#AvengersInfinityWar : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Bonggacious? Pakak!

Spectacular? Planguk!

Fabulosa? Anupangakngak!

Echusera? Hay naku, daheight!

I almost bought into the “Thanos, demands your silence!” kemerut dahil i don’t want to spoil the fun rin naman para dun sa hindi pa nakakapanood. Kaso napag-isip-isip ko, kinakasapakat lang ako ng isang media conglomerate na imaintain ang panggagago nila as long as possible for the sake of box office returns.

Oo gaguhan siya. Ginastusan. Glossy. Nakakamangha. Pero gaguhan siya.

So shouldn’t you watch Infinity War na lang?

Ano, tanga? Pop culture event itey. Eh di nagpag-iwanan ka sa kwentuhang spoiler ng barkada niyo. Hindi pwede. Dapat watch mo, especially kung Marvel Superfan ka or, the most probable scenario, mahilig kang maki-bandwagon sa uso maski hindi mo naiiitindihan.

Any which way, hindi magmamatter ang review na ito sa desisyon mong ialay ang P450 mo sa altar ng komersyalismo.

Oo P450, kasi IMAX is the only way to watch this movie noh?!

Therefore this review will be hitik na hitik sa spoilers. At para mas masaya, hindi lang sa spoilers ito magiging hitik, daragdagan ko pa ng untruths and exaggerations na kuntawagin ay Artistic License.

Or in short, Lies. Alam niyo na yan.

Bale Avengers: Infinity Wars is the culmination of 10 years worth of post credit pasabik clip about Thanos. Wait what? 10 years? 10 years na tayong pinagkakakitaan ineentertain ng Marvel?!!!

In fairness sa long-term planning ng Marvel huh. Naplot nila ang escalation ng kwento sa loob ng sampung taon in 19 intergrated but separate movies. Samantalang ako, hindi ko maplot kung ano ang kakainin ko mamayang gabi hanggang bukas.

The umbrella plot connecting all the Avenger movies ay tungkol sa kung nasaan ang anim na multi-colored infinity stones at ang effort ni Thanos to collect them dahil tamang pokemon lang, he gotta catch them all!

Aanhin niya ang mga infinity stones? Gusto niya kasing mas thriller kesa kay Michael Jackson so he plans to make kabog yung beaded glove ni MJ by using the stones to bedazzle his glove, este infinity gauntlet.

Inggiterang frog.

Hindi ko naman siya masisi. Kalbo siya, kulay purple pa, parang si Grimace lang na naging tao.

Saka yung betlog niya nasa chin.

Akala niyo mapanga siya pero nakaluyloy lang kasi ang jetlogs niya. Pag maginaw nagshi-shrink ito at mas kumukulubot. So if akala niyo nagiisip siya na naka-pangalumbaba, achullee kinikiliti niya lang betlog niya. Masarap yun eh.

The action in Infinity Wars starts where Thor: Ragnarok left off. Di ba nga naboomshangalang ang Asgard dahil sa shupatid ni Thor na si Hela? So ayun babu Asgard. Buti nakaescape si Thor and a shipful of Asgardians kasami si Loki. Kaso sa pag-escape nila, humello naman sa kanila ang gigantic ship ni Thanos. Juliebelles!

Sa simula ng movie dami agad nakabulagtang deds Asgardians all around. Kinill ni Thanos. Binu-boogie wonderland rin ng tatlong minions ni Thanos si Thor habang ininterrogate si Loki sa kinaroroonan ng Tesseract which contains one of the infinity stones. Shushutayin nila si Thor pag di umispluk si Loki.  Oh no!

Pero na-rehab na si Loki kasi to save Thor’s life, sinurrender niya ang Tesseract na minating pala niya sa vault bago sila umiskapo from Asgard. Gujab Loki.

At panglanse rin lang pala ito para… Incredible Hulk attack!!!

Lagot ka Thanos! Bugbog ka ngayon!

Pero wat dis?!! Si Hulk ang najombag nang bongga!!! Whaddaferk?!

Buti na lang ginamit ni Heimdall ang powers niya to intervene, save Hulk and beam him back to earth the warn the Avengers.

Say ni Thanos kay Heimdall, pakialamerang froglets! At, ay pohtah, kinill si Heimdall!

Anong kalseng pelikula ituh?!

