#LastNight : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Pasensiya na superdelayed ang post na ito for Last Night. Hindi ko kasi minadaling panoorin yung pelikula maski na Piolo Pascula movie siya and then QCinema happened. Sayang naman kasi yung media pass hahaha.

Eto masasabi ko, cute yung play with words ng title na Last Night bilang “kagabi” at huling gabi” aski nga dark comedy itu so pwede, win ka dyan. Isa siyang romcom na ang meet-cute eh yung nagkasabay si boy at girl na magsusuicide-try by jumping sa same spot sa bridge and ended up falling for each other. Jump-Fall geddit? Whaever.

Conceptually, sige, pwede pa rin. Pero as scripted, uhm no. Nakakabother  na hindi binitwan yung kakaspluk about various ways to off themselves na parang wala lang, Since romcom ito, gets ko that the dialog was meant to becute and funny, pero  the way it was done, it just came across as crass.

Ang feeling ko, nung unang nabasa ni Bb Joyce yung script, sabi niya sa sarili niya, “Hmmm…. bawiin na lang natin sa visuals.”

The movie starts with Papa P na studiously disheveled, walking along Jones Bridge. Tumayo siya sa barandilya ng bridge to jump dahil magsu-suicide siya.

No Papa P don’t!!!

Biglang namalahaw si Toni Gonzaga na nakasabit pala sa sa frame ng billboard sa sa gilid ng bridge, asking for help. Failed suicide attempt ang kember.

Toni emerges from the bridge in full emyas ang fez at blower galore.  Apparently nagpaparlor muna siya bago siya magsuicide try.

Kita ang effort ng glam team niya.

I’m not saying na effective ang effort huh, ang sabi ko lang kita yung EFFORT. Meanwhile si Papa P nag-effort magpachaka by making patubo the scragly balbas at dark circles around the eyes. At nung gusto na niyang bumalik sa gwapong itsura, naligo lang siya at nag-ahit. Dat it pusit.

Weirdly, in high spirit si Toni maski sablay yung suicide attempt niya. Chinika-chika niya pa si Papa P in her perky glory kaya mas nabuo ang desisyon ni kuya na magpatiwakal.

I don’t blame him.

Pero nagpumilit si Toni to stop Piolo at na later-later na lang ituloy ni ang pagsusuicide. Sabay na lang raw sila. Magkape muna. Ok fine.

Inabot ng bukang-liwayway ang dalawa sa pagkakape so wititit na raw pwedeng jump off the bridge dahil marami nang witness. So umalis na lang to find another way to kill themselves.

Nagdrive around sila sa kotse, hanash-hanash, at eventually nagcheck in sa hotel to finish their morbid plan at ipakita na hungganda na pala ng Luneta Hotel.

Althroughout this perky-acting galore si Toni. Hungtaas ng energy! Ang tono ng boses, hungtaas rin. Vintage Robin Padilla acting-level, ganun.

Kajiritey huh! Ano balak niya, patayin si Papa P sa inis?  Kundi lang patay na si Toni sa kwento, ako papatay sa kanya.

Oo patay na si Toni, hindi pa lang nerereveal at this point. Yun yung twist na s sa bandang ending sa movie pero by that time kebs ko na basta tumahimik si Toni. Kebs ko na ring mag-spoiler alert dahil wit ko naman balak irerecommend na bilhin niyo ang DVD nito, whether pirated  much less ang orig.

Oo, patay na ang character ni Toni  ang reason for being niya ay para pigilan ang pagpapatiwakal ni Piolo thru extremely irritating perkiness and freshly blowered hair-throw.

Storytelling-wise, hindi ko bet na halos lahat ng pertinent info ng istorya ay verbally ikunuwento ng mga bida when it suited the movie rather emerging organically.  I got the feeling tuloy na ang gusto maachieve ng Last Night eh yung mala-That Thing Called Tadhana effect kunsaan umikot yung movie sa conversation lang ni JM de Guzman at Angelica Panganiban at nalaman mo yung backstory nila thru the dialogue.

Sorry Bela Padilla, wititit ka pa Antoinette Jadaone. Medyo malayo pa. Really malayo pa. Manila to Sagada mileage ganun, baka kulang pa.

Sa isang eksena nakatayo sina Piolo at Toni sa tabi ng kotse, umispluk ni Papa P at ibinagsak nang wholesale ang buong back story kung bakit bet na niyang magpatiwal.

Haba ng hanash, walang ganap. Hello, movie-making rule, show don’t tell.

At andaming butas ng kwento, para siyang deconstructed outfit ni Mother Ricky Reyes.

Sa kwento ni Papa P, magsusuicide siya kasi he lost everything dahil ninakaw ng nanay niya yung pondo na dapat para sa mga underpriviledged kids. Dinemanda siya ng partners niya. Baka makulong siya. Iniwan siya ng asawa niya. Hiyang-hiya siya partners niya at sa mga batang dapat natulungan niya.

Hiyang hiya pero in an earlier scene bumalik siya sa opisina nila at nagnakaw ng more cash ng foundation na nakatago sa safe. Hiyang-hiya talaga yung ganun? At to mitigate yung pagnanakaw niya, dinala niya ang datung at inilagay lahat sa donation box ng simbahan.

