#MeetMeInStGallen : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Hanashi. Hanashiwa. Hanabishi. Hanash.

Salamat sa success ng That Thing Called Tadhana, buhay na buhay ang genre ng romcom na buong movie eh marubdob na isplukan ng dalawang utawzung lang. Tipid na sa tf ng jurtistic, madali pasa scheduling ng cast, plus mas malayo pa ang maabot na mileage ng budgey. Pwedeng umabot hanggang Sagada o Switzerland. Winnerva!

Pasok sa banga ng rom-hanash na ito ang Meet Me In St Gallen. Sina Bela Padilla at Carlo Aquino lang ang major jurtistic. Nasa credits si Nonie Buencamino pero mas nasa Buen-cameo level lang ang exposure niya dito.

Mas bongga si Angelica Panganiban, third sa billing sa credits, just behind Bela at Carlo, pero sa pictures lang nakita, sa fezbook page pa!  Hindi man lang nakaprint sa 8×11 na glossy. Tipidity.

Achulee maski sa kwento tipidity rin ang MMISG. Yung time frame ng istorya nagspan ng 6 years pero yung mga ganap nangyari lang sa sa loob ng three separate days. Dedma na lang sa other 2187 days ng buhay nila.

Ganito. Day 1. Artistic na gurlina na buraot sa work meets rakistang pulpol na boylet na buraot sa parents sa coffee shop. Harutan sila nang slight. Ang harutan nauwi sa walwalan sa club.

Basta may alak, may balak.

Kaso yung walwalan nagsegue sa philosopical convo.

Boner-killer.

Uwian, may ganap na lapchukan sa kotse.

Gising ulit si junjun.

Kaso biglang nagpadelight si gurlina. Cocktease ang pohtah. Let’s not destroy the perfect moment keme. Tapos disappear into the night. Leaving boylet na may blueballs sa piling ni Mary Palmers…for four years!

Jump to 4 years later.

Day 2. Chance encounter si gurlina at boylet sa coffeshop ulit. Legit artist na si gurlina habang isang veterinarian na si boylet. Nasabik siguro sa pussy’ng naudlot.

Charot.

Catching up, catching up. Galing sa bad break up si gurlina, pero engaged to be married si boylet. Paano na?

Eh di daanin sa walwalan para may excuse na ‘nalasing tayo, di natin alam ang ginagawa natin’ kinabukasan.  Alak with balak Part 2.

At magwawagi na yata ang junjun ni junjun this time.

Enter phone call. Puppy emergency.

Boner killer.

Kumawaykaway ulit si blueballs.

Pero during the puppy emergency, nakita ni gurlina ang heart of gold at naimagine ang junjun of platinum ni boylet. Na-wet si gurlina.

Char.

Tinakehome ni gurlina si boylet. Naganap ang chukchakan 4 years in the making. Sagosago malamang dati matagal inipon.

Kinaumagahan, hello conscience. Babu one night stand, back to regular programming, pero let me cry muna over my coffee, ok?

Ok.

Jump to 2 years later.

Oo jump kaagad. Sa loob ng apat na taon twice pa lang nagkita, tapos jump 2 years ulit agad.

Nasa St Gallen Switzerland si gurlina making true her pangrarap ng white chrismas. Lakad sa snowbound street. Basabasa sa picturesque library. Kape-kape.

Oo kapihan na naman.

Nakagets ng message si gurlina. It’s from boylet. Sinundan pala siya dito. After 2 years nga lang ang nakalipas

I guess matagal nadelay ang flight. Budget airlines siguro.

Magmimeet sila sa St Gallen!

Tapos may terrorist attack. Pinasabog ang kapihan dahil nagpupromote raw ito ng lovelife na ayaw ng mga terrorists. Patay si gurlina at boylet nang hindi nagkita.

Charot lang.

Wititit ko spoil ang ending. Basta suffice to say it elicited a collective gasp sa audience. Nainvolve naman ang audience sa hanashan i guess.

As rom-hanash movies go, wala pang nakaka-approximate sa pagka-organic ng isplukan sa That Thing… ni Antoinette Jadaone. Dito, especially sa first third ng movie, parang mouthpieces lang sila Bela at Carlo ng kung anumang thesis ang ipinaglalaban ni writer/director Irene Emma Villamor.

Buti na lang she has Bela Padilla na parang naiintindihan ang kunganumang philosopical kembular na sinasabi niya.

Buti pa siya. Ako hindi.

Super bright girl itong si Bela. Invested pa sa character. Love her since IAmErica. Paglaki ko i wanna be Bela. Charot.

Carlo Aquino fared less successfully when forced to mouth all the keme in his dialogue. Buti na lang sa last two-thirds ng film, nung feelings-feelings na ang ganap, nagshine siya. Kaya lang hindi siya Jericho Rosales, John Lloyd Cruz or JM de Guzman na mapufall-in love ka.

That is to say, wala akong kilig na naramdaman. May naramdaman naman akong chemistry between Carlo at Bela pero wala yung feeling na they have to end up together, ganun. Mas invested ako sa journey ng character ni Bela during the various moments sa buhay niya kesa sa kung magkakatuluyan ba sila.

Bet ko ang visuals ng movie. Especially yung sequence leading up to the climactic chukchakan. Along with the musical scoring, ramdam ko yung anticip….. pation. Ahhh.

Bet ko rin kung paano ginamit ang visuals ng St Gallen bilang backdrop. Hungganda ng shot pero hindi nagmukhang travelogue na sponsored ng travel agency.

Of course may mga butas yung kwento kung bubusisiin kaya ayokong busisiin. Enough na at the moment na pinanonood ko siya eh natanggap ko naman yung universe nila. Tama na yun. Baka mabawasan pa ang enjoyment level ko.

All in all ok na. Pwede ko nang sabihan ng Maggallen, maggallen maggalen.

Charot.

Advertisements

5 Comments

  1. “Buen-cameo” hahaha! Ang-gallen mo talaga.

    True, kulang talaga sa kilig itong pelikula. O kahit anong strong emotions actually, positive or negative. Sabi ng critics, clever deconstruction of romance daw. Tanggap ko ‘yun bilang mahilig din ako sa big words, pero hindi ko matanggap na romance pero masyadong kulang sa damdamin. ‘Yung TTCT may nalalaman ding deconstruction, pero may feels parin naman.

    Agree din ako na ang ganda ng mga kuha, at panalo nga ‘yung extended steadicam shot sa “climactic chukchakan”.

    Like

  2. Iba ka talaga, Sir Carlo. Rare breed of a film reviewer. Yang tipong pag binasa, Gospel Truth ang peg pero at the same time tatawa ka nang bonggang-bongga at gusto mo nang mapanood yung movie.

    Pero lech naman si Papa P eh, ayaw lumabas as leading man sa films na sya ang produ. Eh di sana, first day pa lang at first screening pa lang, andun na ako sa cinema. But come to think of it —
    Believable ba na matiis ng character ni Bela na i-postpone ang pag-lafang if kasing-guwapo ni Papa P ang nakahain sa hapag kainan? Ahahahaha!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s