#AngLarawan : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Homaygad! Aykennat!!!

Obviously nagandahan ako sa #AngLarawan de ba? Kaso after ko mapanood, namubrublema ako. Since nagandahan ako, so syempre bet ko rin maexperience ng iba ang movie. Pero paano ko naman ito ikukwento sa review na walang spoiler?

Everybody hates spoilers dabah?

Isip-isip ever ako bago ko narealize… ay pohtah, bakit ba?! Anung spoiler-spoiler? Eh di ba nga classic play na ito by Nick Joaquin and written way back 1950, ano pa spoil ko? Parang inispoiler ko na namatay si Jose Rizal sa ending ng Rizal o pinako sa krus si Jesus Christ sa dulo ng Jesus of Nazareth.

Originally written and performed in English, natranslated rin at na-staged in Filipino and “Portrait…” . Naging radio drama nga rin raw ito bukod pa sa pagiging pelikula directed by Lamberto Abellana.

This movie is the film adaptation of the 1997 stage musical of the same title, translation and lyrics by the late National Artist Rolando Tonio and music by Ryan Cayabyab.

Kamusta naman ang pedigree de ba?

So sa daming naging incarnations ng Portrait Of An Artist As A Filipino, siguro naman by this time pamilyar na kayo kung ano ang takbo ng kwento.

Hindi?

Mga walang kulturah! Go stand in the corner!

Charot lang.

Ako rin naman bukod sa title wala ring alam tungkol sa “Portrait…”  dati, aside from it being about two spinster sisters and a bonggacious portrait  ng pudang nila na puno’t duno supposedly ng kaganapan.

Meron ring synopsis ng play at musical online, so basa-basa pag may time. Yun rin lang ang iispluk ko, babaklain ko lang.

From the trailer pala ng kita na that the casting of Ang Larawan is, kakabasa ko lang ang phrase na ito kahapon so kailangang gamitin, an embarassment of riches.

Hungshala ng dating ‘no? An embarassment of riches. In other words, todo na ‘to.

May Rachel Alejandro and international stage star Joanna Ampil ka to play the leads Paula at Candida Marasigan. Tapos sa support at cameo may names na Robert Arevalo, Celeste Legaspi, Zsazsa Padilla, Nonie Buencamino, Menchu Lauchenco, Cris Villongco, Aicelle Santos, Ogie ALcasid, Jojit Lorenzo, Nanette Inventor, Noel Trinidad, Bernardo Bernardo, and Dulce na sobrang galing she doesn’t need a last name.

Kabog.

The story is set in Intramuros during Peace Time. Yan yung mga years after ibenta tayo ng mga Espanol sa Kano pero right before nag World War ll. So parang tug-of-war siya ng makaluma at makabago

Eto na nga yung kwento.

May dalawang old maid na mag-sisteret, si Paula at Candida Marasigan, na nakatira sa isang old , formerly bonggacious, ancestral house kasama ang kanilang bed-ridden na pudang.

Pudang is Don Lorenzo Marasigan the Magnificent,  but you can call him Don Lorenzo the Magnifico for short.  Prominent at internationally-acclaimed painter si pudang na kalevel raw ni historic Juan Luna. in his heydays.

Ang magtanong na kung nagpipaint rin ba si Heneral Luna, tatampalin ko. Syupatid ni Juan si Antonio, yun Heneral ok? Malinaw tayo dun? Ok. Moving on.

De buena ang mga Marasigan, paparty nang paparty sa balur. Lumalifestyle of the rich and famous. Kilala ng madla, respetado ng baranggay.

Kaso matagal na nagka-artist block si pudang. Wititit na nakakaproduce ng bonggacious artworks. Eh yun lang pala ang singular source of income ng pamilya. Tapos na bedridden pa.

Ayun, najubos ang datung ng mga Marasigan. Stop ang party-party. Stop ang lifestyle. Nakilala ni Paula at Candida si Purita Mirasol.

