#AStarIsBorn2018 : #TheKneeJerkCritic Movie Review

So may remake na naman pala ang A Star Is Born. Pang-apat na. Una yung kay Janet Gaynor noong 1930’s tapos kay Judy Garland, then yung kay Barbra Streisand. Tapos 40 years later itong kay Lady Gaga.

Teka, 40 years later?!!!!

40 years talaga?!!!

Di ba parang kamailan lang ginising ng poster nito featuring the hubad at balbas-saradong Kris Kristofferson ang mura ko pa lang na katawang lupa? 40 years ago na agad yun?!

At oo, Kris Kristofferson ang namesung ni kuyang kasama ni Barbra sa poster. Orig na KK since 1970’s. So Kim Kardashan, you are nothing but a second rate, trying hard….. Kopy Kat!

Charot.

Hindi ko pa napanood any of the previous versions nang buo pero ayon sa mga nabasa ko, yung unang dalawang versions, Hollywood at movies ang millieu. Nung neremake ni Aling Barang, yamang superstar singer na siya noon, naging music industry yung setting.

Gaga’s version follows Aling Barang’s lead here. Magaling na singer-songwriter na hindi kagandahan, may isyu sa itsu ng ilong nabighani ang sikat ng rock star na gwapo pero mukhang amoy-maanggo.

That aside, basically the structure remains the same in the four versions: Unknown-but-talented-merlat meets sikatuna-but-damaged-kuya-superstar. They fall in love. Kuya’s fame opens doors for talented merlat. Suddenly merlat is toast of the town while kuyey descends into a downward spiral of self-destruction brough upon by professional jealousy and a damaged psyche.

Aaaay hunghaba ng ingles ko dun ah. Na-nosebleed ako.

so ito na. Sorry mga ‘neng, nanakawan si Mother Monster niyo.

Bradley Cooper, who also directed the movie, stole the movie from Gaga. In fairness parang hindi naman intentional. In fact hungdami ngang moments ng dalawa na back to camera ang Bradley so fezlak ni Gaga na umeemote lang masa-sight. Si Bradley boses-boses lang.

Not saying na chakaroo ang perfomance ng Gaga rito. Malabo namang magkanervous breakdown siya after the movie dahil hindi naman muma-Mariah Carrey in Glitter ang performance niya. It was a laudible effort. Kaso ginalingan ni kuya eh.

Achulee sa blue eyes pa lang,  ayyy lerd! Sudden gush of wetness! And i dont even like Bradley that much huh. Keri lang siya sa akin. Pero pag tinamaan na ng ilaw ang fez at mata, haaay, kabog ang CGI pa-effects ng Venom ni Tom Hardy. Mas affected ako sa baby-blues ng Bradley, dedma na sa buong movie mukhang oily siya at maantot.

And yung voice. Parang hindi naman yun ang natural speaking voice ng lolo niyo ah. Dito mas binabaan at dinagdagan ng bass.  Yun lang, sa sobrang kapal ng cowboy accent, bulong ako nang bulong ng “ano raw?” kay jowa kasi hindi ko maintindihan yung dialogue. Pero yung garagal parang hinihimas ang likod ko at mapapasabi ako ng “lower please, yes there… mmmm”.

Nagulat pa ako sa singing voice huh. Believable na songer ang lolo. May timbre at emotions. Pakak na pakak.

Si Gaga naman, well, art imitating life siya dito. De ba noong Stephanie Gremolata-kemelatique pa lang siya, weley pumapansin sa kanya? It wasn’t  until nagpaka-Gaga siya with the outfit and wiglalu na ginibsungan siya ng time of day. Dito, bilang every girl Ally, waley rin siyang arrive sa movie. That is until tumuntong siya sa entablado at nangain ng mikropono. Even without the out of this world na outfits, ayun yung Gaga o!

Magaganda rin yung songs. Believable na maging hits dun sa kwento. Pwedeng maging hits in real life. Hindi ko sure kung kaya kong kantahin habang nakapila sa TODA dito sa may amin pero hummable…..if i could remember the lyrics and the tunes.

Bet ko rin yung shots ng live performances nila. Sabi pa, live singing raw yun. Bungga! Paano kaya nila shinoot yung mga paganap na concert? Parang hindi naman green screen yung audience, pero hungdami para humakot ng bayarang ekstra.Isinabay sa concert ni Gaga? Paano man nila naachieve, bet ko yung arrive.

Like ko rin na may-shout out ang Gaga to her gays who first recognized her talents before the rest of the world. Na thrill ako seeing Shangela Laquifa Watley at si Willam in a mainstream film. Si Willam parang sabog lang no? Si Shangela, pak, profeyshunel ang lola. boom-boom-boom.

Sabi ng iba, nakakajuyak raw yung ending ng movie. Ako parang hindi naman. Kasi nga hindi ko masyadong maintindihan yung mga pinag-iispluk nila.

Saka parang cinematically, kulang sa emotional heft. or baka naman yun ang gusto ng direktor, bakit ba ako nangingialam? Also naramdaman ko yung haba. Binubuo kasi yung performances ng mga kanta. buti na lang magaganda yung songs at yung shots. Pero ramdam ko pa rin yung inip.

If you are a Little Monster, of course must see ang movie na ito at hindi ko kayo mapupulaan. As a musician deserve ng lola ng accolade. As an actress, well…. sana forever Gaga na lang siya.

 

 

 

 

Advertisements

9 Comments

  1. Isinabay nila yung filming sa music festival and concerts kaya totoo ‘yung crowd. ‘Yung doggie, kay Bradley Cooper talaga in real life.  Hehe I loved the film. As usual, I loved this review. 

    https:/tiamanila.comhttps:/yaniwho.com 

    Like

  2. Hey, Sir Arlo. So parang may hawig sa storyline ng The Breakup Playlist ng Papa Pi natin at ni Sarah G.? Nweis, papanoorin ko talaga ito because Hollywood buzz is that big box-office hit daw ito eh. At syempre dahil sabi mo na ka-wet-wet si Bradley C dito. Ahahahahaha! Pero I swear if si Papa Pi ang ginawang nagmamantika ang hitsu sa TBUP or in any film, for that matter, gugustuhin ko na maging bawang at magtatampisaw ako sa nagmamantikang katawan niya. Ikaw din, I am sure. Aminin! Ahahahahaha!

    Like

  3. Btw, it seems you’re too busy of late dahil wala ka pang review ng Exes Baggage unless di mo po pinagkaabalahang panoorin.

    Looking forward din sa review mo ng First Love and those Cinema One Original movies currently showing na.

    🙂

    Like

  4. Actually ang ginawa ni Lady Gaga, nung naging headliner siya sa Coachella (replacing Beyonce), siya yung nagpabayad sa audience niya para makasali dun sa pag-shoot ng pelikula (pero lahat ng proceeds mapupunta sa Born this Way Foundation niya). May dalawang araw ata ‘yun at $100 ang entrance…sa pagkakatanda ko. Basta nasa Facebook niya ‘yun.

    Like

Leave a Reply to Arlo Lopez Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s