#TheDayAfterValentines : #PistaNgPelikulangPilipino : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Feel good movie ang The Day After Valentine’s nina Bela Padilla at JC Santos… kung kayo ang tipo ng tao who feels good after humikbi silently sa kadiliman ng sine at manatiling nakaupo hanggang sa dulo ng closing credits kasi hindi pa kayo tapos ngumuyngoy.

Mula ito muli sa twisted mind ni Jason Paul Laxamana na hilig tayong windangin gamit ang kayang mga kwento na regular ang takbo sasimula tapos biglang lumiliko para wasakin tayo.

Tungkol ito sa isang girlina, played by Bela, who like broken things at si JC yung found object niyang broken thing. Kung kasing gwapo nga naman ni JC, maski na bad hair day sa buong movie, hindi na ako choosy.

Apparently a lot of us like broken things kasi ito yata ang pinakawaging movie sa box office during the run ng PPP.  Alam naman nating ngangalngal tayo rito, pero sige, go pa rin. either that o maraming silent fans si Bela. O si JC. O si direk Jason. O maraming tao ang may bisyong umiyak sa sine.

In fairness sa Viva, hungtapang magsugal sa mga movies na left of center kasi pag tumiba naman, parang nag-iimprenta sila datung.

Naganap ang meet-cute nina Bela at JC sa ukay-ukay. Bantay ng said ukay-ukay si Bela na pinasok ni JC sa paghahanap niya ng arm sleeve na sa sosyal eh pang-basketball pero sa mga jologs eh pantricycle driver.

Witchikels basketball player or tricycle drivam si JC though. Kailangan niya ng sleeve pantakip sa mga kember niya sa braso kasi may bisyo siyang kilitiin ng blade ang sarili pag nadedepress. Wititit naman suicidal si kuyey. Self-mutilation level lang. What a wonderful premise for a bright cheerful romcom de ba? Charot. Walang bright at cheerful sa pelikulang eto.

Laking Hawaii si kuyey, possibly to defend JC’s bad manbun extensions. Nagbakasyon lang siya sa Pinas tapos may nakilalang merlat na naging jowawers niya. Sobrang inlababu si JC sa merlat and so he promptly decided na talikuran ang buong  life and family sa Hawaii and magstay.

Kaso di pa nagtatagal, brineakan agad ni merlat si JC, ayun, wasak si lulurkii like grabeh. Hindi siya makamove-on to the point ngang ini-slice niya ang sarili niyang braso na parang excellente ham just to deal with the pain. Malamang magaling mag-muscle control si merlat-ex or bungga ang kayang kuflang machanism. Char! Hindi natin nasight ever si merlat, pinagkwentuhan lang siya forever.

At that point in his life siya inabutan ni Bela who took him on as her rebuild-rebuild-rebuild project. Laging niyang sinasamahan si JC para huwag ma-lonely pa at magself-mutilate, at tinuturuan ng life lessons gamit ang ating native na baybayin dahil… wala lang, para lang may local cultural element sa movie. Tinitrademark na yata ni direk Jason na either merong ganito sa movie niya or at least something that points to and pushes Pampanga. Keri naman. Naging fun and quirky element siya ng movie and who knows, it might ignite renewed interest in the desimination  and actual usage ng baybayin.

Of course hindi totally altruistic ang motivation ng pukengkeng na Bela nuh. Bet niya si JC, nagpipigil lang. At infair kay Bela the actress, huh, naipakita niya yun ng mata-mata lang habang totally oblivious itong si JC sa wetness na pinagdaraanan ni Bela. Insensitive dense bastard.

So ayun na nga, bonding-bonding sila until the time na kailangan nang bumalik ni JC sa Hawaii and kuyey invited ateng to join. Syempre padelight muna ang ang Bela maski for sure kiwalkiwal naman na ang pepe niya. Ending eh di jumoin rin.

Ang offer eh all expenses paid, pero ang Bela nagpumilit na siya raw gagastos ng pamasu at balur niya dun.

Gagah!

For an ukay-ukay assistant na rumaraket na magtutor ng mga bagets for extra income, hungtapang na humindi sa libre huh. Nangutang si Bela sa bossing niya pero really,  sinong businesswoman ang magpapahiram ng tens of thousands of pesoses sa  para maka-gora ng Hawaii ang dispatchadora niya sa ukay-ukay? Todo fiction na ituh?

And there is the little this called US visa na never napag-usapan unless US passport holder pala ang character ni Bela na nver ring nadiscuss. Parang inaya lang siya gumora sa Baguio, ganun.

At nag-insist pa na magsu-solo AirBnb siya sa Hawaii ha. Buong bahay kanya lang! Afford niya? Kung ako yun, dun ako sa libre syempre. Maski sa couch sa balur nina JC patulugin keri lang. Tapos matutulog ako nang naka-loose t-shirt at panty lang  ang suot para easy access just in case. Charot.

Mega tour sina JC at Bela around Lanai in Hawaii. Ang pohtahng Bela exclaim nang exclaim na hunggunduh-gunduh!!

‘Teh saang banda?

Dumayo pa kayo ng Hawaii eh itsurang Correidor lang naman ang umapir onscreen. Gumastos pa kayo.

Tipirin ba talaga sa bright and cheerful sa pelikulang ituh? Pati yung Hawaii nila overcast, gloomy at maginaw eh. Intentional ba yun?

Anyways, after the mahabang travelogue, umusad ng konti finally ang kwento. Slowly parang napu-fall na si JC kay Bela finally.  Actually di natin na-sight yung transition form dedma to caring caring ni JC. Baka it’s a case of the manok fianlly noticing the palay na lumalapit.

