#GadarrapiddoTheRevengerSquad #MMFF2017 :#TheKneeJerkCritic Movie Review

Putangina. May pera nga sa basura. Yun lang.

****

Tekateka.

Gusto ko sana isang linya lang ang review nito dahil ayoko nang pag-aksayahan ng panahon. Kaso hindi ako makapagpigil. Nyetabels gumastos ako eh.

Wala akong balak panoorin yung movie kaso nagrequest ang mudak. So  fulfilling my Ulirang Anak duties, ipinanood ko siya. For myself, hindi na ako umaasa, pero at least I was expecting matawa nanay ko. ‘Day, anjologs na ng mudra pero maski siya nainip. Ni hindi siya nangiti.

At eto talaga ang unang nakapasok sa line up forMMFF2017 noong June over Ang Larawan and Mike de Leon’ Citizen Jake?!!!

Wew! May sinasabi pa silang the first four choices we “thoroughly evaluated by the selection panel”. Saang banda?!

Hay naku. #AlamNa. #Perapera. #NyetaNaman

Yaman rin lamang inextend ko na ang review, let’s give it na rin the TKJC treatment.

Ganito yung kwento. Superhero si Vice Ganda na may makapangyarihang lipstick. Think rip-off ni Sailor Moon pero badly done. May coterie of chuwariwaps siyang mga chakang  bakla na may super-powers. Plus yung nanay ni Daniel Padilla dahil siguro kailangang bigyan siya ng work.

I’m not being shady when i use the term “mga chakang bakla” huh. Yun talaga ang premise nila, na mga chaka sila, at bakla sila. Akala nila dahil chakang bakla na sila, pag nag-sisisigaw sila at nag-overacting, pwede nang tawagin comedy. Juicekelerd.

In contrast, yung kalaban nilang supervillain played by RK Bagatsing at EJ Falcon, may itsu na, may pa-abs pa. Ano’ng lesson ito? Na pag may abs masama o pag masama kailangan may abs? Charot.

Major fight scene sa outerspace ang opening ng movie. Impressive ang CGI effect… for the first 30 seconds. Tapos kinapos yata sa oras o sa budget or sadyang tinipid. May mga shots na clear, tapos biglang ibang POV magiging grainy at nag-iiba ng kulay. Anubanamen.

Apparently, ang pinag-aawayan nila ang makapangyarihang lipstick ni Vice na magpapalaya sa ultimate kontrabida ng movie nakakulong sa matatawag nating mirror-mirror on the wall na may stretch fabric na face.

Add to that, kailangang protektahan ng mga superheroes ang isang bagets, to prevent the bagets from fullfilling his destiny na maging major bad guy. Maging bad actor ok lang.

Siguro naman alam niyo na kung sino ang magiging si Daniel Padilla no?

Anyways, nashutay ni Vice ang sub-kontrabida ng bowakel-kuning pala ng sisteret ni Vice played by a pinachakang Pia Wurtzbach. Paano pinachaka? Pinag-suot ng curly wig, glasses at drinowingan ng  Ate Guy-nunal on steroids.

Sa ending ng fight sequence wagi ang superheroes pero nabagsakan si Vice ng ruins ng labanan that suspicously looks like painted styropore….because they are painted styropore.

Nagka-amnesia siya.

To protect the amnesia-afflicted Vice,  the makapangyarihang lipstick at the bagets-with-a-destiny, itinago sila ng mga chaka chuwariwaps sa earth na nagdiguise bilang maiingay na mga baklang-kanal.

Fast forward sa present, binata na ang bagets-with-a-destiny. Hilong-talilong ang mga chiwariwaps kasi when the bagets reaches 21 years old, maactivate ang powers niya at malalaman ang totoo niyang identity at destiny — na siya at si Jake Cyrus ay iisa at isa ang tagapagmana ng mina ng greasy pomade ng uncle niya.

Charot lang. Sige aaminin ko, hungwapo ni Daniel dito.

