#MyPerfectYou : #TheKneeJerkCritic Movie Review

In the continuing saga of bad wigs happening to good actors, Cathy Garcia-Molina presents… isang labanan ng extreme close-up to the death… My Perfect You!

Minding the rule that guys and girls who look good at a distance should stay at a distance, pang-extreme close-up ang leveling nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach. Not just close up huh, extreme close-up! Yung tipong kung ordinaryong mortal ang kukuhanan eh pang-star-wars ang effect: May the pores be with you!

Si Pia, parang freak na nilalang na hindi tinubuan ng skin pores. Si Gerald naman, dahil truliling lulurki, meron wear and tear ang fez pero hunggsarap maski super mega upclose and personal na kaya mo nang sipsipin yung ilong niya.

Syemperds alam na this ni direk Cathy at ginamit niya ito nang bonggang-bongga to tulo-laway effect.

But of course wititit lang puro gandahan ang ang nakita on screen dahil pelikula ito, hindi photo album. At kahit paano may effort to delve into something other than basic harutan leading to kingkingan. My Perfect You also deals with mental health. Though medyo mababaw pa, pero at least the filmakers dared put it into the conversation.

Ang kwento kasi, itong si Gerald meron palang genetic predesposition na to have ng mental issues. Meron siyang skezo… scheeso… psychizopre…

Basta yung nababaliw siya.

Isang molecule na lang ng utak niya ang hindi pumipirma para matuluyan,  tapos binasted siya ng gf niya habang nagpaflashmob proposal siya sa opisina. Ouch! Sinemplang siya. In front of every-all. On Valentine’s Day pa man din. Harsh ng life!

So syempre nawindang ang junjun. Nadiskaril ang mental stability. Hindi na makawork nang maayos. Nang-away sa office. Namboogie wonderland ng bossing.

Sisante syempre. So nagspiral si Gerald to dugyot realness. Salamat na lang and nasa cast rin si Kirst Viray na for sure ay na-cast sa movie para gawing behind the scene coach si Gerald sa Dugyot Hotness 101. Iba  rinsi Kirst no? Mas dugyot, mas hot. At inachieve naman ni Gerald ang itinuro ni Kirst sa tulong matuchang na balbas at pa-bad-wig ni direk.

Oo bad wig.

Bad wig na naman!!

Ewan ko ba. For sure kaya naman ng Star Cinema mag-allot ng budget for a good lace-front wigaloo pero wititit! Bad wig talaga!

Nagka-theory tuloy ako. Hindi kaya deliberate ang paggamit ni direk Cathy ng bad wigs?Baka naniniwala siya na lucky charm niya ito na kapag isa or both sa bida niya eh naka-bad wig kikita ang movie?

Pumili, Pelikula o peluka? Dapat merong isang chaka para yung kabila eh gumanda. At dahil hindi pwedeng si Pia ang i-pa-bad-wig dahil baka magdemanda ang Miss Universe Organization, Gerald had to be it. Sorry Gerald, ikaw ang alay sa chakang peluka.

Theory lang naman yun. Pero pwede di ba? Charot.

Continuing…

So ayun na nga, dahil sa sunod-sunod na dagok sa buhay, natuluyang mawindang ang world ni Gerald. And in a moment of cinematic hysteria, shinokas ni Gerald  ang karumba nang walang sure na patutunguhan, driving like a madman.

See what i did there? Hehehe.

Dahil nga baliw magmaneho, hindi malayong majongga siya de ba? So na-carcrash nga siya somewhere-somewhere against a tree. Patay. The End.

Charot, minor scraches and bruising lang ang sinuffer ni Gerld pero he needs help at napadpad sa isang liblib na dugyuting resort.

Si Pia ang  owner ng resort owner. Siya rin lang ang operations manager, front desk officer, bellhop, caterer at laundy service. Parang ngumunguya ng coffee granules si Pia sa sobrang energetic and cheerful. Hyper-perky. Todong hyper-perky. Parang utong pag maginaw.