Charot.

I mean naging purita as in poor ang magsisteret. Lumalangoy sa utang, nagtatampisaw sa utility bills, nagsa-sunbathing sa judmental na paningin ng papanghusgang mga kapitbahay.

To earn some income,umabot ang magkapatid sa puntong, que horror, nagparenta sila ng kwarto sa bahay.

Yuck, how middle-class!

Kaso, iisa lang ang boarder nila, si Tony, bad boy… pero gwapo. Hunggwapo. Hunggwapo-gwapo.

Choosy kasi ang magsisteret. Hindi pwede na bad boy na chaka pa. Dapat may redeeming face value kahit paano.

Namention ko bang gwapo?  Paulo Avenlino-level. Yung nakakagising ng katawang-lupa’ng matagal nang tigang. Kung ako si either Paula at Candida, lalabas ako sa kwarto sa dis-oras ng gabi for a glass of water, dadaan ako sa may pinto niya on the way sa kusina nang naka-nighties lang na suot, long-sleeved at sayad hanggang lupa ang hemline dahil conservative ako… pero see-through.

Charot.

Asan na tayo?

Ok, so naghihikahos sa buhay sina Candida at Paula. Kulang ang perang kinikita nila sa pagpapaboard. To maintain the house, umaasa  lang sila mostly sa padala ng older sibling nilang sina Pepang at Manolo.

Mas nakakariwasa sa buhay sina Pepang at Manolo, kaso  mga dupang. May pera naman sila pero pinag-iiniteresan pa rin yung  balur. at mga gamit sa loob. Gusto nilang paalisin na sa balur si Paula at Candida para maibenta nila ang ancestral home nila, tapos paghahatian ang muebles while gagawing personal na mga yaya-vonel ang kapatid nilang old-maids.

Paano na sina Paula at Candida?

Hinawahan nila ng sakit ang mga kapatid nila na ikinamatay ng mga ito. Kaya  tinawag ang sakit  na candidiasis.

Charot lang ulit.

Enter frame Ang Larawan.

Apparently, sa huling singhap ng artistic vigor, nakaproduce si Lorenzo Magnifico ng isang masterpiece na sobrang bonggadera nayanig ang art world. Naging talk of the town. Maraming gustong bumili.

Pero mas marami ang gustong umsuyoso lang. Cheap f*cks.

Ang Larawan could be Candida and Paula’s ticket out of poverty. Hindi na nila uli kailangang tumawad sa palengke. May pambayad na sila ng kuryente. Hindi sila maja-judge ng mga unyetang kapit-bahay.

Kaso, kunsyensiya happened.  Gibsung kasi sa kanila ni pudang ang portrait. His final gift and masterpiece. Wititit maatim ng magshupatid na ibenta ang painting at any price. They resisted pressure from the family and friends na ibenta ang painting.

Ayaw sa datung ha, pwes ibang strategy ang gamitin.

Iba ang tirada ni Tony the yummy boarder. He used his bad-boy charm.

Oo, isang fuccboi si Tony.

While dedma si Candida sa charms ni Tony, si Paula kumiwal-kiwal ang kipelya. Spell THIRSTY. Bumigay ang pohtah.

At dyan, naleche na.

Panoorin niyo ang movie to see how it turned out ok?

Sung-through ang pagka-musical ng Ang Larawan. Meaning bukod sa internal monologues, kinakanta rin ng mga characters ang kanilang external dialogues. So pati usapan nila may tono. Lalalalala pupunta akong CR, lalalalala, lalabas na ang weewee koooo lalalalala. Ganern.

Evocative at emotional ang mga songs. Nagpupush sa kwento. Nagpapalalim sa dating ng eksena. Naappreciate ko ang mga kanta habang pinanonood, yun lang, hindi ko siya madala pag labas. Hunghirap kantahin, parang walang melodic peg. Either kaya mong kantahin or totally hindi. Hindi pwedeng i-hum o i-fake.