Eh last day na ni Bela wala pang ganap. Si gurlina na ang nagparamdam. One for the road! Last hurrah. Goodbye kember.

Chukchakan na ito!!!

Bumalik silang dalawa sa AirBnb ni Bela to consumate ang matagal nang hinihintay ni gurlina. Lapchukan ever. Tapos…

Tapos waley. Nagpadelight na naman ang Bela! Bakit raw magchuchukchakan pa eh wala namang paruruonan ang relasyon niya.

Syempre imbey ang JC. Ayun na eh. Hopeful na si manoy eh. Ready to fight! Tapos na-cockblock! Paasa ang poknat! Blueballs! May araw ka rin!

Pero syempre dahil romantic movie ito, cry-cry sila tapos promise si JC na aayusin niya alng ang buhay niya sa Hawaii tapos susundan niya si Bela sa Pinas.

So hopeful si girlina na jumuwi ng Pinas. LDR  muna sila ni JC na sa simula eh havey pero unti-unti parang nawawaley.

Tapos binigyan si Bela ng revelatory back story for additional dramatic moment. Broken rin pala si Bela dahil abused siya ng pudak niya as a child at imbey siya sa mudak at shurpatid niya dahil never siyang pinagtanggol noon ever. Kaya pala independent living siya at tinataguan niya ang family niya.  Maski na long-deads na si pudak at nagjijingalo na sa deathbead si mudak, care-bare niya lang. May taglay siyang poot.

Tapos finally jumuwi na ng Pinas si JC. Egzoited ang pukelya ni Bela syempre. Dizizit!!!

Kaso nung nagkita sila, parang may distancia amigo. Malamig na. Parang yung Hawaii lang nila. Si JC naman ang pala ang paasa. Ayaaan karmi sa blueballs. Witchikels na tipelya ni JC ang Bela na maging jowawers, wititit niya lang sinasabi. Nakamove on na siya.

Ngawa ang Bela syempre. “I fixed you keme!”, sabi ni Bela. “Do you want me to love you out of gratitude kembular?” sagot ni JC. Gagu di ba? Naka-move on ka na lang kaya keri mung magsalita ng ganyan, nyeta kah.

Ngawa some more. Anuveeers! Bakit puno ng heartaches ang pelikulang ito?!! Hungchakitchchakitch!!

Pero pinanod ko pa rin.

What i liked about the movie:

  • Yung imaginary flashmob ni Bela sa opening sequence. Swak ang gamit at sakto lang yung choreo, hindi masyadong busy. Naalala ko yung Spinning Around video ni Kylie Minogue.
  • Chemistry between Bela and JC.
  • Bela herself. Intelligent actress ang pohtah. Hindi kailangan ng histrionics. Sa movie, kita mo sa mata niya at what point siya nafall na for JC.
  • Yung bumabaling segue ng eksena like yung sabi ni jC wititit niya bet pag-usapan ang ex niya, cut to, ngalngal-ation na siya pouring his heart out.
  • Yung gamit ng baybayin. I like it. basta. Bakit ba?
  • The language. Very street. “JC: Paano kung sabihin kong hindi kita gusto?/ Bela: Eh di putangina mo rin.” Aylavvet
  • Tinatapon lang yung comedic touches. Bahala ka kung ma-gets mo. Like yung naniningil si Bela sa tita niyang si Aling Vickie na nahulog ang anak sa imburnal, featuring the actual actress dun sa nagviral na video.
  • Sabi ni kuya Keanu, “Everybody deserves a good lei…” Tapos NR lang. Dedma kung nagets mong bastus ang bunganga ni kuya.
  • Walang unecessary cameos or scenes kung pwede namang wala. Never nating nasight si ex, nor ang parents ni JC, or ang naghihingalong mudak ni Bela. Streamlined.
  • Yung final scene ni Bela sa sementeryo.

What i didn’t like so much:

  • The movie relied sa chemistry between Bela and JC a bit too long. Hungtaggal na glacial pace ang ganap. Buti na lang magaling yung dalawa, kundi buringger-Z.
  • Yung masyadong pag-gloss-over sa logistics ng biyahe ni Bela tulad ng visa, yung sourcing ng pera given yung estado niya, yung unwise na paggastos like kuha ng sariling balur samantalang pwede namang makitulog sa kakilala which is soooo Pinoy.
  • Yung hinatid nina JC at bro si Bela sa rental nito. Pagkadating, bet makiweewee ni bro. Itinuro agad ni Bela kunsaan yung CR eh kakadating lang nila at first time niyang makatuntong sa balur na yun.
  • Hawaii. Disappointing yung itsu. Hindi akma dun sa mega excited na emote ni Bela. Parang maling panahon sila nagshoot, ayun nagmukhang Corregidor lang siya.
  • Yung pad ni Bela sa Manila. Dispatchadora sa ukayukay, parang condo ang pad.
  • Yung sobrang dali maresolve yung central problem nila ni JC. Winasak ni JC ang puso at pangarap ni Bela eh in one fell swoop, tapos within a couple minutes, isang sapak lang magtatawanan na sila like nothing? No. Yung sama ng loob niya sa pamilya dekada niya binitbit, ito ganun-ganun na lang? Ok, may character growth pero pwedeng ipakitang one step siya towards healing, pero not right there and then recovered na siya. No.

Though hindi ako totally satisfied sa movie, naka-immerse naman ako and was not really bugged by the stuff i didn’t realy like. Also, the jowa and I went out discussing yung pagiging broken person, because i believe i am one too. Si jowa rin.

Baka lahat rin tayo, kaya pinanood natin ito.

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s