#TheHowsOf Us : #TheKneeJerkCritic Movie Review

So i finally got to watch my first KathNiel movie!

Wow, big deal de bah? Another day, another milestone. Charot!

Is this really a Cathy Garcia-Molina movie talaga? There was no ghad-awful wig in sight eh. Charot!

Ano ba ang ibig sabihin ng The Hows of Us title kemerut na ituh? Sa pag-kaka-spell, parang “Paanech Ang Pagiging Kametchi” ang gustong tumbukin pero sa trailer mas parang “Ang Balur Namenchi” kasi yung balur ang central sa mga ganap sa movie. Eitherway swakchina naman pareho sa banga so waley problem.

Ang premise ng kwento, ex-live-in couple sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. A couple of years after separation return of the comeback sila sa balur they jointly own. Bumalik si Katryn supposedly to prepare the balur para ibenta, memories and all, while si Daniel naman came back, to prevent her from doing so, at para magpacute, magpadelight at maligo sa hose sa labas ng banyo so he can to win Kathlyn back . Personally mas bet ko ang execution ni Daniel, particularly yung paliligo sa hose.

The movie opens sa pagpapang-abot ng dalawa sa loob ng balur with matching stop motion effect at CGI na plastic na tulips at vase sa ere. This is supported by an overwrought annotation ni Kathlyn showing her lack of prowess in the are of voice-overs. At badly executed na sabayang pagbigkas ng dialogue na totally kitang staged na staged.

The movie’s timeline alternates sa present time na pagpapacute nila and madramang flashback that illustrates kung paano sila umabot sa kinaroroonan nila ngayon.

Nalaman nating selfcenter asshole musikero si Daniel habang pamartir na premed student si Kathlyn na lapitin ng ulan or at least ng rain effect. The balur na pinag-aagawan nila ay pag-aari pala ng tita-lola ni Kathlyn played by Susan Africa who stretched her acting range: namatay siya nang hindi umuubo! Pero nadeds pa rin.

For some unknown reason, non-coughing tita-lola Susan decides na iwan ang balur under both Kathlyn’s and Daniel’s names maski hindi naman kasal yung dalawa.

Kunsintidor rin itong si tita-lola eh no? Mga mahaharot! Mga makasalanan! You are living in sin!!!

Charot.

So ayun nga, nagsama sa isang bubong ang magjowa where lumitaw ang pagka-male chauvinist pig ni Daniel habang nagpapractice si Kathlyn sa kanyang pagiging full-fledged doormat. Habang nagpapaka-hungry perfectionist musician artist si Daniel, premed student cum yaya cum mimay si Kathryn. Tapos lasenggo pa ang hitod.

Anuvers ‘teh?!! Bakeet?!!  Supermega-dakila castro kasi si kuyey? Bonggerz lumafesh ng pukengkers? Kumakain ng papaitan? Anesh?!!!

But finally napuno na rin si ateng, so sa isang makabagbag-damdaming confrontasi na may mood lighting dulot ng pagkaputol ng kuryente due to non-payment, kinickout niya na rin si kuyey!

Sabi niya kay kuyey, go, walk out the door, don’t turn around now, you are not welcome anymore! Si kuyey naman, ok fine at bumabu nga.

Nung napansin ni gurl na wala na nagwalk away na nga yung audience ng pag-eemote niya, ay super habol ang gaga. Nagpapadelight lang pala ang pohtah, eh sobrang ginalingan. Ayun, goodbye and good riddance.

But that was a flashback ng several years ago. Back to the present, bumalik sa life ni puquesa si new and improved kuyey at handang suyuin muli si ateng at ipaglaban ang kanilang naudlot ng pagmamahalan.

Pero syempre hindi nagpagetching agad si gurl. Kunwari naka-move on na siya maski actually ang matagal nang nagpapaligaya lang sa kanya ay si Midel. Midel Finger. Char.

Nagpadelight ulit si ateng, pero this time hindi na niya masyadong ginalingan. Baka maniwala na naman ang tangang otoko at dumisappear na naman. Umaayaw si gurl kuning pero nagpaparamdam na dumadrama lang siya ng “habulin mo’ko, habulin mo’ko ahihihi”.

Maski umaayaw, pumayag si atey to recognize ang lcaim ni kuyey sa house at magstay si balur. pero dapat no touch. Gamit ang masking tape, they implemented ang bagong-bagong konseptong hatiin ang bahay into half na ginamit na sa mga pelikula nina Dolphy at Chiquito noong 70’s…. ayon sa tito ko, kasi hindi ko inabutan yun. Char.

Syempre no choice sila kundi magkain-lovang muli noh.

But wait there’s more. Nagdagdag sila ng gusot in the form ng syupatid na mabubulag from diabetes na pangarap makita ang long estranged pudang nila na for some reason ay nasa Amsterdam

Talaga lang?

Spell “junket” ! Spell ” travelogue”! Spell “unneccessary wrinkles introduced so they can go on an exotic location shoot”!

