kaso, though well regard and loved, nadededma na ang halaga ni lolo sa communidad niya. Di nalalayo sa paglimot sa halaga ng mga epikong minana ni lolo sa mudra niya at minemorize simula pagkabata.

Usually, the burden of remembering the tribal epics are passed down the bloodline, one generation to the next. Pero after Lolo, mukhang deadend na yata ang Sugidanon epics sa linya nila.

Para kasing wala siyang mapagpasahan ng mga kinabisang tradisyuhan na epiko.

Waley ang next gen niya. Gumudbye. Nag-OFW to provide a better life. I-iisang apo lang, si Sarah, ang naiwan sa poder ni lolo. At ang pohtah, wala ni katiting nainteres magchant dahil mas bet pang magselfie-selfie at mag-fangirl over teenage TV idol niyang si Danica Reyes.

Hay naku these millennials talaga. Sarap kurot in the singit!

Lolo is, sad to say, the last of a dying breed. Literally. Wititit na siya spring chicken. Super-lapit na niya sa best-before date, pa-cross-over na sa expiration.

Worse, nag-uulyanin na si lolo! Kung di man kasabay na niyang mabaon ang mga epiko sa hukay, baka mauna pa ang mga itong mabaon sa limot.Kaya nga habang buhay pa ang memorya ni Lolo, pilit na lang niyang sinusulat sa notebook ang mga linyang mga iba’t ibang epiko nakatatak sa utak niyang nagpi-farewell tour na.

Habang busy si lolo sa pagtatapos ng kanyang magnum opus, busy rin si Sarah…. mag-rehearse ng dance number.

Nagprisinta kasi si Sarah na magjoin sa back-up dance group na magpeperform with  TV star idol Danica during the istariray’s scheduled visits sa school nila.

Super fan talaga ni Danica si Sarah. Kaso, super ring hindi marunong magsayaw ang pohtah, kaya ayun, back-up dancer na nga lang, navote out pa siya. Weakest Link.

What’s a girl to do?

Meanwhile, sa homefront, pagrabe na nang pagrabe ang ulyanin moments ni lolo. Mula sa pagkakalimot ng linyang isinusulat, nalilimutan rin ni lolo na nagsalang siya ng isda sa kalan tapos basta na lang namasyal sa labas nang walang paroonan.

Nung makauwi si Sarah Mae galing school, nawawala si lolo at ang kusina nila, isa nang uling factory. Buti hindi nadamay ang buong balur.

Haiz. What’s a girl to do talaga?

Ang ginawa ni Sarah Mae, on false pretenses, binitbit niya na lang si lolo sa school on para nababantayan at hindi magliwaliw nang basta ang matanda.

Si lolo naman, aba nag-paandar habang naghihintay. Nagchant sa harap ng cool kids! Instant school sensation!Viral hit! Damidaming likes! Pinusuan nang lubos. Loding-lodi ang dating.

Lightbult moment ito nung nakita ni Sarah!

In pala ang chanting-chanting sa cool kids huh, pwes magpopropose siyang magkaroon ng tribal chanting performance during Danica Reyes’s visit!

How innovative! How culturally-correct! Pasok yan sa banga!

And who best to take the chanting spotlight moment but her, Sarah Mae, apo ng pinaka-lodi na chanter sa buong town!

What a bonggaceous idea! Brilliant! Fabulous! Fantastic! Fantabulous!

Pa-audition agad siya ng back-up singers! Rehearse to death!  Super-prepare!

It would be her moment!

At nung show day na….. na-late siya.

Hindi siya nakapag-perform.

Syet.

Nakakabilib sina Jally Nae Gilbaliga at Romulo Caballero bilang maglolo. Hunggaling, parang may blood ties talaga sila. At ang bitaw ng mga linya, natural na natural.

Paano nila nahahanap ang mga regional actors na ito? Effortless yet effective.

Napull-off ni Jally Nae yung pagka-millennial na obsessed sa pop culture pero hindi nakakairita. Si lolo Romulo naman, hungganda ng boses pag nagchachant. Dinig at ramdam mo yung authenticity.  And when he delivers his lines, may sense of mischief. Hindi niya inover-do yung pag-uulyanin part, he just… was.

Kudos kay Director James Robin M. Mayo and writers Andrian Legaspi and John Bedia for crafting a light-hearted movie pero may cultural impact. They created a film that delivers a message yet still prioritizing the humanity of the characters.

Another thing i liked was the filmakers disabused the notion that technology kill culture. It doesn’t. Ignorance and  indifference do.

Noong umpisa gamit ni Sarah Mae ang cellphone niya to distract herself habang inaalala ni Lolo ang mga chants na inererecord niya notebook . Pero nung namulat si Sarah Mae, yung cellphone rin ang gamit niya to record her lolo and perfect her own chanting.

Sobrang haling na haling si Sarah Mae sa idol Danica niya  na super-dedma siya sa lolo niya na mas karapatdapat idolize. She would do anything, makalapit lang kay Danica, even it meant taking advantage of her chanting heritage. But in her effort na magpabongga for Danica, parang nagising kay Sarah Mae yung love niya sa pagchachant nang hindi niya namamalayan. It is in her blood kasi.

Performing for her idol was Sarah Mae’s prize for polishing her chanting prowess. May reason naman na magsuper-ngalngal siya when she missed her chance. But  I think she realized eventually  that she got a prize pa rin. A much bigger prize pa nga. She got Herself. A proud Sugidanon, chanter.

 

Advertisements

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s