#BakwitBoys: #PistaNgPelikulangPilipino : #TheKneeJerkCritic Movie Review

So right after magclose ang Cinemalaya, Pista ng Pelikulang Pilipino naman ang nag-start.

Pwedeng wait? Hindi pa ako nakakarecover eh.

Don’t get me wrong. Happy naman ako at dumarami ang festivals like these, supporting small and dedicated filmakers. The more, the many-er. Pero back-to-back talaga ‘teh? Di ba pwedeng icoordinate ang skeds nila para may breathing space naman kaming mga adik sa Pinoy films na magipon ulit ng lakas at datril of victory?

Hindi mura manood ng movies huh!  Ang Cinemalaya slightly cheaper ang tickets  pero itong Pista, full price mga ate! Tapos shempre pamasahe at pangkain pa. Gastus!

Nitong huling Cinemalaya nga nagbabaon na ako ng crackers at kape pantawid gutom eh. Noon kasing nagbaon ako ng nilagang itlog, paghimay ko, nagamoy utot yung sinehan. Dyahi ever. Sorry naman. Never again.

Achulee gusto nga sana magbaon ng kanin at ulam galing sa bahay, para todo tipid na. Kaso ayaw nilang magpapasok ng microwave sa loob ng sine. Eh parang hindi naman masarap humigop ng malamig na sabaw ng sinigang na baboy habang nanonood ng sine noh. Ok lang yung bahaw.

Char lang.

Adobo sana talaga yung baon ko.

Anyways, buti na lang meron nang nag-iinvite sa akin ng free screenings paminsan-minsan! Yey!

Pero sa totoo lang maski nakakatuwa, nagkakaroon ako ng dilemna tuwing naiinvite ako sa free screenings. Paano kasi kung machakahan ako dun sa movie? Hungkapal naman ng fezlak ko na libre nood na nga ako tapos titigbakin ko yung pelikula.

Achulee, tinitigbak ko pa rin. Nyahahaha. Para que pa kasi akong magkekemeng critic kung wititit noh? Eh di sana nag PR na lang ako.

Kaya laking pasalamat ko na nagustuhan ko ang Bakwit Boys ni direk Jason Paul Laxamana. Honestly kasi hindi ko masyadong na-bet yung So Connected niya last time maski na hunggwafu ni Jameson Blake dun. Nainvite rin ako sa screening tapos chinaka ko yung movie.

So this time, I entered the cinema with slight trepedition.

Trepedition daw o!

Sobrang prolific kasi nitong si Jason. Dito pa lang sa Pista, dalawa na entries niya out of  the 8 new films. So bale 1/4 ng Festival kanya. Ano ito, Pista ng Pelikulang Pilipino Ni Jason Laxamana? Charot.

Anyways, naafraid ako na sa pagkasuper-productive niya, baka maubusan na siya ng sasabihin sa movies niya. Eh fan pa niya ako which means mas mataas ang standards ko sa movies niya. Si Jason at Antoinette Jadaone lang ang dalawang direktor na papasukin ang sine maski hindi ko alam kung tungkol saan yung pelikula.

Teaser pa lang noon, inaabangan ko na itong Bakwit Boys. Yun bang eksena na naliligo yung mga boylets sa tabi ng drum ng tubig nang naka boxers lang. Napasabi ako na “Ayyyy this is art! Must watch ituh!”

Semi-charot lang. Ang masasabi ko lang is kung yummy’ng kaboyletan lang ang habol niyo, this is it na, hindi niyo na kailangang lumayo, quota-kinabalu na kayo, uwian na. Hungsherep ni Vance Lanena. Hungyumyumshaw ni Nikko Natividad. Hungslurpable ni Ryle Santiago.

Saka maganda ang boses ni Mackie Empuerto. Tama na yun.

First time kong naencounter ang meaning ng “bakwit” sa isang play sa Virgin labfest tungkol sa mga evacuee sa Marawi. Evacuee. Evacuate. Bakwit. Ahhhhh ok…

Magkakapatid sina Vance, Nikko, Ryle at Mackie. Nasalanta ng bagyo ang balur nila sa Isabela so they have to make bakwit to the kaparangan of Pampanga sa balur ng maternal gramps nila na kilalang songer rin pala sa locality nila. May pagmamanahan ang mga boylets..

To earn their keeps they decided na kumanta nang may bayad sa town fiesta at pinangalanang the Bakwit Boys yamang mga bakwits nga sila. Pero pwede rin ganito,  boylets na kumakanta sila so boyband. Kumakanta sila sa gilid-gilid. Backstreet. Backstreet Boys. Very katunog ng Bak-wit Boys dabers?. Hambongga! Naiisip pa talaga nila yun?!

