Nung nabalitaan ko months ago na may movie si Jerrold Tarod starring Iza Calzado and Ian Veneracion ang una kong naisip eh, ” Uleeet?!!! After Ilawod?!! sina Iza at Ian na ba ang official horror-thriller love team? May ganun ba?”

 

At nung nalaman ko na ang title ng movie ay #Bliss,napaisip ako na, “Ayyy bongga! Horror movie set sa iconic tenement project ni La Imeldific circa Bagong Lipunan days. UP Bliss kaya o sa yung sa likod ng SM North?”

 

*cricket sound

 

Teka, knowsline niyo ba yung Bliss na sinasabi ko?  Bongga siyang multi-level housing project na may pa-tisa yung bubong na ibang-iba sa mga kahon ng sapatos that they call low-cost housing nowadays. May character. Tropical ang architecture. Multi-level pero may community feel. It lends itself well to the horror genre, yung maraming pasilyo and dark corners at slightly delapidated due to age and use.

 

Honestly, noon pa, pangarap ko nang magkaroon sana ng unit sa Bliss. Yun na yung peak ng pangarap ko sa tirahan, government-sponsored tenement. Dukha nga kasi. . Ewan ko, basta may appeal siya sa akin.

 

which leads us to nowhere dahil sa hinabahaba ng hanash ko, wala palang konek dun yung movie, ibang Bliss pala leche.Nabukayo lang ang idad ko dahil wala akong kilalang millennial ngayon na alam kung ano yung Bliss housing.

 

So what do i think of the movie?

 

Parang nagustuhan ko naman siya, pero hindi ako sure kung sure ako. Alam niyo yung feeling? Bilib ako sa shots, clever yung variations ng repeating scenes. Maayos naman ang acting. Hungganda ni Iza mas natatakot. May chemistry sila Ian. Balbon si TJ Trinidad.  Pero… yun na ‘yon? Hindi nagkita yung movie at yung expectations ko.

 

For the most part, i try to enter cinemas without much expectations para fair sa movie’ng papanoorin ko.  Kaso given the controversy ng pagkaka-X ng Bliss from the MTRCBand the resulting online push, medyo imposible itong mangyari.

 

(Sidebar: Dear MTRCB, pepe lang yun. Tulog na pepe. Hindi nakanganga, hindi nakangiwi, walang ngipin. Wititit dinadalirot oncam. Waley, pepe’ng nakahiga lang hindi pepeng pumapasada. Wag kayong OA.)

 

Going back. Parang mas maigi pa yatang short film lang siya. Buong movie naghintay ako sa isang big reveal or tumbling na bagong insight o shutanginerns na twist na wititit umarrive. Nag-MRT yata. By the end of the movie, wala akong nalaman sa kwento na hindi ko alam 30 minutes into the film.

 

Sa kwento, isang majorly stariray si Iza na nagtatrabaho simula pagkabata to support various leeches sa buhay niya like her stage mother, good-for-nothing husband, and ambisyosang director. Nashushogod na ang lola niyo, she wants a life of her own pero hindi siya makatakas from her gilded cage.

 

No, hindi Sarah G ang name niya dito.

 

Sa gitna ng pagsuhsoot ng isang horror-thriller and on the verge of a nervous breakdown, naaksidente si Iza.  Wit naman siya na-deads, na-comatose lang nang severe. Yun lang, her mind gets trapped in a dreamlike state reflecting a version ng horror-thriller storyline na shinushoot nila, set on a loop. At kung hindi niyo nagetz na this is a nightmare for her, may VO pa telling us na the thing Iza fears most ay yung matrap siya sa isang dream na hindi siya makalabas. Spell spoonfeeding.

 

In her comatose mind, the same things happen over and over again, only with several variations pang-mindfuck ng audience. Think “Groundhog Day” ni Bill Murray pero puro kapaksyetan ang nangyayari sa bida. Magigising siya in an unfamiliar house. Ipagpeprepare siya ng dream-jowa niya ng breakfast tapos huhuthutan siya ng datung. Makikipagtuos siya sa mahaderang dream-nurse niya na may sariling unecessary subplot na walang wawa sa kabuuan ng kwento.

 

Tapos madadaan siya sa isang corridor na may pa-wind effect at bonus na black yucky grabbing hand na nilalangaw which lead her to mawalan ng malay. Tapos magigising ulit siya para mag-emote but ends up na may kakain ng bibingka niya hanggang mawalan siya ng ulirat. Tapos paggising niya, back to square one ulit. Wash. Rinse. Repeat.

 

At nandun yata ang problema. Repeat. Repeat. Paulit-ulit lang. Hindi nag-escalate yung at stake sa character ni Iza. Wala rin akong naramdaman na escalation ng frustration, fear and claustrophobia of being caught in a oppressive loop.

 

Ewan ko sa inyo pero ako, yung bracelet lang na hindi ko matanggal hindi na ako makahinga, parang sumisikip yung bracelet maski hindi naman at anlayo sa windpipe ko di ba? Mas lalo na siguro yung nightmare na hindi ko malabasan. Yung bahay siguro lilliit nang lilitit hanggang maging kahon na lang.  Magwawala ako ‘day. Kung slightly depressed lang ako nung ma-coma, baka full-on baliw na ako by the end.

 

For a psychological thriller, parang hindi naaral nang sapat yung psycological part kaya hindi umeffect yung pagka-thriller.

 

Ayan. Nung lumabas ako ng sine parang medyo gusto ko naman yung Bliss. Kakakutkot ko habang sinusulat ito, medyo hindi na pala. Tigilan ko na nga, baka manghinayang pa ako sa ibinayad ko.

 

 

 

 

 

 

Advertisements