#BornBeautiful : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Happy Nu Nyear!!!

So eto na ang unang entry ng 2019.

Dedmahin niyo na lang yung fact na 48 years akong walang bagong post dahil… uhm… dahil… uhm… wala. Tamad ako. Wala akong kwentang blogger, ganun.

Honestly hindi kasi ako nagpapanood ng sine since late last year. Though ramdam ko rin yung diappointment ng mga moviebuffs sa list ng movies sa MMFF2018 hindi naman ako nagboycott. Yung lang, ang una kong napanood ay yung Vice at yung kay Bossing. Ganahan ka pa bang magreview? Wititit na de ba? Might as well na magkuyakoy na lang sa balur at hayaang lunurin ng putukan ng new year ang ala-ala nila.

Which brings me to Born Beautiful, my first movie of 2019 na idinayo ko pa sa UP Film Center. Box office hit ang pila sa labas. Standing room sa loob. Feeling ko kung may nagpasabog ng UPFC that night, isang buong generasyon ng baklang millenials ang matitigok.

Kasi naman ipinagkalandakang may Uncut Version na ipapalabas. Haaay! Uncut version! Yung version na na-X! Syempre nanginig ang kalamnan ng sangkabaklaan. Imagine sa trailer pa lang may pina-sight nang ganap na lapchukan between Martin del Rosario with Kiko Matos and with Akihiro Blanco so anu pa ang mas kaputol-putol na eksena?

May pasilip na ba junjun na supposedly ay nagawa naman ni ni Kiko?  May exposure ng black pearl ni Martin? May pinasight na true to life na pagpangos ng notary public ni Akihiro?

Spoiler Alert. Waley. None of the above. Mga paasa! Hmpf.

Born Beautiful ay sequel ng Die Beautiful, isa sa critical at box-office hits ng much-missed 2016 MMFF, yung year na hindi naging masyadong ganid sa datung ang organizers.

Since nashigokchina si Trisha, and bida sa Die Beautiful played by Paolo Ballesteros, this time around, si BFF Barbs na ang bida. Spoiler, hindi siya namatay dito. Pero nag-iba ang itsu niya. Instead of Christian Bables kasi, si Martin del Rosario na ang nagtake-over bilang Barbs.

Simple lang ang takbo ng eksena, traumatized si Barb sa pagkadeds ni Trisha pero maganda siya. Nananaginip syang nagbabalik-loob upang maging…. hwarrrk… lukurki. Lulurking may suso. Nagising siya. Maganda pa rin siya. Nagtrain siya ng mga bacclang hindi kasing ganda niya. Nagemyas siya ng patay pagkatapos sasagala siya. Maganda pa rin siya. Tinamaan ng kidlat ang bacclet na tinitrain niya. Umpapir si Kiko. Nilaplap siya ni Kiko tapos binoogiewonderland siya. Boom ayaw na niyang maging beki. Kinatching niya ang hairlilet niya. Maganda pa rin siya.

Cut to, gora si Barbs sa coversion therapy camp keme. Bihis lalaki pero maganda pa rin siya. Dinala sila sa beerhouse. Kinember siya ni Chai.  Hindi siya natuwa. Bumalik sila sa camp. Kemember sya ni pastor. Lalong hindi siya natuwa. Umescape siya sa camp. Napick up siya ni Akihiro. Kumain siya ng fishball. Maganda na ulit siya.

May asawa’t anak si Aki. Umiwas si Barbs. Hinabolhabol siya ni Aki. Keri lang magshare ng blessings ang wifey ni Aki. Eh di go. Ganda ni Barbs eh.

Umapir ulit si Kiko. Si Barbs ang pinili over sa wifey niya. Waley nang boogiewonderland, lapchukan na lang sa gitna ng carinderia. Eh di go! Ganda ni Barbs eh.

Pinagsabay ni Barbs jowain sina Kiko at Aki. Kinangkang siya sa tricycle. Kinangkang siya sa taxi. Kinangkang siya sa tricycle. Kinangkang siya sa taxi. Kinangkang siya sa tricycle. Kinangkang siya sa tazi. Kangkang montage ituh pasensiya na.

