#HanggangKailan : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Hanggang Kailan, also known as Humanap Tayo Ng Magagandang Spot Sa Japan Tapos Jumiyak Tayo.

Nang Pajulit-julit.

Cryola nang cryola si atey kasi sa ng selfies nila, laging mas beautious si kuyey kesa kay atey.

Charot.

Ganito ang kwento. Nagtrip of a lifetime sa Japan ang magjowang Xian Lim at Louise delos Reyes. Ayy teka, witchikels pala legally magjowa yung dalawa kasi shuberts lang ni Xian si Louise dahil *spoiler* may ibang legal gf si Xian.

At *another spoiler* alam ni Louise na sidepiece lang siya ni Xian pero humaharaught pa rin siya sa otoko kasi humohopia siya na somewhere down the line, maiisipan ni Xian na siya ang piliin.

Gurl.

Guuurl.

Guuuuuuurl.

Asa ka.

Gf pa lang yung karelasyon ni Xian, hindi pa asawa pero ayaw niya itung hiwalayan for you. Walang legal impediment kung trualgen na bet niyang hiwalayan yung gf in your favor. The truth is, ayaw niya dahil pagsidepiece ka lang.

Paala lang ang hitod!

The fact na minaintain ka niya bilang option doesn’t mean na mahal ka niya. It only mean he considers you a cherished caladryll… mahalagang pang-alis kati.

Hungbongga mo lang siguro kumopas underwater sa hot spring o humelicopter sa tatami mat kaya nahahaling siya sa iyo pero kung bet ka niyang gawing legal, matagal na niyang ginawa. But why buy the cow when you can taste the milk for free.

Kaya feeling ko yung emote ni Louise na tired na siya at bet na niyang tapusin ang relasyon with matching tears was more act of desperation that actual despair. Nang-e-emotional blackmail ka ‘teh, rather than gumigive up. Humohopia kang mashushokot si Xian at finally ditch the legal gf kaya ka nag-alok ng final na hiwalayan.

Kaso ang sagot ni Xian eh,  “Ok fine”. Ayun. The End.

Charot. HIndi pa.  May ganap pang further jongkangan, harutan tapos a series of maluhang paalamanan in various scenic places baka sakaling sa ibang venue bumigay si Xian.

Or masyado nag-enjoy si Louise na mag-break-up sa magagandang spot so she decided na julit-julitin ang hiwalayan at maluhang paalamanan sa lahat ng pupuntahan nilang tourist landmarks thereafter. Unli-break-up ‘lang ang peg? Try and try until you succeed?

Or may binibenta Break-Up Destination Package ang Japan Tourism Board para sa mga millennnial couples. Yung pwede silang nagsi-selfie after each break-up para may #webrokeuphere post sila sa social media account nila.  Mga pukengkeng nafamewhores, charot.

 

Problem ko sa movie was never nag-escalate ang dahilan ng break-up nila sa each stop. Iisa lang ang dahilan, at early on in the movie na-establish na ito at panahon na para tapusin ang relasyon. At tapusin ang relasyon. At tapusin ang relasyon. At tapusin ang relasyon.

Yun yata yung Hanggang Kailan sa title. as in hanggang kailan sila maggu-goodbye-yan? Nahiya naman sa inyo ang  Walang Hanggang Paalam ni Joey Ayala. Charot.

Given that, what kept me in my seat were the actors performance. In fairness, Louise and Xian were both engaging as the star-crossed lovers. Louise drives the drama and Xian wisely just reacts sa kung ano ang binabato ni Louise.

I must admit, this is the best performance i’ve seen Xian deliver, which is not saying much since this is also the only competent perfomance i’ve seen Xian deliver.

Sige na nga, I never thought i would utter this sentence but….. Xian was more than competent. *gag* It was actually a *gag* good performance, and not a six-pack abs in sight.

*faints*

Sorry, nahilo ako. Hindi ako sanay giving Xian a good review eh.

Ayyy! saka kumanta siya dito. Wala namang naitulong sa kwento, humaba lang ang running time saka naipaalam sa ating kumakanta siya. Yun lang.

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s