Due to a series of unfortunate events, matagal nang empty ang resort at si Gerald ang una nilang guest in two years. Desperate si Pia kaya OA sa serbisyong totoo. I can be who you want me to be, sabi pa niya. Tapos ang motto ng resort,  once you check in, you wouldn’t want to check out. Hello,  Hotel California lang ang peg?  If you think about it, kinda creepy yung motto. Madaling pumasok, pero walang labasan, ever. Parang mental institution na pakana ni RyanMurphy de ba?

If at this point, naamoy niyo na ba ang twist ng movie?

Huwell… huwell, yun na nga yun.

Goyoin na lang natin ang sarili natin na nasurprise tayo when the truth is ultimately revealed, ok?

Enjoyin niyo na lang panoorin interaction between Gerald at Pia dahil cute naman.  Hungganda nila pareho. May chemistry. At pereho rin silang committed sa roles nila.  Nagkakatulungan.

Ok rin naman ang mandatory hubaran-natin-ang-bidang-lalaki scene. Dito napilitan si Gerald magtampisaw sa batis nang hubad kasi waley water sa cr eh nang-aaway na ang smellanie marquez niya.

May pa-underwater langoy scenepa direk, kaso bitin kasi naka-white briefam si Gerald. Anu ba yun? Hindi ba nila alam ang rule?  Pag naliligo sa natural body of water dapat naka-au naturelle rin. Yung paglangoy ni kuya sa ibabaw ng camera kailangan meron kang mababanaag na kumakalembang or at least humahapay-hapay ayon sa galaw ng whispering wave. Panoorin nga nila Blue Lagoon for kalembang reference please. Next time huh. Hmpf.

Actingwise, si Gerald ang poste ng movie. He delivers sa mga eksena niya and quite generous sa engagement pag si Pia ang umeeksena. Nalike ko na si Gerald since dun sa On The Job ni Erik Matti though obvious dun na nanawag pansin niya na hellooooo umaakting akoooo. Dito parang confident na si Gerald sa kapasidad niya as an actor and as a leading man na he can do little things that could mean a lot on screen.

At hindi rin naman masakit sa mata ang pink nipples niya. Just saying.

Si Pia naman huwell, ok nakabawi ka na for The Revengers for me. Wag nang maulit yun ha. Hungganda-ganda ng bakla rito. Sa extreme close ups niya, hinahanapan ko talaga ng skin pore, wala akong makita. Ano ka, 9 years old neng? Nyetah.

Umoover the top lang ang pagka-perky niya. Thankfully nacocompensate ito dahil charming rin ang pohtah. Pag ginamitan ka na ng that look, na parang inaping tuta, no choice, ila-love mo na lang.

She needs to remember though sa acting, na less is more. Hindi na kailangan yung parang sinapian ng dyosa tulad nang ginawa niya sa pageant night ng Miss U noon. she can dial it down and be more herself. And she can act naman eh. When given a chance to act quietly, keri niya. Naluha nga ako nang slight dun sa monologue niya eh.

Speaking of monologue. Andaldal lang ng movie. Over sa hanash when I believe the movie could have stood with a lot less dialogue. Parang nag-over-explain to cover up the fact na hindi talaga maalam ang  writer at director sa nuances ng schizophrenia. Mahirap naman talaga. Spelling pa nga lang ginoogle ko pa eh.

Kaso pinili niyong itackle eh yan subject eh. Sana mas naaral pa nang mabuti para mas maipakita yung descent to madness rather than ikinuwento lang.

Also, though naunawaan ko yung paggamit ng physical disability to underline the fact na lahat sila sa resort are broken in some way, parang it leaves a slight distaste in my mouth. I felt uncomfortable sa portrayal, especially yung pagkangongo ng character ni Wilma Doesnt kasi something rings false na parang it was just being played for laughs. May cringe ako nang slight.

All in all ok na movie ang My Perfect You. Hindi level ng Seven Sundays pero kinilig naman ako. Naapreciate ko ang pagka-leading man ni Gerald at naredeem si Pia from that disastruous first post-Miss U movie.

Nasabi ko na bang pink ang nipples ni Gerald? Syerep!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s