Maganda kasi si Barbs…. at makati.

Pero ninenega ng mga baccla ang trip ni Barbs. Dapat raw pumili lang siya ng isa. Namamatay malamang sa inggit ang mga baccla. Hindi kasi sila kasingganda ni Barbs.

Sumali ng beaucon si Barbs. Nagpanggabot si Aki at Kiko. Pinag-awayan nila si Barbs. Ganda na ni Barbs, haba pa hair niya.

Umapir si Chai. Jonteld raw siya, si Barbs ang ama. Maganda si Barbs, pero malapot rin ang shomod niya.

Moremore away si Kiko at Aki. Magpapabort na lang si Chai. Hinila niya si Barbs. Naabort ang pag-apapaabort. Umapir si Paolo as Virgin Mary. Kinyompal siya ni Virgin Pao, not once but twice para mas feel.

Umuwi si Barbs. Foursome sila ni Chai, Aki at Kiko sa banig. Agawan pa rin sina Kiko at Aki sa pagdantay kay Barbs. Echepwera si Chai. Hungganda ni Barbs.  The End.

Ganun.

So eto yung review. There are several challenges facing Born B. Una, ubos-biyaya sa patawa ang Die B as in parang lahat yata ng liko beki beauconera elements inexplore na nila. so saan nila dadalhin ang Born B?

Two, sa Die B, si Trisha may Barbs, sa Born B, si Barbs walang solid na kabatuhan.  Basically hati sina Paolo at Christian para patayuin ang Die B. Sa Born B halos solo flight si Martin. Umappear naman Pao dito bilang mumu ni Trisha, at infair may chemistry sila ni Martin, pero two scene cannot fully hold up the whole movie.

Three, sobrang iconic ng performance ni Christian as Barbs so effort talaga for the viewer not to compare ang performance ni Martin. Not to say na kulang ang effort ni Martin. Au contraire, bigay na bigay na eh. As in! Feel na feel! Walang pag-iimbot at buong katapatang performance nga eh. So by the middle of the movie, tanggap nang, ah siya nga si Barbs.

Four, very very episodic ang mga ganap. Unlike DieB which was concieved as a full-blown movie, BornB was initially a TV series raw muna dapat tapos they decided na buuin yung first 5 eps into one movie. Medyo hilaw tuloy ang character development ng lahat. Hindi naman masama pero kung baga sa damit kita mo yung tahi at obvious na separates sila.

Five, the conversion therapy section ng movie. Alam ko integral ito sa story arc ni Barbs pero, executionwise it stuck out like a sore thumb. I would be happy without it.

Now for the Good.

BornB delivered the laughs. They revisited the punerarya humor that worked the first time then pushed it a bit further. Panalo yung Lady Gaga gag pati na yung buong sagalang baklang kinidlatan sequence.

Morbid humor worked really really well for me. I’m not well.

Lou Veloso. Hunggaling-galing-galing ng pohtah dito. Much better here than sa DieB actually. On point delivery ng linya. Nyetah. Yun lang. Nyeta with an H talaga.

Martin del Rosario. Committment. At hungganda ng pohtah pag nakamujer. Babayi ka gurl, babayi!

Ang lapchukan ni Martin with Kiko at with Akihiro. Take no prisoner tongue action. Tony Labruca level ng laplap. Syerep. Yung lapchukan niya with Chai Fonacier… erase-erase-erase.

Paolo Ballesteros.  She. Owns. It. Sorry pero she owns the Die/Born franchise. Dalawang eksena lang siya at parehong shutangina ang dating. At remember patay na ang character niya in both movie nun huh.

All in all, mas nakakatawa ang DieB over BornB at mas solid ito as a movie. Pero mas matapang ang BornB sa pagpush ng envelope ng comedy at usapin ng relasyon, gender, gender identity at basic humanity. Worth pa rin panoorin, manage your expectations lang.

 

 

 

Advertisements

2 Comments

  1. Sobrang na-appreciate ko yung scene na gutom na gutom na kumakain si Martin ng fishball/kwekwek/calamares habang tumutulo ang luha. Napa-slow clap with matching iling-iling ako. Kudos to Martin.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s