Tapos nag-assasination attempt si Loki kay Thanos. Fail! Squish-crunch. Kinill si Loki! Argghhh! Not Tom Hiddleston! Shutangina!

Tapos dahil nagetching na nila yung infinity stone, bumabu ang Thanos and friends at pinasabog ang ship! With Thor inside!

Wait! Teka!!! Nalilito akoh! Pati si Chris Hemworth shutay agad?!

 

Major pre-publicity slant naman talaga ng movie na may mga mamamatay na major characters and it will change the landscape of the Marvel Cinematic Universe. Pero simula pa lang, tatlong name characters na ang nachugi?! How can they do that?!

But wait. Hindi pa pala truly deds si Thor! Yey! Maski na pinasabog na siya at lumutang-lutang sa space nang walang spacesuit na hindi ko alam kung paano, basta alive si Thor.

Napick up si Thor ng mga Guardians of the Galaxy na first time maka-encounter ng isang Avenger. Major crossover! Nerd-kilig!

Nagka-major crush ang mga Guradians sa god-like attributes ni Thor. Hindi ko sila masisi. Well except for Star Lord. Imbey si Starlord. Triggered siya kasi mas hunky si Thor sa kanya plus the god-man voice.

Pero umalis rin si Thor bitbit si Rocket the Racoon at si Baby Groot na millenial teenager na ngayon. Bet nila kasing  gumetching ng effect tools panlaban kay Thanos. Dumeretcho sila sa Raon, para mas mura. Hindi orig pero either A-1 imitation o surplus.

Meanwhile ang next na ganap pala ng minions ni Thanos ay sa Earth. Nanditey raw kasi ang apat pang infinity stones  na nasa pag-iingat ng apat na tagapangalaga… sina Sanggre Amihan, Sanggre Pirena, Sangge Danaya at Sanggre Alena.

Hungtaray ng cross-over ng mga characters, noh?

Charot lang.

Dalawa lang palang infinity stones ang nasa earth. Isa nasa sa noo ni Vision, ginawang bindi para makabreakthruough siya sa Bollywood. Yung isa ginawang pendant ni Doctor Strange. Wala lang, bagay lang raw sa outfit niyang may cape.

Syempre pa, hindi ibibigay nung dalawa ang source ng powers nila that easily. Even if the minions asked nicely. Safety ng world ang pinag-uusapan. Kaya naman CGI fight scene galore. Boom!Boom! Bam!

Fail ang mission na tabtabin ang stone mula sa noo ni Vision, salamat sa interpretative dance moves ng jowa niyang si Scarlet Witch at sa timely na pag-appear nina Captain America, Black Widow at Falcon.

Hungkinis ni Chris Evans dito maski may scruff huh. May kasama bang gluta yung intinarak sa kanya to make him Captain America? Kabog pa niya sa pagkaflawless sina Scarlett Johansson at Elizabeth Olsen .

Meanwhile…

Sorta fail rin ang paggetching ng stone from Doctor Strange dahil sa tulong ni Iron Man at Spiderman. Pero kahit anong iri ni Bruce Banner ayaw umapir ni Hulk.

Iri talaga? Ano si Hulk, sho-eh? Pero maski nagka-almoranas na si Bruse sa pag-iri. Waley. Wititit na talaga umapir.

Ayun tuloy, though fail ang mga minions na getchingin yung stone from Doctor Strange, mismong si Doctor Strange naman ang ginetching nila at itinakas aboard a space ship. Inside pinalibutan ng oversized aspili si Doc Strange. Ano, gagawing voodoo doll o pin cushion si Doc to get the stone? Ok, but not the face huh. Hungflawless rin ni Benedict Cumberbatch dito huh.

Kaya pala nag-eedit ng ng pics kagabi, wala akong magamit na filter, naubos na ng Infinity War. Filter galore huh.

Anyways…

Buti na lang nag-istokwa sa ship si Ironman plus Spiderman naman naging… Iron Spiderman! Taray, May spider powers na may computerized suit pa! How to be you po?

Superkemekeme, liparang mga stuff. tumblingan sa ere. Boom. Shutay si minion, safe si Doc!

Yey! Yan, ok ang pagkachugi na yan.

Meanwhile nagkaencounter ang remaining Guardians saka si Thanos. At hindi lang isa pang infinity stone ang ginetlak mamang Purple Thanos. Itinakas niya rin si ateng Green Gamora! Ayyy!