Meanwhile, si pinachakang Pia Wurtzbach, lumanding na pala sa earth bilang pinagandang Pia Wurtzbach which is saying na itsurang regular na Pia siya na bagong gising. Punyetang babae, hungganda kahit anong anggulo.

I feel sorry for Pia Wurtzbach. May matinding pangangailangan ba siya? Ito talaga ang unang movie ng isang former Ms Universe? Yung first runner-up niya at least Hollywood ang unang movie maski cameo lang. In fairness to Pia, game na game siya sa mga pinapagawa sa kanya pero sana naging choosy naman siya. Ang unang movie ng Gloria Diaz after relinquishing her crown as Miss U was the iconic Pinakamanganda Hayop Sa Balat Ng Lupa, sana gumawa muna siya ng ganun bago siya nagpukipuki movies.

The movie is basically at series of disjointed sketches sewn together to make an nonsensical whole.  May early verbal skirmishes nina Pia at Vice na walang pinatunguhan. The chuwariwaps tried to reverse Vice’s amnesia by over-acting, slapstick at sheer noise, Nangising ng superpowers ni Daniel by ripping off an iconing sequence ni Quicksilver sa Xmen. All of which eh nandun na rin sa trailer. Yung jokes na napanood niyo sa trailer, yun na yun, todo na.

At ano ang level ng jokes na natira? Ganito. Sa umpisa merong leader ang mga superhero na pilay at kalbo. Obviously rip off kay Professor Xavier ng X-Men, pero ito may hawak na bareta ng sabon. ang namesung, Professor Clean. Ganun.

And the humor only went downhill from there.

Yung mga fight scenes at flying sequences na pinagmamagaling nila… Crap. Pag stuntman ang bumabagsak, plakak talaga pero pag artista kita mo marahan yung pagbagsak ng harness.

At yung production design, hello! Ang costumes nung superheroes either mukhang ni-recycle na props at costumes o mga piraso ng kung anung mascot. At yung kweba-kuning! Sa isang fight sequence humampas sa cave wall ang isang kalaban. Imbes na nagcrash, nagripple ang “cavewall”. Tela-galore!

I’m honestly surprised na people would put their name sa creative credits.

Please wag nang mag-alibi na they are making a movie to entertain the masses. Pwedeng gumawa pelikula na nakakaentertain sa masses pero hindi basura. Nakagawa na ng ganyan ang Star Cinema noon. Nakagawa na ang Viva films  ng ganyan  noon. Nakagawa na si Bb Joyce Bernal ng ganyan noon. Nakagawa na si Vice Ganda  ng…. uhm… 3 out of 4. Ok sige.

 

 

11 Comments

  1. … As we all have known it since this freak show whose other name is Vice Ganda came to the cheap consciousness of our TV and movie going public.

    Ad nauseam…

    Like

  2. Ahahahahaha! Di ka po talaga nakatiis, Sir A.

    Just watching the teasers on TV, it’s like the 80s again and those fantasy movies of Regal Films. My gaaaaad! Di man lang umeffort sa production value. Styro, ilang yardang tela, atbp for the props??!! Sabagay, the masa and their never-to-die penchant for cheap entertainment are getting what they deserve. They couldn’t care less…

    Like

    1. Nakakainis binigyan agad sila ng sure slot eh so hindi na nila kailangang masyadong umeffort. Kung binitin sila ng selction committee baka mapwersa pa silang magproduce ng better quality. Kya naman ng star cinema kung gugustuhin nila eh

      Like

  3. Yeah. Kaso aral din po to-some-extent si Ma’am Charo for years sa Mother Lily School of Cheap Film-making eh. Tutal alam nya na kebs ang masa sa prod value ng isang pelikula basta makatawa lang sila. Hmp!

    Like

  4. Sa totoo lang Sir, mas nakakatawa pa ang review nyo kesa don sa mismong movie. Hahaha! The only reason why I even tried to watch the film – despite knowing how it would turn out – is because I love Daniel. Forward-forward lang ako sa mga scenes nya, di ko na tinutukan yung kwento lol.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s