#KungPaanoSiyaNawala : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Pag nakasalubong ko ang director nito na si Joel Ruiz, tatampalin ko. Gagu eh. Nampapaiyak ng walang warning eh. Hindi ako prefeyred! Ayun tuloy, patapos na yung closing credits hindi pa kami makalabas ng jowa kasi di pa ako tapos magkrayola. Punyeta.

Next time direk, pag mgpapakiyak ka, magwarning! Saka bigyang mo naman kami ng time makarecover ng composure bago magbukas yung ilaw. Kalaki kong tao tapos ngumangalngal all 85 kilograms of me habang lights on na buong sine. Wag ganun.

Heyniweys pinupush ko talagang ilabas agad ang review’ng ituh para sabihin sa inyong catch it while you can bago maging huli ang lahat. Sad lang kasi hungganda ng movie tapos apat na pares lang kami sa loob ng sine: tatlong boy to boy pairs plus isang junjun at nene na nakaschool uniform, na sa nilawaklawak ng available space sa loob ng sinehan eh dun sa pinakataas at pinakagilid na kanto naupo. #alamnathis #momolituh

Dahil sa movie na ito i therefore conclude na though lovable si Angelica Panganiban sa That Thing Called Tadhana, si JM de Guzman ang truliling puso nung movie.  Itong movie ang proof, effortless si JM in making you fall in love with his own character, warts and all.

The movie opens with JM waking up in bed. Some strange girl’s bed, hindi kaya. Fuccboi ampotah.

Nijudge agad? Wahahah

Tapos look siya sa fezlak ng gurlinang nakachorvahan niya. Isang malaking who-you sa kanya ang fez. Ooops, time na mag-exit frame, babu gurl.

Gets ko un. We’ve all been there dabah? Yung dahil sa walwal at mood lighting eh nakakapag-takehome tayo ng jook-up na “acheche! who you ka?” ang itsu in the harsh morning light at dahil kumapit sa punda ng unan ang expertly applied foundation. Charot.

Infer kay JM, at dun sa gurl, wit naman pala fully ganun ang kaso. Have pala kasi si JM ng face-blindness which translates to witchikels siya makaremember ng fezlak. At hindi lang yung fezlak ng mga hi-hello ang wititit niya maremember. Maski na kung nakakemberan niya nung gabi, witchikel na niya maremember sa umaga.

so fuccboi nga. Nagpatakehome pa rin siya kay ate gurl. Sana all. Bekenemen… saan ba yan? weheheh

Akala ko eme-eme lang ng mga filmmakers yung faceblindness na yun… Achulee meron palang truliling medical condition na ganun. Teka i-google ko lang…

Ayun. Prosopagnosia raw tawag.

Pro…sog… no… face blindness na lang pwede?

It’s a neurological disorder raw characterized by the inability to recognize faces which is a result of abnormalities, damage or impairment of the right kemelatique kembular eklavu-eklavu….

Basta yun.

Sa kaso ni JM, hindi lang fezlak ng jook-up ang napuforget niya.  Shurpatid nga niyang tungril, nagpa-hair cut, wititit na niya  bigla makilala. Malamang sa Bruno’s nagpacutching, lakas makapogi dun promise.

At the height,  maski sarili fezlak niya wititit  niya matukoy sa isang grupo ng pictures.

Ganung kagravity ang sitwasyon pero ayaw ni kuyey na i-press release na have siya ng such an impairement dahil bawas pogi-point. Sa tingin niya yata mas keri nang mabrand siyang eut-then-forget na fuccboi kesa cutie na papi na may disability.  Ok fine. Gusto mo yan eh.

Achulee keri naman sa mga one-night-stands niya kasi one-night stand nga de ba? Kaso dahil wititit niya rin reveal ang kalagayan niya sa work, nagmumukha siyang asshole sa mga katrabaho nya. Yung cant be bothered na kilalanin ang katrabaho niya, ganun.

Pero kebs lang si kuyey, may sariling mudo. Ok naman siya bas suot niya ang noise-cancelling headset niya…. or so he thinks.

Enter the dragon kasi si Rhian Ramos bilang slightly pokpokinang party gurl, Within 5 minutes ng meet-cute nila, nilapchuk na ni ateng si kuyey. You read right, si ateng ang lumapchuk kay kuyey. Tapos may knee-jerk review pa nung lapchuk ni kuyey after. Keri l;ang raw. Chuchoosy ka pa talaga kay kuyey?

Anghaharaught ng mga tao sa lugar na ito huh! Saan ba sila tumatambay?! Masearch na sa Google Maps dali, lilipat ako.

True to form, maski bet na bet ni JM si Rhian, ayaw paawat ng faceblindness kemerut niya at naforget niya ang fez ni gurl. That of course led to some bruised ego. Syempre nga naman, nagmomol na nga sila in public tapos forgettable pa rin pala siya.

Pero iba siguro lumapchuk si Rhian.  JM felt he owed her an explation. Maski hindi labas-dila ang lapchukan nilatulad nung kay Angel Aquino at Tony Labrusca, JM decided to take a of faith leap at may-i-iconfess niya ang kanyang deep dark secret.

Sabel! this must be loooove!

