Search

The Knee-Jerk Critic

hanash na unfiltered

#TKJCMOVIEREVIEW : #SmallerAndSmallerCircles

In fairness, Smaller And Smaller Circles turned out way much better than i expected it would be when i first saw the trailer. I was not expecting much. Hindi naman chaka yung trailer pero maraming beses na akong naburn ng... Continue Reading →

Advertisements

#TKJCMovieReview : #AngLarawan

#tkjcmovie review #anglarawan This movie is the film adaptation of the 1997 stage musical of the same title, translation and lyrics by the late National Artist Rolando Tonio and music by Ryan Cayabyab.  Kamusta naman ang pedigree de ba? So sa daming naging incarnations ng Portrait Of An Artist As A Filipino, siguro naman by this time pamilyar na kayo kung ano ang takbo ng kwento. Hindi? Mga walang kulturah! Go stand in the corner! Charot lang.

#TKJCMOVIEREVIEW: #UnexpectedlyYours

#TKJCMovieReview #UnexpectedlyYours Para sa mga fans nina Sharon at Robin. Despite the concessions given Sharon and Robin's age, the movie still played like the ShaBin movies of old.The bargas masa Robin rubs the Highborn Sharon the wrong way from the very first moment of their meet-cute but falls for each other in the end.  Meet-cute pa rin ba tawag pag singkwenta-anyos na yung mga bida? Geria-meet-cute pwede? Charot lang.

TKJC MOVIE REVIEW: #Coco

#tkjcmoviereview #coco Kailangang itago ni Miguel ang hilig niya for music at pinipilit siya ng mga kapamilya niya na sumunod at maging sapatero rin. Ang tanong, dapat ba siyang sumunod sa kagustuhan ng mga taong nagpalaki at nagpapalamon sa kanya? O sundin niya ang sariling gusto,  kebs na maging suwail at walang utang na loob? Charot. Of course hindi ganun ang presentation sa movie. Depende lang sa POV yan..

TKJC MOVIE REVIEW: Justice League

Keri naman yung movie.  Managed expectation lang. Gusto ko lang makita ang mga favorite superheroes ko mag-interact in live action and some bonggang special effects. Nadeliver naman. Nag-enjoy naman ako i think. Kaya ayoko nang busisiin much kasi baka pag inukilkil ko, ma-realize ko na hindi ko pala nagustuhan.  May tendency kasi  akong ganun. I'm not well. Eto lang napansin ko: (hanash follows)

THE KNEE JERK CRITIC MOVIE REVIEW: CINEMA ONE ORIGINALS 2017: Changing Partners

#tkjc #cinemaoneoriginals #changingpartners Sa opening sequence nakita ko si Agot Isidro na naka-bangs, career woman may stay-at-home na boylet in Sandino Martin. Cougar lang ang peg. Loving-loving sila, pero may namumuong problema. Paano ko nalaman? Ikinanta ni Agot ang feelings niya habang umeemote. Cut to Jojit Lorenzo naman in a different house. Siya naman, older guy na may jowang girlilet, si Ana Luna. Anyways, ikinanta rin ni Jojit ang feelings niya because it is that kind of movie. Balik ang eksena kay Agot, pero iba na yung lighting at waley na ang bangs niya.  Tapos ang jowakels niya... ayyy girlilet na,  Anu itu? Nalito ako. Flashback? Bisexual ba si Agot? At yung jowa niyan gel, di ba yun yung jowa rin ni Jojit kanina? Anyareh? Sumakit ang bangs ko.

THE KNEEJERK CRITIC MOVIE REVIEW: CINEMA ONE ORIGINALS 2017: Si Chedeng At Si Apple

Sa movie, La O and Miss U are women already at the autumn of their live. Autumn of their discontent. Autumn na hindi  early September lang ha. Autumn na bandang late November na. Yung bang nasa kabilang kanto si Winter, kumakaway. Ang kwento, wititit na masaya ang dalawang lola sa buhay nila. Si La O kasi binubooggie wonderland ng sadista niyang 4th jowa. si Miss U empty nester saddled with an invalid husband. Feeling nila, they are trapped. Tinitiis na lang nila pero at puno na ang salop. They want out of their rut! They believe na ang respective na  jowawers nila ang major-major na balakid para makakawala sa hawla nila at nandun na sila sa puntong "ikaw ang balakid? pwes syutayin kita!" Ganern.

THE KNEEJERK CRITIC MOVIE REVIEW: Bad Genius

Punyeta, paano nila naachieve ito?!! Naimagine ko lang yung pitching session: Tara gawa tayo movie tungkol sa mga estudyanteng nandadaya sa exam! Ang highlight ng movie eh mga eksena na na sumasagot sila ng test paper! Hung-exciting nun de ba?... Continue Reading →

THE KNEEJERK CRITIC MOVIE REVIEW: #QCINEMA 2017: The Write Moment

  May mga fez na mahal ng camera at kering-keri ang extreme close up sa big screen... ... at meron hindi. Sorry naman. Yun lang naman. Sorry. Sorry talaga, pero nawawala ako sa moment ng eksena sa The Write Moment pag biglang nag-i-extreme close-up ang fez si Jerald Napoles on screen. Hindi ko keri. Mababawbaw na kung mababaw at sorry NIkki Minaj, pero nababother talaga ako sa major bumburumbumbass sa face ni Jerald when projected, magnified and seen up close. That.Up.Close. Feeling ko mahuhulog ako sa loob, or at the very least matatalisod ako. Oo, ako na ang maganda, ako na ang perfect! Hiyang-hiya naman kayo sa ganda ko. Charot. Sorry ulit.

THE KNEEJERK CRITIC MOVIE REVIEW: Ghost Bride

Hapon kami nanood ng Ghost Bride ni jowa. Ayaw niya na last full show kasi baka hindi raw siya makatulog. As it turned out, sa sine pa lang borlog na si jowa. Akala ko nagsusumiksik sa takot, kumukuha lang pala... Continue Reading →

THE KNEEJERK CRITIC EXPRESS: Ghost Bride

Matapos manood ng "Ghost Bride", parang hind makakatulog si jowa ngayong gabi...   ...kasi nakatulog na siya sa sine. Bwahaha

THE KNEEJERK CRITIC MOVIE REVIEW: Last Night

TKJC: #LastNight...Ang feeling ko, nung unang nabasa ni Bb Joyce yung script, sabi niya sa sarili niya, "Hmmm.... bawiin na lang natin sa visuals." Ni hindi nakaya ng pagpapakita niya ng abs na iangat yung kwento. Umabot na nga sa punto na may pajutong pa nga si Papa P eh. Maginaw siguro sa set, kasi amperky ng nips ni kuya! Kung 3D ang movie lulutang sa screen yung perkiness. Nagpalit ng shirt at pants in full frontal na walang dahilan bukod sa sumpa nga ni Bb Joyce na babawiin na lang sa visuals sa visuals. Ito yun.

Blog at WordPress.com.

Up ↑