Ano ang balak ni Thanos? Well Purple plus Green ayyy…. uhm Brown? So gagawa sila ng baby na magiging either si Charlie Brown, si Chris Brown, si Bobby Brown or si Nardo. Nardong Putik. Ngeeeh!

Yun pala, knows ni Gamora kung nasaan ang isa pang secret infinity stone pero para magetlak iyon ni Thanos, kailangan niyang magsacrifice ng isang mahal niya sa buhay. Eh mahal niya pala si Gamora. As in real pudang to adopted daughter mahal. And so before you could say “Sorry, it’s not you, it’s me”, with matching tears flowing sa gutter ng kanyang craggy fez, shinulak ni Thanos si Gamora sa bangin.

Babu Gamora, hello infinity stone.

Teka, “Babu Gamora”?!!! Anong “Babu Gamora”?!!!  Pohtahng ina ha!!! Paano na yung Guardians of the Galaxy Part 3?!! Masakit na ulo ko ha!

Next na nagtuos sa kalawakan ay si Thanos versus Doc Strange, The GoG, Iron Man at Iron Spiderman.

Ok na eh. Magagapi na nila si Thanos. Magigetlak na nila yung Infinity Gauntlet. Kaso umeksena itong hindupurot na Starlord. Nalaman niya kasing shinutay ni Thanos si Gamora. Umemote ang pohtah! Ayun naka-second wind si Thanos at sila naman ang jinombag.

Tapos, ibinigay ni Doc Strange ang stone niya kay Thanos.

Wait! Ibinigay? Ganun lang? Eh bakit pa may bakbakang ganap kung ipamimigay lang pala? Para may fight scene, ganern? Tanginerng pelikula ito ha.

Anyways, ayun. Next stop, Wakanda.

Dinala kasi ng Avengers si Vision dito para magpafacial kay Shuri. Saka kutkutin na rin yung infinity stone sa noo niya without killing him.

Also mas mura yung bakbakang CGI na puno-puno at lupa lang ang sumasabog kesa sa mga building. Hindi pa nila ulit naidudrawing ang New York kasi.

Kaso bago pa man matapos yung pafacial ni Vision, umapir na si Thanos. Tapos tiniris niya ang noo ni Vision at pinisa yung infinity stone na parang black head lang.

Ouch.

Yung maroon, naging grey. Deds si Vision!

Deds si Vision! Paano na pag nawala si Vision?!

Eh di bulag.

Charot.

Pero truly, masakit na pati dibdib koh! Hindi ko na kaya ituh. Shet!

And just like that, kumpeto na ang hiyas sa Infinity Gauntlet ni Thanos. Last ditch effort sina Capt America at Thor to stop Thanos. Kaso nagchant si Thanos…

mekeni, mekeni, tugtug doremi! SNAP!

Charot. Yung snap lang ang totoo.

Isa-isang nag-disintegrate ang mga nasa paligid. Si Winter Soldier! Si Wanda! Si Tchalla!

Sa outer space rin may ganap na disintegration. Bumabu si Drax! Si Doc! Si Starlord! Si Iron Spiderman nagmoment pa, tapos na-abo rin!

Ayyy teka, iba na ituh.

Gaguhan ituh.

Nyemas naman eh. Nilaro niyo lang feelings ko, leche kayo ha. Sumakit ang ulo ko, sumakit ang dibdib ko. Malapit na akong mag-spagetti pababa, tapos ganito lang pala?!!

!Hindi pwedeng wholesale ang pagshutay sa mga bida noh. Si Black Panther papatayin eh kaka-box-office lang nung movie?

No!

Si Spiderman chuchugiin eh meron nang nakaline-up na sequel?

No! Mabubuhay sila ulit fershur.

At for sure may part two rin itong Infinity War dahil may post-credit clip pa rin featuring Nick Fury. Bago siya nagdisintegrate nakapagsend pa siya ng secret message tapos sabi niya… “Mother…”

Ayan! Nagsumbong si Nick sa Nanay niya. Lagot kayo! Darating na ang nanay niya!

Sino?

Si Mother Ru! They call me Mother!

Say ni Rupaul,  “it’s time to lipsync for your life!… And don’t fuck it up!!! Can I get an Amen in here?”

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s