Syempre sa umpisa, wititit bet maniwala ni gurl. Sabi niya, “What this?! Are you joking my leg?! What do you take me for? Granted?!” Ganern. May kinasapakat siyang ibang gurl to make panggap na siya, to see if JM was telling the truth. Wagi ang deception, hindi nga nakilala ni JM ang fez ng gurl. Eh kati-katera ang gurl, biglang nalapchuk si JM. Iba siguro yung tongue action or brand ng toothpaste ni gurl, ayun nabukayo ni JM na hindi ito talaga si Rhian. Turn naman ni JM umemote at magpadelight at Rhian to may suyo.

Equal oppurtunity ang movie na ito. Kung pwedeng magpadelight at magpasuyo ni Rhian, pwede rin si JM noh.

Given the personality differences nila, they are not to supposed to work out,  pero dahil anglakas ng dating nila sa isa’t-isa, fight lang. Si JM mula sa hindi makilala ang fez ni Rhian sa umpisa, naging nakikita si Rhian sa lahat ng fez ng girl na makita niya.

The movie sloooooowly tracks hte ups and down ng relationship ng dalawa revealing their flaws and various levels of broken-ness as individuals.

Truthfully, hungbagal niya, pero hindi insufferably slow naman. Keri lang. Well at least sa akin. Walang major histrionic moments yung mga liko ng relationship nila. Yung usapan nila sobrang natural i felt like a voyeur sa buhay nila. Walang quotable hugot quotes ang dialogue. Just a whirlwind ng premarital honeymoon tapos a loooong spiral descent leading to the for sure naka-ambang break up.

So yun na nga, nagpatong-patong yung mga rason kung bakit kailangan nilang maghiwalay. Tapos warla. Tapos, boom naghiwalay sila. Alsa-balutanRhian sa life ni JM. dahil sa sakit ni JM, mula sa pagdisappear ni Rhian sa actual life niya, unti-unti dumidisappear rin ito sa memory niya. Eh yun yung biggest fear niya, na when a person disppears from his life, nalilimutan niya ito pati na yung feelings na naramdaman niya for the person.

So ganun pala siya nawala. Sinagot yung title.

Feel na feel ko ang silent hinagpis ni JM dito. Yung feeling na it was the happiest you have been in your whole life tapos when it ends, ni memory walang matitira sa iyo kasi nga wala kang mukhang pag-aangklahan ng memory. Paano na? Kapit JM!

Sa pagkalanguid ng pacing ng movie,may time ako i-ready ang sarili ko na pak syet,  sad indie film ending ito. Pero pohtahng ina, pagdating nung closing scene, hindi pa rin ako sufficiently prepared, nyetah! Namanipulate nang bonggang bongga ang emotions ko and when the trigger was pulled, ngalngal galore akesh. Ansakit na ansarap kasi swak eh.

Para dun sa mga nakakaramdam na ng suya sa formulaic quotable-quote riddled, hugotable romcom, Kung Paano Siya Nawala is for us. Oo kasali ako.  Maganda ang soundtrack, wala si Moira. The support was superb, from the officmates, to the tungs na kapatid, to Agot bilang flaky mudrakel pati na si Ricky Davao bilang si Ricky Davao. Hung-meta ng twist na yun deba. Hunggagu nung writer.

Speaking of, kaelibs angg writing nila Aloy Adlawan and Juel Ruiz ulit, kasi may characters rin yung mga tao sa paligid nila, hindi mga flowervase lang. At yung subplot ng supports, nakatahi pa rin sa pagkatao nina Rhian at JM. Clap-clap-clap.

+1 ang LGBTQ element na tungs ang sisteret ni JM presented without fanfare but not whitewashed either.

Truly magaling si Rhian dito pero JM was simply magnificent. Ramdam ko siya. Lerd, pag hindi siya binigyan ng recognition ataward for this, ibibili ko siya sa Recto ng trophy, lima.

Wag hayaang mawala sa sine nang hindi napapanood ang Kung Paano Siya Nawala.

Advertisements

9 Comments

  1. Pass po ako dito dahil ayoko muna ng heavy on emotions; unless you tell me me na maraming breast er, I mean chest exposure si JM sa movie. Ahahahahaha!

    Crush ko din ang mamang ito eh na may super sexy pigeon chest; maybe because of his resemblance with my other labs, the legendary phallic hero na si John Estrada. Ahahahahaha#

    Like

    1. sabi nga rin ng jowa kahawig raw, pero mas JM ako. if i remember may pautong siya dito nang very light hahaha. Pero ilalaban ko ng mukhaan si JM and close up kung close up siya dito. busog na ako dun hehehe

      Like

      1. So it’s the face that can launch a gazillion of Big O_______s ang peg? Ahahahahaha! Maybe. Maybe.

        Though nothing beats Papa P’s close-up in that Bench summer ad campaign vid where he seemed to be in one BIG O himself! Grabe, lagi ko binabalik-balkan yun sa YT till now. As in I just did secs ago. Ahahahahaha!

        Like

  2. Hi, Sir Arlo! How are ya?

    Buti ka pa po alam mo Kung Paano Sya Nawala. Eh ako, di ko po alam Bakit Ka Nawawala. I miss your film reviews and laughing to them po. Huhuhuhu! 😦

    ‘Hope you’re okay and that you get back your groove writing them soonest.

    Your No. 1 Fan,
    Ram Brillantes-Pascual

    Like

Leave a Reply to Ram Brillantes Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s