Well at least mukhang Amsterdam naman ang Amsterdam na nakita sa movie, di katulad ng Hawaii ng Day After Valentines na parang Corregidor lang. But still wala pa rin siyang wawa sa movie at ni hindi nila naiteyempo yung shoot to coincide sa tulip season sa walang ganap na tulips bukod dun sa plastic na bulaklak sa vase na pinukol.

Performance-wise, na-bet-an ko si Juan Miguel Severo as the mandatory beki friend kasi kahit cliche yung role at mga linya niya, he imbues his deliverywith a certain honestly at hindi puro scenery-eating pizzazz typical of the beki sidekick performances. Favorite line ko yung, “teka di ba ako ang vaccla dito?!” Laftir much.

Bet ko rin si Kit Thompson dahil… bakit ba, bet ko lang siya, ganun. Tumayo siya. Naglakad siya. Ok na yun. Beke nemen kuye… ahihihih.

I wish Darren Espanto less cringe-y roles in the future. Di ko pa malaman kung gwapo yung bata o hindi basta merong something yung bata.

But of course it’s the bida who carried the movie. In the most important scenes requiring high emotions Kathlyn delivered. Same rin sa mga pakilig. Dun siya sa VO at sa less demanding scenes nag pa-falter. Girl needs direction. Kailangan pang alagaan kasi meron.

I now understand the charm of Daniel Padilla. Akala ko talaga dati, parang si Jake Cyrus lang siya na tinubuan ng betlog.  Hunggwafu ng bata! Mahal siya ng camera. Direk salamat sa ligo scene at pasantol shot mo kay Daniel sa sofa. Appreciate siya wahaha.

Also elibs rin ako sa jugets kasi matapang siya. Unlikeable ang role niya sa first half, assholic even. Charming lang talaga ang Daniel and unafraid to show vulnerability. Also generously, he let’s Kathlyn shine sa mga eksena, almost playing second fiddle sa leading lady niya, but in the process, nagsashine rin siya.

At yung eksena’ng sineseduce/serenade niya si Kath by singing… leeerd! Napacheck ako kung may baon akong extra panty shield!

All in all engaging naman ang The Hows Of Us. There are moment of true kilig which is the reason for being naman ng movie’ng ito.  Direk Cathy knows her stuff. Patok yung eksenang nasa sofa sina KathnNiel tapos patay-buhay ang ilaw reveal varying tableau nung dalawa, saka yung sequence na ginagamit nila ang ang sexual attraction nila to put one over the other.

Storytelling-wise though, it’s very uneven. Meron overwrought na drama, tapos juvenile kilig, tapos biglang nagpapaka-mature romance, tapos may travelogue. Sadly lahat nagwuwork at hindi nagkita-kita yung mga elemento as a cohesive whole. Hindi naman ako nanghinayang sa ibinayad ko. Sakto lang siya. And as movies transitioning young stars to more mature roles, #TeamNeverNotLoveYou pa rin ako.

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

5 Comments

  1. Ahahahahaha! Ahahahahaha! Ahahahahaha! Grabe ang tawa ko while reading your review.

    At ngayon, I am in quandary if papanoorin ko ang movie. In all honesty, I haven’t watched any of these movies starring JaDine, KathNiel, LizQuen and all those odd combo names which I consider “too juvenile” for my age. The last loveteam-movie that I saw was of course, you guess it right, Don’t Give Up On Us starring OUR (Yours and Mine, O di ko po sinolo ha?! Ahahahahaha!) Papa P and Juday! 🙂

    But because of this review I will watch THOU. Pramis!

    Ang fear ko lang, baka mabuhay ang pagnanasa ko kay Daniel na ayaw mag-take off-take off kapag nakikita ko ang mukha ni Charisse aka Jake sa kanya! Kalurkey!

    Like

    1. nagshre talaga tyo kay papa P. hahhha. baka may sumaksak sa atin wahahah

      infer, nakita ko na yung kagwapuhan ni daniel beyond the malajake cyrus na itsu niya dati hahaha. gwafu pala siya talaga. at pagkinantahan ka niya, nakakaswoon. hohihihiih. landi hiihihhi

      Like

      1. Achulee, Sir Arlo. When I hear him singing ewan ko ba, para sya ng nag-oO. Ahahahahaha! Ang gross ng thoughts ko! Char! Ahahahahaha! 🙂

        Pero syempre nothing beats Papa P in that Bench TVC where among-the-so-many in it, yung close-up shot nya na naka-pikit as if in One-Big-O is forever etched in my mind, heart and libido! Ahahahahaha!

        Like

  2. Sir Arlo sana panuorin mo at gawan ng review yung movie sa Cinema one originals na Double Twisting Double Back ni Tony Labrusca at Joem Bascon may pagka homoerotic daw yun. Para maikuwento mo naman saamin na di nakakapanuod sa mga film festival na ganyan

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s