#Ulan : #TheKneeJerkCritic Movie Review

Nung nakita ko ang poster ng Ulan featuring Carlo Aquino at Nadine Lustre, una kong tanong was “Bakit Ulan?

Parang hindi ko naman kasi naramdaman yung ulan. Mas naramdaman ko “Pawis”, Si Carlo mamasa-masa, take note hindi -basang-basa huh, mamasa-masa lang, parang galing basketball lang. Tapos pupunasan siya ni Nadine gamit yung mantel ng poon galing sa lumang bahay nila. Ganern.

After seeing the movie, gets ko naman na. Ulan effect ba kamo? Ayyy marami tayo niyan. Sakto lang sa water shortage.

So ganito ang kwento. Low-key single gurl si Nadine na may isyu sa ulan. Tuwing umuulan kasi, inaalat ang lovelife niya. Grade 1 palang kasi siya, malaking hadlang ang lola niya sa una sana niyang rain-drenched moment with her crushie. Buraot si lola huh. Hmpf.

All-around negatron si lola achulee. Sabihin ba namang parusa raw ng langit ang ulan, especially sa mga naglalaba at nagkukula.

Hmmm, kunsabagay parang may puntos. ‘K fine.

Isang araw naman umulan habang umaaraw, say ng  lola, may kinakasal raw na tikbalang at kaya raw umuulan ay may- i-object ang langit sa lovelife na elementals. Talaga lang?

Lola may problema ba tayo sa mga lamang-lupa? Bakit sobrang nega ka? Katarungan para sa uring tikbalang! Katarungan!

Charot.

Meanwhile special gurl si Nadine, may talent na mang-gatecrash ng actual kasal ng tikbalang. Either that o jogets pa tumitira na ng jutes si nene.

Whatever the case, hindi naman big event yung kasal na naattendan ni gurl-Nadine ang present lang was yung bride tikbalang, groom tikbalang at officiating tikbalang. Wala silang best man na Kapre o bridesmaid na mananaggal. Sila-sila lang. Secret tiklabang wedding lang siguro. Malamang dyontild na si ate tikbalang, nagdadalang-kabayo, 5 months na kaya hindi na nakaprepare. Char.

Anyway, so ayun, nung nagdalaga si gurl, dala-dala niya nung pagkajudmental ni lola laban sa tikbalangs in love at sa ulan.

Hindi nakatulong na umuulan nung nalaman niyang may jowa at junakis na yung lulurking hinohopia niya played by AJ Muhlach.

On the rebound nagkajowa naman si Nadine gurl ng iba. Marco Gumabao level. Hindi na ako choosy diyan. Kaso jumujulan rin nung umapir yung pohtahng merlat na aagaw sa sa bago niyang jowa, si Kylie Versoza. Uhm, parang walang kinalaman ang julan diyan.  Kylie Verzosa in mini-skirt ang kalaban mo. Galawang pang-Miss International. Magconcede ka na lang ate.

After that, suko na si Nadine sa lovelife. Kaso umapir ang Carlo Aquino sa eksena with rain plus wind effect. Mag-iinarte ka pa ba? Ako hindi na, pero si ate gurl nagpadelight nang slight. Pagbibigyan na ba ng PAG-ASA ang lovelife ni ategurl? Huwell ayokong magspoiler pero hindi lang bastaumulan.

Bumagyo siya ‘neng! With matching pabaha and raging river kemerut.

Anuvey?! Aksaya ng water yan huh?! Ayaw ng MWSS. Charot.

All in all, malinis ang pagkakagawa ng movie, though honestly, i wanted to like it more than i actually did. Gusto ko yung kwento. Walang over-explanation, basta ganun lang, may mga tikbalang na kinakasal, giant eggs na basag, personified na bagyo na naka-terno.

Somehow direk Irene Villamor also made magic realism work. Hindi siya pilit. Akala ko chachakahin ko yung stylized papier mache na tikbalang heads. Pero actually keri siya. Baka mas chaka lumabas kung nag-eefort sila gawing ultra-realistic yung tikbalang pero hindi naachieve. Dito sakto lang kasi POV naman siya ng bata eh.

The movie could be more judicious sa musical scoring though. Althroughout puro emote-emote yung scoring eh minsan comical yung situation or rumoromcom yung linyahan. May disconnect. Listening to the dialogue, meron namang variety ng intensity sa mga eksena, kaso continuous ang paemote na music, naging monotonous tuloy. Wala akong emotional rollercoaster na naramdaman.

May problema  rin ako dun beki friend character. Hindi ko alam kung kailangan lang nilang gibsungan ng trabaho si Jef Elizalde or or they they were trying to play against type pero wititit siya nagwork. Keri namang couturier na beking bato si Gay BFF pero here miscasting talaga. Waley. Sorry not sorry.

Mas malaki ang problema ko sa Bossing na DOM character played by Leo Martinez. Sobrang throwback ng character na ito. Hindi siya in touch sa social climate. Alam ko it was supposed to be funny pero yung mga linya niya are cannot be considered na jokes ngayon, they’re are grounds for sexual harrassment. Sa true to life, HR o subpoena na yan.

On the plus side, bet ko yung eksena na superhiwa si Nadine ng sanrekwang sibuyas kasi gusto niya nang ubusin ang luha niya Channeling Ariana Grande ala no tears left to cry.  I know, Sobrang gasgas na yung eksenahang umiiyak habang naghihiwa ng sibuyas pero dito, nabigyan yung gag ng bagong twist saka may meaning siya sa pinagdaraanan ni Nadine at that point.

Best scene sa akin was yung nakaupo lang sina Carlo at Nadine sa bench. Bula lang nang bula si Nadine, parang stream of consciousness. It was so natural. Surprise sa akin si Nadine. Honestly akala ko fluke yung performance niya sa Never Not Love You at malaking salamat lang kay Antoinette Jadaone. Wrong-wrong-wrong! May naturalesa ang merlat! Who would have thought?! Clapclapclap!

Sakto lang si Carlo, mas gusto ko siya dito kaysa sa Exes Baggages nila ni Angelica Panganiban last year. Best scene niya for me was yung sa may puno tapos jumujulan  tapos kita mo yung inner struggle niya kasi bet na bet na niyang lapchukin si Nadine. Kileeeg.

Hindi ko man napaulanan ng praises ang movie, rest assured marami namang paambon ng good moments dito. So keri na. Wit sayang ang datril.

 

 

Advertisements

1 Comment

  1. I have to say that I regret not having seen this film after reading your review. 😦

    I miss your reviews, Sir Arlo. As in sobra. Antagal ko na kasing hindi tumatawa nang malakas nang nag-iisa. Ahahahahaha!

    ‘Hope you’re okay. 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s