Tanga lang o binibili niya yung kapatawaran ni Lord sa gagawin niyang pagsusuicide?

Never naman kasi aabot yung datung sa mga bagets na sinasabi niyang gusto niyang tulungan that way. Magiging pampagawa lang yung ng already ornate na simbahan o papupunta lang sa kaban ni father pambili ng bagong SUV maski may vow of poverty sila.

Si Toni naman may patago-tago effect eh mumu naman pala siya. At wititit siya nakikita ng iba.

And that whole reenactment of various previous scenes to prove na si Piolo lang pala ang nakakakita kay Toni. Uhm, no.

Worse, i dont care na at that point.

Sa acting, as always, Papa P tried to give justice sa role niya. Hinahanap niya yung honestly ng character. Kalaban lang niya talaga yung coherence ng script. Bibitaw ka talaga kahit na anong effort ni Piolo. Ni hindi nakaya ng pagpapakita niya ng abs na iangat yung kwento. Umabot na nga sa punto na may pajutong pa nga si Papa P eh. Maginaw siguro sa set, kasi amperky ng nips ni kuya! Kung 3D ang movie lulutang sa screen yung perkiness. Nagpalit ng shirt at pants in full frontal na walang dahilan bukod sa sumpa nga ni Bb Joyce na babawiin na lang sa visuals sa visuals. Ito yun.

Yun lang ang perkiness na appreciate ko sa movie. Yung perky Toni, wit!  Toni-girl, the perky act is getting old. Or rather, you’re too old na for the perky act. Basta ganun. May limits na siya ng binabagayan ‘teh.

Pang ilan na ba ito ni Papa P? Bakit ba lagi na lang yata siyang sablay pumili ng movie’ng lalabasan? Winner naman siya pag pumipili ng gagawing pelikula pag purely produ siya. Pero pag artista rin siya, ayyy lerd.

Moral lesson, Piolo+Toni = Waley Chemistry. Learn that lesson na. Papa wag nang maulit ito huh?

Hay naku, kundi lang kita labs eh.

Advertisements

6 Comments

  1. I am lost for words, Sir Arlo! Lahat kasi nasabi mo na. Ahahahahaha! Yun ‘yon. Lahat nang hindi ko nakitang flaws ng movie, you saw.

    Kasi ang kaibahan nating dalawang nagmamahal kay Papa P, ikaw ay di bulag na gaya ko na kayang silawin ng nagniningning nyang abs na this time ay sinamahan pa ng kanyang pair of perky nips. At tunay ngang nabingi na rin ako at di ko na ininda ang pag-iingay ni Toni G after ma-sight ko muli si Papa P in briefs after almost 20 years na yata since Lagarista.

    Haaay!

    Sorry, Sir Arlo kung itinatapon ko ang mga lessons ko on Film Appreciation every time Papa P movie pinapanood ko. Isang kasalanang I will always be guilty of.

    Pero siempre, maraming salamat sa “pagsampal” mong muli sa akin ng katotohan sa pamamagitan ng rebyung ito.

    Mabuhay ka!

    P. S. Hooonga, bakit kaya hooong-OA ni Toni G sa pag-atake niya sa role niya dito. 😦

    Like

  2. Nope, Sir Arlo. You are a born critic. I never saw any biases in your reviews. And the humor you inject in your work — it is sooo insanely beautiful and contagious. So raw and original. You should register its patent.

    Me? I am a born adik. Kay Papa P lang naman. Ahahahahaha!

    But yes, we both love good movies; That, along with PJP as a common denominator.

    Have a great evening!

    Mine is complete with this review by you of Last Night. 😉

    Muchas gracias!

    Like

  3. May chemistry naman sila sa starting over ah? Oh maganda lang talaga yung material na yun kaya lumagpas na kung may chemistry or wala? Pero never talaga watch pag toni movie, yung starting lang kasi ang dami nga nagsasabi maganda, kasi nga napapagod ako sa pagka-perky niya kahit sa TV, eh wala rin naman ako paki sa perky nips ni Papa P kahit hangpogi niya! Haha

    Like

  4. Ah, kaya po pala I searched mula Aparri hanggang Jolo wala akong nakitang review mo ng Starting All Over Again which was a huge box office hit and which was the major turning point daw po sa career ng abs, nips at pelvic bone ng ating beloved Papa P. Ahahahahaha! Kasi nga po according to him in an interview, he was ready to pack his bags and leave showbiz then because of his failed projects na sunud-sunod.

    Thanks to that movie at patuloy nating nasisilayan ang kaguwapuhan nya every Sunday sa ASAP at pati na din lately sa Home Sweetie Home while patuloy na nagpapakalango sa alak at alindog ni Ellen Adarna si Lloydy; at siyempre pati na sa
    sandamakmak pa din na TVCs and other endorsements like for BDO, Sun Life, Essilor at Cherry Mobile at pati na for Tide, Mega Sardines, Turks, Dunkin Donuts, etc. at higit sa lahat, sa mga movies niya with matching perks like his perky nips! 😉

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s