Hindi basta-bastang kaya kantahin habang nakapila sa TODA o habang naghihintay ng jeepney sa tapat ng No Loading/Unloading na karatula.

Sorry, pang truliling singers only, poser need not apply.

Again nasurpresa ako dito ni Sandino Martin who played Bitoy Camatcho, bagets na family friend ng mga Marasigan. Mas teatro ang singing niya dito at mas buo ang boses. Akala todo na siya sa singing niya sa Changing Partners, pero dito mas nabatak pa siya and he deliver crisp and clear lyrics and note.

Sadly medyo kapos dito sa kantahan si Paulo Avelino. Garalgal at dinig mong pwersado. Moremore lesson papi, pero A for Ayffort. Bawi naman siya sa acting lalo na dun sa seduction scene niya kay Rachel/Paula. Rivetting. Napasinghap ako. Napa-reach sa abaniko ko at napapaypay. Hungganda ng pagkakakuha ang pagkakastage ni direk Loy Arcenas. Infact the whole movie is a visual feast. Clapey-clapey direk.

Meanwhile, ano ang beauty regimen ni Rachel? Lumalaklak ba siya ng formalin?

90’s pa lang, Rachel Alejandro na siya de ba? bakit nung sineseduce siya ni Paulo, parang pwede pa naman? Walang icky matrona-boylet feel. Parang fuccboi-slightly older woman lang.  How to be you po?

Robert Arevalo showed what a seasoned actor can do. Hindi ko alam kung kumakanta si sir Robert but here he sung/spoken his lines to great effect.  Yan ang aktor!

tuwing papasok sa si Celeste Legaspi, she seems to bring a certain joie de vivre sa eksena. Parang tumataas yung engagement level ko. At matagal ko nang mahal how she embraced her silver-grey hair at ginawa itong fasyown.

Boses pa lang, ampokpok na nina Cris Villongco at Aicelle Santos. Effectively shrill ng boses nila. Talk about voice-acting. At hungsaya ng atisket-atasket number nila. Gusto ko rin malaman kung bakit walang skin pores si Cris. Nyeta.

Nakakainis sina Nonie at Menchu as Pepang and Manolo. Nakakagigil yung kadupangan nila habang pinaghahatian na nila yung laman ng bahay habang buhay pa ang pudang nila.

And then there’s Joanna and Rachel. As a play, acting piece ang Larawan for two actress of a certain maturity. In short pwedeng lamunan. Pero dito, imbes na magbenggahan, Rachel and Joanna complemented each other.

Rachel showed vulnerability with restraint. Unsure lang siya rather than weak-willed kaya believable yung turn-about niya sa end.Less showpiece ang role ni Rachel pero nagawa niyang memorable at hindi nagpalamon.

And Joanna Ampil.

Nyeta kah!

Joanna could probably sing the phonebook and i would enjoy it. Amazing na siya sa smaller scenes where cracks in Candida’s exterior showed, pero yung major breakdown niya sa dulo was Eve.Ry.Thing!!!

Again, nyeta kah! You olreydi!

For sure, Ang Larawan will not attract the crowd na dadagsa sa takilya nina Bossing at Vice come MMFF week. Hindi siya mindless entertainment eh. Mindful entertainment siya.

Pero for those na naghahanap ng pelikula na worth ng P275 in terms of kalidad, ito na yun. Unahin niyo na.

Advertisements

4 Comments

  1. Syet!!! P275 na ang pricey ng movie??? As in pricey na talaga???

    Pero kebs na lang din. Larawan is a classic. If only hindi mo po ako ipa-stand in the corner for being some uncultured worm.

    At kahit dream movie ko ito sana for Ate Guy at Ate Vi or maybe Ate Marya at Ate Shawie, keri na rin.

    Btw, may shirtless scenes po ba si Paulo A dito??

    Ahahahaha!

    Enjoy the holidays, Sir A!! 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s