Orig na song nila ang pinerform at naimpress nila ang isang visiting datungerang merlat from Manila played by Devon Seron. Dating may banda rin pala si girlina at it was called, wait for it…. Chubby Singson!

Bwahahha!  Hungcute ng name dabers at nagpoforeshadow pa sa magiging personal issue ng character ni girlina that will affect the Bakwit Boys. Hunggaling!

Anyways, so bet ni rich girlina na tulungang magkapagrecord ang magshuhsupatid hopefully magcacareer. Pinanghihinayangan niya kasing hindi yun naachieve ng banda niya dati. At willing siya to make gastos her own money para pasikatin ang mga havey na boylets.

Hungbakla lang ni ateh!

So nistalk ni girlina ang magshuhsupatid at syempre pa kailangang abutan sila sa aforemention scene na naliligo sa may drum.  Ansaya.

Saang lugar ba sa Pampanga yan na may naliligong cutie boylets in manipis na boxers? Meron pang kuya bortang nagkakalaykay ng palay nang nakahubad sa tabitabi eh. Magrerelocate na talaga ako. Char.

Dahil maganda rin naman ate girl, natypan siya ng mga magshuhsupatid na otoko , with the execption of  Mackie…. dahil jugets pa siya. Wag nga kayong ano dyan.

Nagkaroon tuloy ng minor selosan particularly between kuya Vance at diko Nikko. Pero very light lang ang kaganapang ito kasi klaro kay direk na hindi tungkol sa kunganung lab-laban ang movie. Tungkol ang movie sa kung paano nagtutulong-tulong ang magshushupatid na lulurki na umahon sa kinasadlakan nila using their God-given talents which is singing at maski na sa harap ng obstacles.

Kung mainstream na movie ito, for sure may ganap na sapakan ang magshupatid with matching litanya habang pinag-aagawan nila si Devon. Tapos lahat sila eventually may magkakaroon ng love interest tapos mag-a-outing sila sa beach sa dulo.

Kung eme-eme namang indie film ito, for sure imbes na mag-banda, magiging mga macho dancers  ang mag-uutol of course tapos may individual shower scene sila where they get to release their angst habang puno ng bula galing sa maliit na sabon.

… Which is not necessarily a bad thing huh. Given the bodash nina Vance, Nikko and Ryle, papanoorin ko pa rin pero may ganap na pagpa-fast forward na.

But this is a Jason Paul Laxamana passion project, so may baltik pero malinaw kung ano ang gustong sabihin at mangyari. Music and brotherhood is front and center. Actually medyo natakot ako nang slight nung umpisa na baka maging Sgt Pepper’s Lonely Hearts Club Band ito, yung movie ng Beatles na parang mahabang MTV ng album lang nila. Binubuo kasi yung mga kanta, sa may bukid, sa tindahan ng gitara, sa kwarto. I was afraid na the movie would service the songs lang.

I shouldnt have worried of course, Sorry for doubting na direk.

Eventually nagstep in na ang kwento and the character started developing. Though collective ang title, gusto ko na hindi pwersadong equal ang exposure ng apat na boylets. Vance is quite solid as the kuya na masungit  pero would willingly forego his dreams para mag-survive ang mga syupatid, Nikko naman si charming bilang composer ng grupo na more dreamer that a realist.  Ryle and Markie may seem relagated sa support pero habang pinanonood ko siya, parang hindi ko naramdaman yun. Ang dating sa akin  isang unit yung magkakapatid with four moving parts lang.

All four bidas can carry a tune dahil requirement yun, even kay Nikko na non-singer ang role. Vance can really sing, kita mong naggigitara talaga si Ryle, pero ibang level talaga yung kalidad ng boses ni Mackie. Kumbaga kung sila yung The Jacksons, si Mackie yung Michael.

The original songs are also surprisingly  good. Mas gusto ko nga yung stripped down version sung by the bidas sa movie kesa dun sa produced versions na pang album eh.

Ever since, direk Jason has been a visible advocate ng Pampanga culture pero i like how he intergrates them sa movie niya in the simplest way, from the mere mention ng kamaro sa conversation, to the sight na inuulam sa kanin yung gatas ng kalabaw. Anliit na detalye eh, pero nandun.

Gusto ko rin kung paano niya prinesent at hinandle yung moral dilemna ng magkakapatid sa dulo. Do the right thing pa rin pero walang moralizing. Malapit pa rin sa real life ang choices at hindi ka mapapa-“weeeeh totoo?”

Basta, panalo ang movie’ng ito, wag mo nang itanong kung bakwit. Panoorin mo na lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s