#AloneTogether : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Written and directed by Antoinette Jadaone. Aba, excited ako dyan!

Starring Liza Soberano. Pak, excited ako dyan!

With Enrique Gil. Grabe, excited akong mapanood si Liza Soberano directed by Antoinette Jadaone!

Ganun. Char.

But after seeing Alone/Together i must say….

Hindi naman nagbago ang pananaw ko. Ganun talaga. #sorryaboutit

Trailer pa lang hunglakas na ng dating ng movie na ituh. Hunglakas makanostalgia nung clip sa bench sa UP sunken garden maski na hindi ako UP alumnus.

Trailer pa lang kita mo na ang bonggang effort ng makeup and special efects team para pagmukhaing ordinaryong mortal si Liza Soberano na nag-u-oily ang fez at tinutubuan ng pimples sa noo dahil alam nating lahat na sa totoong buhay isang freak of nature si Liza na ipinanganak na walang skin pores.

At trailer pa lang ramdam mo na ang hamon sa acting Enrique. Hamon hindi ha-mon huh. as in yung left over noong pasko na tinadtad para maging ham sandwich spread.

In fairness kay Enrique, hindi simpleng idemonstrate ang ham acting  sa loob ng 3 second clip pero naachieve niya yan sa trailer pa lang. Brava!

At hungganda ng poster. Nagkaroon tuloy ako ng expectation.

Ayun.

Alone/Together. Expectation/Reality

Ang kwento kasi, tour guide sa National Museum si Liza. Habang humahanash si ateng sa tour group niya sa harap ng Spoliarium ni Juan Luna, umepal si kuyey Enrique. Moral of the lesson, kailangang umepal para may meet-cute.

Also, asenso na huh? May budget na ang movies ni Antoinette para bayaran ang rights ng Eheads song.

We learn na idealistic na iskolar ng bayan is Liza sa UP. Kumakain sya ni fishball. Sumasakay siya ng UP-ikot at hinihintuan ng jeep sa harap ng Palma Hall maski na hindi yun jeepney stop. Maganda kasi si atey maski na oily siya. eh di ikaw nah.

Mayroon ring pangarap si Liza to change the world. Ambisyosang frog si Liza. May mentoring teacher siya in Noni Buencamino. May supportive nanay siya in Sylvia Sanchez. Kaya niyang magmaintain ng jowang nilalapchuk niya sa gitna ng lantern parade and still graduated with honors.

Dami nating alam kay Liza.

Si Enrique naman nalaman nating med stude dahil sa ill-fitting uniform niya.

Wa natin knows kung may pamilya siya o singaw lang. Ni hindi natin alam kung saang school siya pumapasok kasi lagi lang siyang nakikita either sa UP o sa National Museum. Hindi siya busy.

Waley tayong alam nor care sa trials and tribulations ni kuyey bukod sa chakang comb-over hair style niya at may talent siyang magmukhang lousy sa med stude uniform na usually eh hunglakas maka-yummy.

Walang pakialaman ang movie sa backstory ni Enrique. Focus lang tayo kay Liza.

Hindi ko naman sila masisi. Dun tayo sa may potential for growth syempre.

Fast-forward five years later. Hindi na oily si Liza. In the interim, nadiscover niya ang oil-botting paper, face powder at ang pakak na shade ng lipstick for her skin tone.

Hindi na rin sila ni Enrique. Meron nang ibang jowa si Liza in the actor formerly known as Luis Alandy. Wititit na driven achiever si Liza. Secretary cum gf cum doormat si Liza sa more successful jowa.

To be clear, hindi kasal sina Liza at jowa. Dapat klaro yan kasi magkakadaupang-palad pa ulit sina LizQuen and it won’t be adultery. Bad yun.

Kung merong meet-cute sina LizQuen sa simula, merong naman silang remeet-harot sa gitna.

Award-winning socially involved doctor to the barrios na si Enrique na chaka pa rin magdala ng damit. May ibang  may jowa na rin si Enrique in the person of Jasmin Curtis-Smith na basically eh gumagalaw na flower vase sa movie. Kung walang pake ang movie sa backstory ni Enrique, mas lalo na kay Jasmin. Basta nandun lang siya to serve her purpose.

Also, hindi  rin kasal sina Enrique at jowa so walang adultery’ng ganap.

After ng remeet-harot, muling nabuhay ang damdamin nila sa isa’t-isa na di naman talaga namatay, kundi nasikil lang ng mga pangyayari at pagkakataon.

Naks.

Dahil sa muling pagtatagpo, unti-unti ring nagising ang mga personal na pangarap ni Liza para sa sarili, to make an impact in other people’s lives. Yun, saka yung makapag-umoutfit siya sa streets of New York.

Sinundan siya ni Enrique sa NYC for some Central Park lambuchingan. Apparently, afford ni Doc Enrique magbuy ng ora-oradang ticket to NYC pero wala siyang budget to buy more stylish outfit and footwear for fall in New York. Juskolored those shoes.

Hello 911? Fashion emergency, may boylet pong nangangailangan ng styling intervention!! Code red! That jacket! Those shoes!!!

Sa tabi ni Liza na appropriately lipsticked and impeccably dressed for fall, Enrique is serving Homeless Person in New York City realness. Semi-charot! Well at least, sige na nga, Nuyok!

As a movie and a story, pinakikita ni Antoinette ang growth niya as a writer and as a director. With Alone/Together, parang tinutuloy ni Antoinette ang sinimulan niya sa Never Not Love You na pag-move away from her funny-funky romcoms and into female empowering genre.

Though broader ang scope ng female empowerment ng “Alone…”, i feel na stronger pa rin ang “Never…” as a movie. Hanggang ngayon clapey pa rin ako sa tension-filled na huling eksena nina JaDine sa kotse where witchikels mo alam kung saan pupunta ang relasyon nila. Very organic yung pagdrift apart nila. Para ngang mas apt ang title na Alone/Together  dun lalo sa because of that scene where finally they physically together pero tat the same time emotional alone na sila.

Sa Alone/Together naman, *Spoiler Alert.* happier ang ending nina LizQuen pero i felt na it was unearned and unnecessary. Solid na sana eh. The cop-out ending definitely detracted sa impact ng movie. Sayang.

Also, hungstrong nina James Reid at Nadine Lustre as a tandem na di nareach ng LizQuen. Though feeling ko Liza can be a better actress at more watchable in the long run than Nadine, hobbled si Liza by Enrique’s acting na acting na banat. Kuyey may value ang kasabihang “less is more” . Nagwork siya kay Xian Lim, bekenemen megwerk sa iyo. Try lang.

At please, pakitapon na those shoes.

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s